Daily Reading for Personal Growth, 40 Days with God
5 At dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa kabutihan ang kaalaman; 6 sa kaalaman ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili ang katatagan; sa katatagan ang banal na pamumuhay; 7 sa banal na pamumuhay ang pagmamahalan bilang magkakapatid; at sa pagmamahalan bilang magkakapatid ang pag-ibig. 8 Sapagkat kung taglay ninyo at pinagyayaman ang mga katangiang ito, tutulungan kayo ng mga ito na hindi maging inutil at hindi mawawalan ng silbi sa inyong pagkakilala sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 9 Sinumang wala ng mga katangiang ito ay sa malapitan lamang nakakakita at mistulang bulag. Nakalimutan niyang nilinis na siya sa kanyang naunang mga kasalanan. 10 Kaya nga, mga kapatid, lalo ninyong pagsikapan na patatagin ang pagkatawag at pagkapili sa inyo. Kung gawin ninyo ang mga ito, hindi kayo madarapa. 11 Sa ganitong paraan, buong luwalhati kayong papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.