Add parallel Print Page Options

24 At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing (A)maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at (B)inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan.

25 At kanilang hinuli ang (C)dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa (D)batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan.

Read full chapter