Chronological
Ang mga anak ni Issachar.
7 At sa mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, si Jabsub, at si Simron, apat.
2 At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: (A)ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan.
3 At ang mga anak ni Uzzi: si Izrahias: at ang mga anak ni Izrahias: si Michael, at si Obadias, at si Joel, si Isias, lima: silang lahat ay mga pinuno.
4 At sa kasamahan nila, ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma, tatlong pu't anim na libo: sapagka't sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.
5 At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na nangabilang silang lahat, ayon sa talaan ng lahi, ay walong pu't pitong libo.
Ang mga anak ni Benjamin.
6 Ang mga anak ni Benjamin: si Bela, at si Becher, at si Jediael, tatlo.
7 At ang mga anak ni Bela: si Esbon, at si Uzzi, at si Uzziel, at si Jerimoth, at si Iri, lima; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga makapangyarihang lalaking may tapang; at sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ay dalawang pu't dalawang libo at tatlong pu't apat.
8 At ang mga anak ni Becher: si Zemira, at si Joas, at si Eliezer, at si Elioenai, at si Omri, at si Jerimoth, at si Abias, at si Anathoth, at si Alemeth. Lahat ng ito'y mga anak ni Becher.
9 At sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ayon sa kanilang lahi, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, dalawang pung libo at dalawang daan.
10 At ang mga anak ni Jediael: si Bilhan: at ang mga anak ni Bilhan: si Jebus, at si Benjamin, at si Aod, at si Chenaana, at si Zethan, at si Tharsis, at si Ahisahar.
11 Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang labing pitong libo at dalawang daan na nakalalabas sa hukbo upang makidigma.
12 Si Suppim rin naman, at si Huppim na mga anak ni Hir, si Husim na mga anak ni Aher.
Ang mga anak ni Nephtali.
13 Ang mga anak ni Nephtali: si Jaoel, at si Guni, at si Jezer, at si Sallum, na mga anak ni Bilha.
Ang mga anak ni Manases.
14 Ang mga (B)anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kaniyang babae na Aramita; ipinanganak niya si Machir na ama ni Galaad.
15 At si Machir ay nagasawa kay Huppim at kay Suppim, na ang pangalan ng kapatid na babae nila ay Maacha; at ang pangalan ng ikalawa ay Salphaad: at si Salphaad ay nagkaanak ng mga babae.
16 At si Maacha na asawa ni Machir ay nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Seres; at ang kaniyang mga anak ay si Ulam at si Recem.
17 At ang mga anak ni Ulam; si Bedan. Ito ang mga anak ni Galaad na anak ni Machir, na anak ni Manases.
18 At ipinanganak ng kaniyang kapatid na babae na si Molechet si Ichod, at si Abiezer, at si Mahala.
19 At ang mga anak ni Semida ay si Ahian, at si Sechem at si Licci, at si Aniam.
Ang mga anak ni Ephraim.
20 At ang mga anak ni Ephraim: si Suthela, at si Bered na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak, at si Elada na kaniyang anak, at si Thahath na kaniyang anak.
21 At si Zabad na kaniyang anak, at si Suthela na kaniyang anak, at si Ezer, at si Elad, na siyang mga pinatay ng mga lalake ng Gath na mga ipinanganak sa lupain, sapagka't sila'y nagsilusong upang kunin ang kanilang mga hayop.
22 At si Ephraim na kanilang ama ay tumangis na maraming araw, at ang kaniyang mga kapatid ay nagsiparoon upang aliwin siya.
23 At siya'y sumiping sa kaniyang asawa, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Beria, sapagka't sumakaniyang bahay ang kasamaan.
24 At ang kaniyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzen-seera.
25 At naging anak niya si Repha, at si Reseph, at si Thela na kaniyang anak, at si Taan na kaniyang anak;
26 Si Laadan na kaniyang anak, si Ammiud na kaniyang anak, si Elisama na kaniyang anak;
27 (C)Si Nun na kaniyang anak, si Josue na kaniyang anak.
28 At ang kanilang mga pagaari at mga tahanan ay ang Beth-el at ang mga nayon niyaon, at ang dakong silanganan ng Naaran, at ang dakong kalunuran ng Gezer pati ng mga nayon niyaon; ang Sichem rin naman at ang mga nayon niyaon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyaon:
29 At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon, ang Thanach at ang mga nayon niyaon, ang Megiddo at ang mga nayon niyaon, ang Dor at ang mga nayon niyaon. Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.
Ang mga anak ni Aser.
30 Ang mga anak ni Aser: si Imna, at si Isua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae.
31 At ang mga anak ni Beria: si Heber, at si Machiel na siyang ama ni Birzabith.
32 At naging anak ni Heber si Japhlet, at si Semer, at si Hotham, at si Sua na kapatid na babae nila.
33 At ang mga anak ni Japhlet si Pasac, at si Bimhal, at si Asvath. Ang mga ito ang mga anak ni Japhlet.
34 At ang mga anak ni Semer, si Ahi, at si Roga, si Jehubba, at si Aram.
35 At ang mga anak ni Helem na kaniyang kapatid: si Sopha, at si Imna, at si Selles, at si Amal.
36 Ang mga anak ni Sopha: si Sua, at si Harnapher, at si Sual, at si Beri; at si Imra:
37 Si Beser, at si Hod, at si Samma, at si Silsa, at si Ithram, at si Beera.
38 At ang mga anak ni Jether: si Jephone, at si Pispa, at si Ara.
39 At ang mga anak ni Ulla: si Ara, at si Haniel, at si Resia.
40 Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser, mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang, mga pinuno ng mga prinsipe. At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu't anim na libong lalake.
Ang mga anak ni Benjamin.
8 At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ara ang ikatlo;
2 Si Noha ang ikaapat, at si Rapha ang ikalima.
3 At ang mga naging anak ni Bela: si Addar, at si Gera, at si Abiud;
4 At si Abisua, at si Naaman, at si Ahoa,
5 At si Gera, at si Sephuphim, at si Huram.
6 At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath.
7 At si Naaman, at si Achias, at si Gera, ay kaniyang dinalang bihag; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud.
8 At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab, pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila; si Husim, at si Baara ay ang kaniyang mga asawa.
9 At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa, si Jobab, at si Sibias, at si Mesa, at si Malcham,
10 At si Jeus, at si Sochias, at si Mirma. Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang.
11 At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob, at si Elphaal.
12 At ang mga anak ni Elphaal: si Heber, at si Misam, at si Semeb, na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth, pati ng mga nayon niyaon:
13 At si Berias, at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath;
14 At si Ahio, si Sasac, at si Jeremoth;
15 At si Zebadias, at si Arad, at si Heder;
16 At si Michael, at si Ispha, at si Joa, na mga anak ni Berias;
17 At si Zebadias, at si Mesullam, at si Hizchi, at si Heber.
18 At si Ismari, at si Izlia, at si Jobab, na mga anak ni Elphaal;
19 At si Jacim, at si Zichri, at si Zabdi;
20 At si Elioenai, at si Silithai, at si Eliel;
21 At si Adaias, at si Baraias, at si Simrath, na mga anak ni Simi;
22 At si Isphan, at si Heber, at si Eliel;
23 At si Adon, at si Zichri, at si Hanan;
24 At si Hanania, at si Belam, at si Anthothias;
25 At si Iphdaias, at si Peniel, na mga anak ni Sasac;
26 At si Samseri, at si Seharias, at si Atalia;
27 At si Jaarsias, at si Elias, at si Ziri, na mga anak ni Jeroham.
28 Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalake: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.
29 At (D)sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jeiel, na ang pangalan (E)ng asawa ay Maacha:
30 At ang kaniyang anak na panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Nadab;
31 At si Gedor, at si Ahio, at si Zecher.
32 At naging anak ni Micloth si Simea. At sila nama'y nagsitahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.
33 (F)At naging anak ni (G)Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal.
34 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha.
35 At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Thaarea, at si Ahaz.
36 At naging anak ni Ahaz si (H)Joadda; at naging anak ni Joadda si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;
37 At naging anak ni Mosa si Bina; si (I)Rapha na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak:
38 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang mga pangalan ay ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Searias, at si Obadias, at si Hanan. Lahat ng ito'y ang mga anak ni Asel.
39 At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid: si Ulam na kaniyang panganay, si Jehus na ikalawa, at si Elipheleth na ikatlo.
40 At ang mga anak ni Ulam ay mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga anak ng mga anak, na isang daan at limangpu. Lahat, ng ito'y ang mga anak ni Benjamin.
Ang mga unang naninirahan sa Jerusalem.
9 Sa gayo'y ang (J)buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.
2 Ang mga unang mananahanan na nagsitahan sa kanilang mga pagaari sa kanilang mga bayan ay ang Israel, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang mga Nethineo.
3 At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin, at sa mga anak ni Ephraim at Manases;
4 Si Urai, na anak ni Amiud, na anak ni Omri, na anak ni Imrai, na anak ni Bani, sa mga anak ni Phares na anak ni Juda.
5 At sa mga Silonita: si Asaias na panganay, at ang kaniyang mga anak.
6 At sa mga anak ni Zara: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na anim na raan at siyam na pu.
7 At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Odavia, na anak ni Asenua;
8 At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias;
9 At ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi, na siyam na raan at limangpu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
10 (K)At sa mga saserdote: si Jedaia, at si Joiarib, at si Joachim.
11 At si (L)Azarias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Achitob, na tagapamahala sa bahay ng Dios;
12 At si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Phasur, na anak ni Machias, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesullam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Immer;
13 At ang kanilang mga kapatid, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at anim na pu; na mga lalaking totoong bihasa sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Dios.
14 (M)At sa mga Levita: si Semeias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias sa mga anak ni Merari;
15 At si Bacbacar, si Heres, at si Galal, at si Mattania na anak ni Michas, na anak ni Zichri, na anak ni Asaph;
16 At si Obadias na anak ni Semeias, na anak ni Galal, na anak ni Iduthum, at si Berechias na anak ni Asa na anak ni Elcana, na tumahan sa mga nayon ng mga Nethophatita.
Ang bantay-pinto at ang kanilang gawain.
17 At ang mga tagatanod-pinto: si Sallum, at si Accub, at si Talmon, at si Ahiman: at ang kanilang mga kapatid (si Sallum ang puno),
18 Na hanggang ngayo'y namamalagi (N)sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan: sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi.
19 At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan.
20 At si Phinees na anak ni Eleazar ay pinuno sa kanila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay sumasa kaniya.
21 Si Zacarias na anak ni Meselemia ay tagatanod-pinto ng tabernakulo ng kapisanan.
22 Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa. Ang mga ito'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon, na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni (O)Samuel na tagakita.
23 Sa gayo'y sila, at ang kanilang mga anak ay namahala na pinakabantay sa mga pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ng bahay ng tabernakulo, ayon sa paghahalinhinan.
24 Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan.
25 At ang kanilang mga kapatid, sa (P)kanilang mga nayon, ay (Q)paroroon sa bawa't pitong araw, tuwing kapanahunan upang sumakanila:
26 Sapagka't ang apat na punong tagatanod-pinto, na mga Levita, ay nangasa takdang katungkulan, at nangasa mga silid at sa mga ingatangyaman sa bahay ng Dios.
27 At sila'y nagsitahan sa palibot ng bahay ng Dios, sapagka't ang katungkulan doon ay kanila, at sa kanila nauukol ang pagbubukas tuwing umaga.
28 At ang ilan sa kanila ay may katungkulan sa mga kasangkapan na ipinaglilingkod; sapagka't ayon sa bilang ipinapasok, at ayon sa bilang inilalabas.
29 Ang ilan naman sa kanila ay nangahalal sa kasangkapan, at sa lahat ng mga kasangkapan ng santuario, at sa mainam na harina, at sa alak, at sa langis, at sa kamangyan, at sa mga espesia.
30 At ang ilan sa mga anak ng mga saserdote ay nagsisipaghanda ng paghahalohalo ng mga espesia.
31 At si Mathathias, na isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Sallum na Coraita, may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali.
32 At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita, ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa't sabbath.
33 At ang mga ito (R)ang mga mangaawit, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, na mga nagsisitahan sa mga silid, at mga laya sa ibang katungkulan: sapagka't sila'y nangalalagay sa kanilang gawain (S)araw at gabi.
34 Ang mga ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang lahi na mga lalaking pinuno: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.
35 At sa (T)Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jehiel, na ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maacha:
36 At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab;
37 At si Gedor, at si Ahio, at si Zacharias, at si Micloth.
38 At naging anak ni Micloth si Samaam. At sila nama'y nagsitahan na kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.
39 At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal.
40 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha.
41 At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Tharea, at si (U)Ahaz.
42 At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;
43 At naging anak ni Mosa si Bina; at si Rephaia na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak:
44 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang kanilang mga pangalan ay ang mga ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Seraia, at si Obadias, at si Hanan: ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.
Ang kamatayan ni Saul at ng kaniyang mga anak.
10 Ang mga Filisteo nga ay (V)nakipaglaban sa Israel: at ang mga lalake ng Israel ay nagsitakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa.
2 At ang mga Filisteo ay nanganunod na mainam sa likuran ni Saul at ng kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Malchi-sua, na mga anak ni Saul.
3 At ang pagbabaka ay lumalang mainam laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y nahirapan dahil sa mga mamamana.
4 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata: Bunutin mo ang iyong tabak, at iyong palagpasin sa akin; baka ang mga hindi tuling ito ay magsiparito at pahirapan ako. Nguni't hindi inibig ng kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpatibuwal doon.
5 At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya nama'y nagpatibuwal sa kaniyang tabak, at namatay.
6 Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak; at ang (W)kaniyang buong sangbahayan ay namatay na magkakasama.
7 At nang makita ng lahat na lalake ng Israel na nangasa libis na sila'y nagsitakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay patay, ay kanilang iniwan ang kanilang mga bayan at nagsitakas; at ang mga Filisteo ay nagsiparoon at nagsitahan sa mga yaon.
8 At nangyari nang kinaumagahan nang magsiparoon upang hubaran ng mga Filisteo ang nangapatay, na kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang mga anak na buwal sa bundok ng Gilboa.
9 At hinubaran nila siya at kinuha ang kaniyang ulo, at ang kaniyang sandata, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot, upang ibalita sa kanilang mga diosdiosan, at sa bayan.
10 At inilagay nila ang kaniyang sandata sa bahay ng kanilang mga dios, at ipinako ang kaniyang ulo sa bahay ni Dagon.
11 At nang mabalitaan ng buong Jabes-galaad ang buong ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
12 Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig, at kinuha ang bangkay ni Saul, at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak, at dinala sa Jabes, at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng (X)ensina sa Jabes, at nangagayunong pitong araw.
13 Sa gayo'y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siya'y nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan.
14 At hindi nagsiyasat sa Panginoon: kaya't pinatay niya siya, at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Isai.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978