Chronological
Pinapanahimik ni Gedeon ang Ephraimita.
8 At (A)sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya, Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan, na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian? At siya'y pinagwikaan nilang mainam.
2 At sinabi niya sa kanila, Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer?
3 (B)Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian, si Oreb, at si Zeeb, at ano ang aking magagawa na paris ng inyo? Nang magkagayo'y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig, nang kaniyang sabihin yaon.
4 At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang (C)tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa.
5 At sinabi niya sa mga lalake sa (D)Succoth, Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin; sapagka't sila'y mga pagod, at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna, na mga hari sa Madian.
6 At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth, (E)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo?
7 At sinabi ni Gedeon, Kaya, pagka ibinigay ng Panginoon, si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay, ay (F)akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag.
8 At inahon niya mula roon ang (G)Penuel, at siya'y nagsalita sa kanila ng gayon din: at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth.
9 At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel, na sinasabi, (H)Pagbabalik kong payapa, ay aking (I)ilalagpak ang moog na ito.
10 Ngayo'y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor, at ang kanilang mga hukbo na kasama nila, na may labing limang libong lalake, yaong lahat na nalabi sa buong (J)hukbo ng mga (K)anak sa silanganan: sapagka't nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na (L)humahawak ng tabak.
11 At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng (M)Noba at Jogbea, at sinaktan ang (N)hukbo; sapagka't ang hukbo ay tiwasay.
12 At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas; at kaniyang hinabol sila: at kaniyang (O)hinuli ang dalawang hari sa Madian, na si Zeba at si Zalmunna, at nalito ang buong hukbo.
13 At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka, mula sa sampahan sa Heres.
14 At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth, at nagusisa siya sa kaniya: at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth, at ang mga matanda niyaon na pitong pu't pitong lalake.
15 At sila'y naparoon sa mga lalake sa Succoth, at sinabi, Narito si Zeba at si Zalmunna, na tungkol sa kanila, ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi, (P)Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna, upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod?
16 At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth.
17 At kaniyang (Q)inilagpak ang moog ng Penuel, at pinatay ang mga lalake sa bayan.
Si Zeba at si Zalmunna ay nahuli at pinatay.
18 Nang magkagayo'y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna. Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa (R)Tabor? At sila'y sumagot, Kung ano ikaw ay gayon sila; bawa't isa'y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari.
19 At kaniyang sinabi, Sila'y aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina: (S)buhay ang Panginoon, kung inyong iniligtas sana silang buhay, disin hindi ko kayo papatayin.
20 At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa.
21 Nang magkagayo'y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna, Bumangon ka, at daluhungin mo kami: sapagka't kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas. At bumangon si Gedeon, at pinatay si Zeba at si Zalmunna, at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo.
22 Nang magkagayo'y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon, Magpuno ka sa amin ngayon, ikaw at ang iyong anak, sapagka't iniligtas mo kami sa kamay ng Madian.
23 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hindi ako magpupuno sa inyo, o magpupuno man ang aking anak sa inyo: ang (T)Panginoon ang magpupuno sa inyo.
24 At sinabi ni Gedeon sa kanila, Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo, na bigyan ako ng bawa't isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam. (Sapagka't sila'y may mga gintong hikaw, dahil sa (U)sila'y mga Ismaelita.)
25 At sumagot sila, Ibibigay namin ng buong pagibig. At sila'y naglatag ng isang balabal, at inilagay roon ng bawa't isa ang mga hikaw na kaniyang samsam.
26 At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling, ay isang libo at pitong daang siklong ginto; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan, at ang mga hikaw at ang mga (V)damit na morado na suot ng mga hari sa Madian, at bukod pa ang mga (W)tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo.
27 At (X)ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y sa (Y)Ophra: at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa (Z)kaniya roon: at siyang naging (AA)ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan.
28 Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel, at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo. (AB)At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon.
29 At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay.
30 At nagkaroon si Gedeon ng (AC)pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang: sapagka't siya'y mayroong maraming asawa.
31 (AD)At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake, at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech.
32 At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama, (AE)sa Ophra ng mga Abiezerita.
33 At (AF)nangyari, pagkamatay ni Gedeon, na ang mga anak ni Israel ay bumalik at (AG)sumamba sa mga Baal, (AH)at ginawang kanilang dios ang Baal-berith.
34 At hindi (AI)naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios, na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot:
35 (AJ)O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal, na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel.
Pinatay ni Abimelech ang mga anak ni Gedeon.
9 At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem, sa mga (AK)kapatid ng kaniyang ina, at nagsalita sa kanila, at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina, na nagsasabi,
2 Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem, Kung ano ang magaling sa inyo, na lahat na anak ni Jerobaal na (AL)pitong pung lalake ay magpuno sa inyo, o isa ang magpuno sa inyo? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong (AM)buto at inyong laman.
3 At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya, sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y (AN)ating kapatid.
4 At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak, mula sa bahay ng (AO)Baal-berith, na siyang (AP)iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy, na siyang mga sumunod sa kaniya.
5 At siya'y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa (AQ)Ophra, at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal, na pitong pung katao, sa ibabaw ng isang bato: nguni't si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi; sapagka't siya'y nagtago.
6 At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong (AR)sangbahayan ni Millo, at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem.
Ang talinhaga ni Jotham.
7 At nang kanilang saysayin kay Jotham, siya'y yumaon at tumayo sa taluktok ng (AS)bundok Gerizim, at inilakas ang kaniyang tinig, at sumigaw, at sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga lalake sa Sichem, upang dinggin kayo ng Dios.
8 (AT)Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan; at kanilang sinabi sa puno ng olibo, (AU)Maghari ka sa amin.
9 Nguni't sinabi ng puno ng olibo sa kanila, (AV)Akin bang iiwan ang aking katabaan, na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao, (AW)at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
10 At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos, Halika, at maghari ka sa amin.
11 Nguni't sinabi ng puno ng igos sa kanila, Akin bang iiwan ang aking katamisan, at ang aking mabuting bunga, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
12 At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas, Halika, at maghari ka sa amin.
13 At sinabi ng puno ng ubas sa kanila, (AX)Akin bang iiwan ang aking alak, na nagpapasaya sa Dios at sa tao, at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy?
14 Nang magkagayo'y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag, Halika, at maghari ka sa amin.
15 At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy, Kung tunay na ako'y inyong inihahalal na hari ninyo, pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking (AY)lilim: at kung hindi ay labasan ng (AZ)apoy ang dawag at pugnawin ang mga (BA)sedro ng Libano.
16 Ngayon nga'y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech, at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan, at kayo'y gumawa sa kaniya ng (BB)ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay;
17 (Sapagka't ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay, at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian:
18 (BC)At kayo'y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito, at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak, na pitong pung lalake, sa ibabaw ng isang bato, at ginawa ninyong hari si Abimelech, na (BD)anak ng kaniyang aliping babae, sa mga lalake sa Sichem, (BE)sapagka't siya'y inyong kapatid;)
19 Kung tapat nga at matuwid na kayo'y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito, (BF)magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo:
20 Nguni't kung hindi ay labasan ng (BG)apoy si Abimelech, at pugnawin ang mga lalake sa (BH)Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem, at ang sangbahayan ni Millo, at pugnawin si Abimelech.
21 At si Jotham ay tumakbong umalis, at tumakas, at napasa Beer, at tumahan doon, dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid.
22 At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon.
23 (BI)At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem; at ang mga lalake sa Sichem ay (BJ)naglilo kay Abimelech.
24 (BK)Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating, at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid, na siyang pumatay sa kanila, at sa mga lalake sa Sichem, na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid.
25 At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin, at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila; at naibalita kay Abimelech.
Pagtatangkang pagsalangsang ni Gaal kay Abimelech.
26 At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid, at dumaan sa Sichem: at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya.
27 At sila'y lumabas sa bukid, at namitas sa kanilang mga ubasan, at pinisa, (BL)at nagpapista, at (BM)napasa bahay ng kanilang dios, at nagkainan at naginuman, at sinumpa si Abimelech.
28 At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed, (BN)Sino si Abimelech at sino si Sichem, upang, aming paglingkuran siya? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal? at si Zebul ay kaniyang pinuno? Maglingkod kayo sa mga lalake ni (BO)Hamor na ama ni Sichem: nguni't bakit kami maglilingkod sa kaniya?
29 (BP)At kahi manawari ang bayang ito'y mapasa ilalim ng aking kamay. Kung magkagayo'y aking hahalinhan si Abimelech. At kaniyang sinabi kay Abimelech, Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka.
30 At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed, ay nagalab ang kaniyang galit.
31 At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech, na nagsabi, Narito, si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem; at, narito, kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo.
32 Ngayon nga'y bumangon ka sa gabi, ikaw at ang bayan na kasama mo, at bakayan mo sa bukid:
33 At mangyayari, na sa kinaumagahan, pagsikat ng araw, ay babangon kang maaga, at isasalakay mo ang bayan: at, narito, pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo, ay (BQ)magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo.
Nanagumpay si Abimelech laban kay Gaal.
34 At bumangon si Abimelech, at ang buong bayan na kasama niya, sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem, na sila'y apat na pulutong.
35 At lumabas si Gaal na anak ni Ebed, at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya.
36 At nang makita ni Gaal ang bayan, ay kaniyang sinabi kay Zebul, Narito, bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok. At sinabi ni Zebul sa kaniya, Iyong nakikita'y mga (BR)lilim ng mga bundukin, na parang mga lalake.
37 At nagsalita uli si Gaal, at nagsabi, Tignan mo, bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain, at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim.
38 Nang magkagayo'y sinabi ni Zebul sa kaniya, Saan nandoon ngayon ang iyong bibig, na iyong ipinagsabi, (BS)Sino si Abimelech upang tayo'y maglingkod sa kaniya? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila.
39 At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem, at lumaban kay Abimelech.
40 At hinabol ni Abimelech siya, at siya'y tumakas sa harap niya, at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan.
41 At si Abimelech ay tumahan sa Aruma: at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid, upang sila'y huwag tumahan sa Sichem.
42 At nangyari nang kinaumagahan, na ang baya'y lumabas sa parang; at kanilang isinaysay kay Abimelech.
43 At kaniyang kinuha ang bayan, at binahagi niya ng tatlong pulutong, at bumakay sa parang; at siya'y tumingin, at narito, ang bayan ay lumabas sa kabayanan; at siya'y bumangon laban sa kanila, at sila'y sinaktan niya.
44 At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan: at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid, at sila'y sinaktan nila.
45 At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon; at sinakop ang bayan, at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon: at iginiba ang (BT)kabayanan at hinasikan ng asin.
Binihag ang Sichem at ang Thebes.
46 At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa (BU)moog ng Sichem, ay pumasok sila sa (BV)kuta ng bahay ng (BW)El-berith.
47 At nasaysay kay Abimelech, na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan.
48 At umahon si Abimelech sa bundok ng (BX)Salmon, siya at ang buong bayan na kasama niya; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay, at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas, at ipinasan sa kaniyang balikat: at sinabi niya sa bayan na kasama niya, Kung ano ang makita ninyo na gawin ko, magmadali kayo, at gawin ninyo ang aking ginawa.
49 At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa't lalake ng kanikaniyang sanga, at sumunod kay Abimelech, at ipinaglalagay sa kuta, at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon; na ano pa't ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin, na may isang libong lalake at babae.
50 Nang magkagayo'y naparoon si Abimelech sa Thebes, at humantong ng laban sa Thebes, at sinakop.
51 Nguni't may isang matibay na moog sa loob ng bayan, at doo'y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan, at (BY)sinarhan, at nagsisampa sa bubungan ng moog.
52 At naparoon si Abimelech sa moog, at lumaban, at lumapit sa pintuan ng moog, upang sunugin ng apoy.
53 (BZ)At hinagis ng isang babae, ng isang pangibabaw na (CA)bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo.
54 Nang magkagayo'y (CB)tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas, at sinabi niya sa kaniya, Kunin mo ang iyong tabak, at patayin mo ako, upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao, Isang babae ang pumatay sa kaniya. At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan, at siya'y namatay.
55 At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech, ay yumaon ang bawa't lalake sa kanikaniyang dako.
56 (CC)Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech, na kaniyang ginawa sa kaniyang ama, sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid:
57 At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo: at dumating sa kanila ang (CD)sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978