Add parallel Print Page Options

44 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang kanilang mga pangalan ay ang mga ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Seraia, at si Obadias, at si Hanan: ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.

Read full chapter

33 (A)At naging anak ni (B)Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal.

34 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha.

35 At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Thaarea, at si Ahaz.

36 At naging anak ni Ahaz si (C)Joadda; at naging anak ni Joadda si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;

37 At naging anak ni Mosa si Bina; si (D)Rapha na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak:

38 At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang mga pangalan ay ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Searias, at si Obadias, at si Hanan. Lahat ng ito'y ang mga anak ni Asel.

Read full chapter