Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 131

Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
(D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Mga Awit 138-139

Pagpapasalamat sa pagkatig ng Panginoon. Awit ni David.

138 Ako'y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
(A)Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
Ako'y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At (B)magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka't iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
Nang araw na ako'y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
Lahat ng mga hari sa lupa (C)ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka't kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
Oo, sila'y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka't dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
(D)Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, (E)gumagalang din sa mababa:
Nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
(F)Bagaman ako'y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
(G)Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
(H)Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.

Ang Panginoon ay sumasa lahat at nakaaalam ng lahat. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

139 Oh Panginoon, (I)iyong siniyasat ako, at nakilala ako.
(J)Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig,
(K)Iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo.
Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan,
At iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila,
Nguni't, narito, Oh Panginoon, (L)natatalastas mo nang buo.
(M)Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan,
At inilapag mo ang iyong kamay sa akin.
Ang ganyang kaalaman (N)ay totoong kagilagilalas sa akin;
Ito'y mataas, hindi ko maabot.
(O)Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu?
O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?
(P)Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka:
(Q)Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon.
Kung aking kunin ang mga (R)pakpak ng umaga,
At tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay,
At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, (S)Tunay na tatakpan ako ng kadiliman,
At ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 (T)Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo,
Kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw:
Ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo
13 (U)Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob:
(V)Iyo akong tinakpan sa bahaybata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas:
Kagilagilalas ang iyong mga gawa;
At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y (W)hindi nakubli sa iyo,
Nang ako'y gawin sa lihim,
At yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal,
At sa iyong aklat ay pawang nangasulat,
Kahit na ang mga araw na itinakda sa akin,
Nang wala pang anoman sa kanila,
17 (X)Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios!
Pagka dakila ng kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin:
Pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako.
19 Walang pagsalang iyong (Y)papatayin ang masama, Oh Dios:
Hiwalayan nga ninyo ako, Oh mga mabagsik na tao.
20 Sapagka't sila'y nangagsasalita laban sa iyo ng kasamaan,
At (Z)ginagamit ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan sa walang kabuluhan.
21 (AA)Hindi ko ba ipinagtatanim sila, Oh Panginoon, na nagtatanim sa iyo?
At hindi ba kinapapanglawan ko ang mga yaon na nagsisibangon laban sa iyo?
22 Aking ipinagtatanim sila ng lubos na kapootan:
Sila'y naging mga kaaway ko.
23 (AB)Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24 At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At (AC)patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

Mga Awit 143-145

Panalangin upang iligtas at akayin. Awit ni David.

143 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay (A)sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
(B)At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka't sa iyong paningin ay (C)walang taong may buhay na aariing ganap.
Sapagka't pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako (D)sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
Kaya't ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
(E)Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
(F)Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
(G)Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko'y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako'y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob (H)sa kinaumagahan;
Sapagka't sa iyo ako tumitiwala:
(I)Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka't itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 (J)Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka't ikaw ay aking Dios:
(K)Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako (L)sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, (M)dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay (N)ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka't (O)ako'y iyong lingkod.

Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.

144 Purihin ang Panginoon na (P)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
Aking kagandahang-loob, at (Q)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(R)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
(S)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
(T)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
Ikiling mo ang iyong mga langit, (U)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(V)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
(W)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
(X)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(Y)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (Z)mga taga ibang lupa;
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (AA)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (AB)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (AC)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(AD)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.

Ang Panginoon ay pinarangalan sa kaniyang kagalingan at kapangyarihan. (AE)Awit na pagpuri; ni David.

145 Ibubunyi kita, Dios ko, Oh Hari;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
Araw-araw ay pupurihin kita;
At aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.
(AF)Dakila ang Panginoon, at marapat na purihin;
At ang (AG)kaniyang kadakilaan ay hindi masayod.
(AH)Ang isang lahi ay pupuri ng iyong mga gawa sa isa.
At ipahahayag ang iyong mga makapangyarihang gawa.
Sa maluwalhating kamahalan ng iyong karangalan,
At sa iyong mga kagilagilalas na mga gawa, magbubulay ako.
At ang mga tao ay mangagsasalita ng kapangyarihan ng iyong kakilakilabot na mga gawa;
At aking ipahahayag ang iyong kadakilaan.
Kanilang sasambitin ang alaala sa iyong dakilang kabutihan,
At aawitin nila ang iyong katuwiran.
(AI)Ang Panginoon ay mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan;
Banayad sa pagkagalit, at dakila sa kagandahang-loob.
(AJ)Ang Panginoon ay mabuti sa lahat;
At ang kaniyang mga malumanay na kaawaan ay nasa lahat niyang mga gawa.
10 (AK)Lahat mong mga gawa ay mangagpapasalamat sa iyo Oh Panginoon;
(AL)At pupurihin ka ng iyong mga banal.
11 Sila'y mangagsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian,
At mangungusap ng iyong kapangyarihan;
12 (AM)Upang ipabatid sa mga anak ng mga tao ang kaniyang mga makapangyarihang gawa,
At ang kaluwalhatian ng kamahalan ng kaniyang kaharian.
13 (AN)Ang kaharian mo'y walang hanggang kaharian,
At ang kapangyarihan mo'y sa lahat ng sali't saling lahi.
14 (AO)Inaalalayan ng Panginoon ang lahat na nangabubuwal,
At itinatayo yaong nangasusubasob.
15 (AP)Ang mga mata ng lahat ay nangaghihintay sa iyo;
At iyong ibinigay sa kanila ang kanilang pagkain sa ukol na panahon.
16 Iyong binubuksan ang iyong kamay,
At sinasapatan mo ang nasa ng bawa't bagay na may buhay.
17 (AQ)Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan,
At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa.
18 (AR)Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya,
Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya (AS)sa katotohanan.
19 Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya;
Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila.
20 (AT)Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya;
Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya.
21 Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon;
(AU)At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978