Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Samuel 9-12

Si Saul ay nagtanong kay Samuel.

May isang lalake nga sa Benjamin, na ang pangala'y (A)Cis, na anak ni Abiel, na anak ni Seor, na anak ni Bechora, na anak ni Aphia, na anak ng isang Benjamita, na isang makapangyarihang lalake na may tapang.

At siya'y may isang anak na lalake, na ang pangala'y Saul, isang bata at makisig: at sa mga anak ni Israel ay walang lalong makisig na lalake kay sa kaniya: (B)mula sa kaniyang mga balikat at hanggang sa paitaas ay lalong mataas siya kay sa sinoman sa bayan.

At ang mga asno ni Cis na ama ni Saul ay nawala. At sinabi ni Cis kay Saul na kaniyang anak, Ipagsama mo ngayon ang isa sa mga bataan, at ikaw ay tumindig, at hanapin mo ang mga asno.

At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng (C)Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon.

Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph, ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya, Halina at bumalik tayo, baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo.

At sinabi niya sa kaniya, Narito, may isa ngang (D)lalake ng Dios sa bayang ito, at siya'y isang lalaking may dangal; (E)lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari: ngayo'y pumaroon tayo; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon.

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Nguni't narito, kung tayo'y pumaroon, ano ang ating (F)dadalhin sa lalake? sapagka't naubos na ang tinapay sa ating mga buslo, at wala na tayong madadalang kaloob sa lalake ng Dios: anong mayroon tayo?

At sumagot uli ang bataan kay Saul, at nagsabi, Narito, mayroon ako sa aking kamay na ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak: iyan ang aking ibibigay sa lalake ng Dios, upang saysayin sa atin ang ating paglalakbay.

(Nang una sa Israel, pagka ang (G)isang lalake ay mag-uusisa sa Dios, ay ganito ang sinasabi, Halika, at tayo'y pumaroon sa (H)tagakita: sapagka't yaon ngang tinatawag na Propeta ngayon ay tinatawag nang una na Tagakita.)

10 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang bataan, Mabuti ang sinasabi mo; halika, tayo'y pumaroon. Sa gayo'y naparoon sila sa bayang kinaroroonan ng lalake ng Dios.

11 Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay (I)nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, Narito ba ang tagakita?

12 At sila'y sumagot sa kanila, at nagsabi, Siya'y nariyan, narito, nasa unahan mo: magmadali kayo ngayon, sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan; sapagka't ang bayan ay may (J)hain ngayon (K)sa mataas na dako.

13 Pagkapasok ninyo sa bayan, ay agad masusumpungan ninyo siya, bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga umahon[a] kayo; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya.

14 At sila'y umahon sa bayan; at pagpasok nila sa bayan, narito, si Samuel ay nasasalubong nila, na papaahon sa mataas na dako.

15 Inihayag nga ng (L)Panginoon kay Samuel isang araw bago si Saul ay naparoon, na sinasabi,

16 Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalake na mula sa lupain ng Benjamin, (M)at iyong papahiran siya ng langis upang maging pangulo sa aking bayang Israel; at kaniyang ililigtas ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo: sapagka't aking (N)tiningnan ang aking bayan, dahil sa ang kanilang daing ay sumapit sa akin.

17 At nang makita ni Samuel si Saul, ay sinabi ng Panginoon sa kaniya, (O)Narito ang lalake na aking sinalita sa iyo! ito nga ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.

18 Nang magkagayo'y lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung saan nandoon ang bahay ng tagakita.

19 At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo.

20 (P)At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?

21 At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa (Q)pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang (R)aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?

22 At ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kaniyang bataan, at ipinasok niya sila sa kabahayan, at pinaupo sila sa pinakapangulong dako sa gitna niyaong mga naanyayahan, na may tatlong pung katao.

23 At sinabi ni Samuel sa tagapagluto, Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, Ilagay mo ito sa iyo.

24 At itinaas nga ng tagapagluto ang (S)hita, at yaong nakapatong, at inilagay sa harap ni Saul. At sinabi ni Samuel, Narito, siya ngang itinago! ilagay mo sa harap mo at iyong kanin; sapagka't iningatan sa takdang panahon na ukol sa iyo, sapagka't aking sinabi, Aking inanyayahan ang bayan. Sa gayo'y kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na yaon.

25 At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa (T)bubungan ng bahay.

26 At sila'y bumangong maaga: at nangyari sa pagbubukang liwayway, na tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, na sinasabi, Bangon, upang mapagpaalam kita. At si Saul ay bumangon, at lumabas kapuwa sila, siya at si Samuel.

27 At nang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan, ay sinabi ni Samuel kay Saul, Sabihin mo sa bataang magpauna sa atin (at siya'y nagpauna,) nguni't tumigil ka (U)sa oras na ito, upang maiparinig ko sa iyo ang salita ng Dios.

Binuhusan ni Samuel si Saul ng langis upang maging hari.

10 (V)Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sisidlan ng langis, at ibinuhos sa ulo niya, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging prinsipe ka sa kaniyang (W)mana?

Paghiwalay mo sa akin ngayon, ay masusumpungan mo nga ang dalawang lalake sa siping ng (X)libingan ni Rachel, sa hangganan ng Benjamin sa Selsah; at sasabihin nila sa iyo, Ang mga asno na iyong hinahanap ay nasumpungan na; at, narito, niwalang bahala ng iyong ama ang mga asno, at ang (Y)inaalaala ay kayo, na sinasabi, Paano ang aking gagawin sa aking anak?

Kung magkagayo'y magpapatuloy ka mula roon, at darating ka sa ensina ng Tabor; at masasalubong ka roon ng tatlong lalake na inaahon ang Dios sa Beth-el, ang isa'y may dalang tatlong batang kambing, at ang isa'y may dalang tatlong tinapay, at ang isa'y may dalang isang balat na sisidlan ng alak:

At babatiin ka nila, at bibigyan ka ng dalawang tinapay, na iyong tatanggapin sa kanilang kamay.

Pagkatapos ay darating ka sa (Z)burol ng Dios, (AA)na nandoon ang isang pulutong ng mga Filisteo: at mangyayari pagdating mo roon sa bayan, na makakasalubong ka ng isang pulutong na mga propeta na lumulusong (AB)mula sa mataas na dako, na may salterio, at pandereta, at flauta, at alpa sa harap nila; at (AC)silay magsisipanghula.

(AD)At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sasaiyo, at (AE)manghuhula kang kasama nila, at ikaw ay magiging ibang lalake.

At mano nawa, na pagka ang mga tandang ito ay mangyari sa iyo, na gawin mo ang idudulot ng pagkakataon; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.

At ikaw ay lulusong na una sa akin (AF)sa Gilgal; at, narito, lulusungin kita, upang maghandog ng mga handog na susunugin, at maghain ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (AG)pitong araw na maghihintay ka, hanggang sa ako'y pumaroon sa iyo, at ituro sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

Si Saul na kasama ng ibang mga propeta.

At nangyaring gayon, na nang kaniyang matalikdan na iwan niya si Samuel, ay binigyan siya ng Dios ng ibang puso: at ang lahat na tandang yaon ay nangyari sa araw na yaon.

10 At (AH)nang sila'y dumating doon sa burol, narito, isang (AI)pulutong na mga propeta ay nasasalubong niya; at ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihang suma kaniya, at siya'y nanghula sa gitna nila.

11 At nangyari nang makita siya ng lahat na nakakakilala sa kaniya nang una, na, narito siya'y nanghuhulang kasama ng mga propeta, ay nagsalisalitaan ang bayan, Ano itong nangyari sa anak ni Cis? Si (AJ)Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

12 At isang taga dakong yaon ay sumagot at nagsabi, At (AK)sino ang kanilang ama? Kaya't naging kawikaan, Si Saul ba ay nasa gitna rin ng mga propeta?

13 At nang siya'y makatapos ng panghuhula, siya'y sumampa sa mataas na dako.

14 At sinabi ng (AL)amain ni Saul sa kaniya at sa kaniyang bataan, Saan kayo naparoon? At kaniyang sinabi, Upang hanapin ang mga asno, at nang aming makita na hindi mangasumpungan, ay naparoon kami kay Samuel.

15 At sinabi ng amain ni Saul, Isinasamo ko sa iyo na saysayin mo sa akin, kung ano ang sinabi ni Samuel sa inyo.

16 At sinabi ni Saul sa kaniyang amain, Sinabi niyang maliwanag sa amin na ang mga (AM)asno ay nasumpungan na. Nguni't tungkol sa bagay ng kaharian, na sinalita ni Samuel, ay hindi niya isinaysay sa kaniya.

17 At tinipon ni Samuel ang (AN)bayan sa Panginoon (AO)sa Mizpa;

18 At sinabi niya sa mga anak ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Iniahon ko ang Israel mula sa Egipto, at pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto, at sa kamay ng lahat ng mga kaharian na pumighati sa inyo:

19 (AP)Nguni't itinakuwil ninyo sa araw na ito ang inyong Dios, na siyang nagligtas sa inyo sa lahat ng mga inyong kasakunaan at mga kapighatian; at sinabi ninyo sa kaniya, Hindi, kundi lagyan mo kami ng isang hari. Ngayon nga'y (AQ)humarap kayo sa Panginoon ayon sa inyo-inyong mga lipi, at ayon sa inyong mga libolibo.

20 Sa gayo'y (AR)pinalapit ni Samuel ang lahat ng mga lipi, at ang lipi ni Benjamin ang napili.

21 At kaniyang inilapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kaniyang mga angkan; at ang angkan ni Matri ay siyang napili; at si Saul na anak ni Cis, ay siyang napili: nguni't nang kanilang hanapin siya ay hindi nasumpungan.

22 (AS)Kaya't kanilang itinanong uli sa Panginoon, May lalake pa bang paririto? At ang Panginoon ay sumagot, Narito siya'y nagtago sa mga kasangkapan.

23 At sila'y tumakbo at kinuha nila siya roon; at nang siya'y tumayo sa gitna ng bayan, ay mataas siya kay sa sinoman sa bayan, (AT)mula sa kaniyang mga balikat at paitaas.

24 At sinabi ni Samuel sa buong bayan, (AU)Nakikita ba ninyo siya na pinili ng Panginoon, na walang gaya niya sa buong bayan? At ang buong bayan ay sumigaw, at nagsabi, (AV)Mabuhay ang hari.

25 Nang magkagayo'y sinaysay ni Samuel sa bayan ang (AW)paraan ng kaharian, at isinulat sa isang aklat, at inilagay sa harap ng Panginoon. At pinayaon ni Samuel ang buong bayan, na pinauwi bawa't tao sa kaniyang bahay.

26 At si Saul man ay umuwi sa kaniyang bahay sa (AX)Gabaa; at yumaong kasama niya ang hukbo, na ang kanilang mga kalooban ay kinilos ng Dios.

27 (AY)Nguni't sinabi ng (AZ)ilang hamak na tao, Paanong ililigtas tayo ng taong ito? At kanilang niwalang kabuluhan (BA)at hindi nila dinalhan ng kaloob. Nguni't siya'y hindi umimik.

Si Naas na Ammonita ay lumabas laban sa Jabes-galaad.

11 Nang magkagayo'y umahon si Naas na (BB)Ammonita at humantong laban sa (BC)Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.

At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila, Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo, na ang lahat ninyong kanang mata ay (BD)dukitin; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel.

At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya, Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel; at kung wala ngang magliligtas sa amin, lalabasin ka namin.

Nang magkagayo'y pumaroon ang mga sugo sa (BE)Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan: (BF)at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak.

At, narito, sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid; at sinabi ni Saul, Anong mayroon ang bayan na sila'y umiiyak? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes.

Ang pananagumpay ni Saul laban sa mga Ammonita.

(BG)At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.

At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at (BH)kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, (BI)Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao.

At binilang niya sila sa (BJ)Bezec; (BK)at ang mga anak (BL)ni Israel, ay tatlong daang libo, at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo.

At sinabi nila sa mga sugo na naparoon, Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad, Bukas sa kainitan ng araw, ay magtataglay kayo ng kaligtasan. At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes; at sila'y natuwa.

10 Kaya't sinabi ng mga lalake sa Jabes, Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo.

11 At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan (BM)ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento (BN)sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama.

12 At sinabi ng bayan kay Samuel, (BO)Sino yaong nagsasabi, Maghahari ba si Saul sa amin? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila.

13 At sinabi ni Saul, (BP)Walang taong papatayin sa araw na ito; (BQ)sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.

14 Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa (BR)Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon.

15 At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul (BS)sa harap ng Panginoon; (BT)at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon.

Ang nagdaramdam na talumpati ni Samuel.

12 At sinabi ni Samuel sa buong Israel, Narito, (BU)aking dininig ang inyong tinig sa lahat na inyong sinabi sa akin, (BV)at naghalal ako ng isang hari sa inyo.

At ngayo'y narito, ang hari ay lumalakad sa unahan ninyo; at (BW)ako'y matanda na at mauban; at, narito, ang aking mga anak ay kasama ninyo: at ako'y lumakad sa unahan ninyo mula sa aking kabataan hanggang sa araw na ito.

Narito ako: sumaksi kayo laban sa akin (BX)sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang pinahiran ng langis: (BY)kung kaninong baka ang kinuha ko? kung kaninong asno ang kinuha ko? o kung sino ang aking dinaya? kung sino ang aking pinighati? o kung kaninong kamay ako kumuha ng suhol upang bulagin ang (BZ)aking mga mata niyaon? at aking isasauli sa inyo.

At kanilang sinabi, Hindi ka nagdaya sa amin, ni pumighati man sa amin, ni tumanggap man ng anoman sa kamay ng sinoman.

At sinabi niya sa kanila, Ang Panginoon ay saksi laban sa inyo at ang kaniyang pinahiran ng langis ay saksi sa araw na ito na hindi kayo nakasumpong ng anoman sa aking kamay. At kanilang sinabi, Siya'y saksi.

At sinabi ni Samuel sa bayan, Ang Panginoon ang siyang naghalal kay Moises at kay Aaron, at siyang nagahon sa inyong mga magulang mula sa lupain ng Egipto.

Ngayon nga'y tumayo kayo, upang aking maisaysay sa inyo sa harap ng Panginoon ang tungkol sa lahat na matuwid na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa inyo at sa inyong mga magulang.

Nang si Jacob ay makapasok sa Egipto, at ang inyong mga magulang ay (CA)dumaing sa Panginoon, sinugo nga ng Panginoon si Moises at si Aaron, na siyang nagsipaglabas sa inyong mga magulang mula sa Egipto, at pinatira sila sa dakong ito.

Nguni't (CB)nilimot nila ang Panginoon nilang Dios; at ipinagbili niya (CC)sila sa kamay ng Sisara, na kapitan ng hukbo ni Azor, at sa kamay ng mga (CD)Filisteo, at sa kamay ng hari sa (CE)Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

10 At sila'y dumaing sa Panginoon at nagsabi, (CF)Kami ay nagkasala, sapagka't pinabayaan namin ang Panginoon at (CG)naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astaroth: nguni't ngayo'y palayain mo kami sa kamay ng aming mga kaaway, at kami ay maglilingkod sa iyo.

11 At sinugo ng Panginoon si (CH)Jerobaal, at si Bedan, at si (CI)Jephte, at si Samuel, at pinapaging laya ko sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawa't dako, at kayo'y tumahang tiwasay.

12 At nang makita ninyo na si (CJ)Naas na hari ng mga anak ni Ammon ay naparito laban sa inyo, (CK)ay inyong sinabi sa akin, Hindi, kundi isang hari ang maghahari sa amin; (CL)dangang ang Panginoon ninyong Dios ay siya ninyong hari.

13 Ngayon nga'y masdan ninyo ang hari (CM)na inyong pinili, at siya ninyong hiningi: at, narito, nilagyan kayo ng Panginoon ng isang hari sa inyo.

14 Kung kayo'y matatakot sa Panginoon, at maglilingkod sa kaniya, at makikinig sa kaniyang tinig, at hindi manghihimagsik laban sa utos ng Panginoon, at kayo at gayon din ang hari na naghahari sa inyo ay maging masunurin sa Panginoon ninyong Dios, ay mabuti:

15 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang (CN)kamay ng Panginoon (CO)gaya sa inyong mga magulang.

16 Ngayon nga'y tumahimik kayo (CP)at tingnan ninyo itong dakilang bagay na gagawin ng Panginoon sa harap ng inyong mga mata.

17 Hindi ba (CQ)pagaani ng trigo sa araw na ito? Ako'y tatawag sa Panginoon, na siya'y magpapasapit ng kulog at ulan; at inyong malalaman at makikita na (CR)ang inyong kasamaan ay dakila, na inyong ginawa sa paningin ng Panginoon sa paghingi ninyo ng isang hari.

18 Sa gayo'y tumawag si Samuel sa Panginoon; at ang Panginoon ay nagpasapit ng kulog at ulan ng araw na yaon: at ang (CS)buong bayan ay natakot na mainam sa Panginoon at kay Samuel.

19 At sinabi ng buong bayan kay Samuel, (CT)Ipanalangin mo ang iyong mga lingkod sa Panginoon mong Dios, upang huwag kaming mamatay; sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari.

20 At sinabi ni Samuel sa bayan, Huwag kayong matakot: tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayon ma'y huwag kayong lumihis ng pagsunod sa Panginoon, kundi kayo'y maglingkod ng buong puso sa Panginoon.

21 At huwag kayong lumiko; sapagka't kung gayo'y (CU)susunod kayo sa mga walang kabuluhang bagay na hindi ninyo mapapakinabangan o makapagpapalaya man, sapagka't mga walang kabuluhan.

22 (CV)Sapagka't hindi pababayaan ng Panginoon ang kaniyang bayan (CW)dahil sa kaniyang dakilang pangalan, (CX)sapagka't kinalulugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan niya.

23 Saka sa ganang akin, malayo nawang sa akin na ako'y magkasala laban sa Panginoon sa paglilikat ng (CY)pananalangin dahil sa inyo: kundi ituturo ko sa inyo ang mabuti at matuwid na (CZ)daan.

24 Matakot lamang kayo sa Panginoon, at maglingkod kayo sa kaniya sa katotohanan ng inyong buong puso; (DA)dilidilihin nga ninyo kung gaanong dakilang mga bagay ang kaniyang ginawa sa inyo.

25 Nguni't kung kayo'y mamamalaging gagawa ng kasamaan, kayo'y malilipol, kayo at gayon din ang inyong hari.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978