Book of Common Prayer
Ang Panginoon ay bahagi ng buhay ng mangaawit at tagapagligtas sa kamatayan. Awit ni David.
16 Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako.
2 Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon:
Ako'y walang kabutihan liban sa iyo.
3 Tungkol sa mga banal na nangasa lupa,
Sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.
4 Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios:
Ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog,
Ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan (A)sa aking mga labi.
5 (B)Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng (C)aking saro:
Iyong inaalalayan ang aking kapalaran.
6 Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako;
Oo, ako'y may mainam na mana.
7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo:
(D)Oo, tinuturuan ako sa gabi ng (E)aking puso.
8 (F)Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko:
Sapagka't kung siya ay (G)nasa aking kanan, hindi ako makikilos.
9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak:
Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
10 (H)Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa (I)Sheol;
Ni hindi mo man titiisin ang iyong (J)banal ay makakita ng kabulukan.
11 Iyong ituturo sa akin (K)ang landas ng buhay:
Nasa iyong harapan (L)ang kapuspusan ng kagalakan;
Sa iyong kanan ay may mga (M)kasayahan magpakailan man.
Panalangin laban sa mga manlulupig. Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang matuwid, Oh Panginoon, pakinggan mo ang aking daing;
Ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
2 Manggaling sa iyong harapan ang aking kahatulan;
Masdan ng iyong mga mata (N)ang karampatan.
3 Iyong sinubok ang aking puso; (O)iyong dinalaw ako sa kinagabihan;
(P)Iyong nilitis ako, at wala kang nasumpungan;
Ako'y nagpasiya na ang aking bibig ay hindi sasalangsang.
4 Tungkol sa mga gawa ng mga tao, sa pamamagitan ng salita ng iyong mga labi.
Ako'y nagingat sa mga daan ng pangdadahas.
5 Ang aking mga hakbang ay (Q)nagsipanatili sa iyong mga landas,
Ang aking mga paa ay hindi nangadulas.
6 (R)Ako'y tumawag sa iyo, sapagka't ikaw ay sasagot sa akin, Oh Dios:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at dinggin mo ang aking pananalita.
7 (S)Ipakita mo ang iyong mga kagilagilalas na kagandahang-loob,
Oh ikaw na nagliligtas sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo.
Sa nagsisibangon laban sa kanila, sa pamamagitan ng iyong kanan.
8 (T)Ingatan mo ako na gaya ng itim ng mata,
(U)Ikubli mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 Sa masama na sumasamsam sa akin,
Sa aking mga kaaway na nagsisipatay, na nagsisikubkub sa akin.
10 (V)Sila'y nangabalot sa kanilang sariling taba:
Sila'y nangagsasalita ng kanilang bibig na (W)may kapalaluan.
11 (X)Kanilang kinubkob nga kami sa aming mga hakbang:
Itinititig nila ang kanilang mga mata upang ibuwal kami sa lupa.
12 Sila'y parang leon na masiba sa kaniyang huli,
At parang batang leon na nanunubok sa mga lihim na dako.
13 Bumangon ka, Oh Panginoon,
Harapin mo siya, ilugmok mo siya:
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa masama sa pamamagitan ng iyong tabak;
14 Sa mga tao, sa pamamagitan ng iyong kamay, Oh Panginoon,
Sa mga tao ng sanglibutan, (Y)na ang bahagi nila ay nasa buhay na ito,
At ang tiyan nila'y pinupuno mo ng iyong kayamanan:
Kanilang binubusog ang kanilang mga anak,
At iniiwan nila ang natira sa kanilang pagaari sa kanilang sanggol.
15 (Z)Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran:
(AA)Ako'y masisiyahan (AB)pagka bumangon sa iyong wangis.
Iyak sa pagkahapis at Awit sa pagluwalhati. Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Aijeleth-hash-Shahar. Awit ni David.
22 Dios ko, Dios ko, (A)bakit mo ako pinabayaan?
Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng (B)aking pagangal?
2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot:
At sa gabi, at hindi ako tahimik.
3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga (C)pagpuri ng Israel.
4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo:
Sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.
5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas:
(D)Sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.
6 Nguni't (E)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (F)hinamak ng bayan.
7 (G)Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako:
Inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,
8 (H)Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya:
Iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:
9 (I)Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata:
Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.
10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata:
Ikaw ay aking Dios (J)mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.
11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit;
Sapagka't walang tumulong.
12 (K)Niligid ako ng maraming toro;
Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
13 (L)Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig,
Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.
14 Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad:
(M)Ang aking puso ay parang pagkit;
Natutunaw ito sa loob ko.
15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga;
(N)At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala;
At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso:
Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama;
(O)Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto;
Kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 (P)Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila,
At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon:
Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak;
Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.
21 (Q)Iligtas mo ako sa bibig ng leon;
Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.
22 (R)Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
23 (S)Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya:
Kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya;
At magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.
24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati;
Ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya;
Kundi (T)nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.
25 (U)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (V)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (W)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (X)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (Y)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (Z)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang ikatlong pagsasalita ni Job. Inilahad ang kapangyarihan ng Dios.
9 Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon:
(A)Nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3 Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya,
Siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4 (B)Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan:
Sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman,
Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6 (C)Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan,
At ang mga haligi nito ay (D)nangayayanig.
7 Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat;
At nagtatakda sa mga bituin.
8 (E)Na nagiisang inuunat ang langit,
At tumutungtong sa mga (F)alon ng dagat.
9 (G)Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade,
At sa mga silid ng timugan.
10 Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod;
Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita:
Siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 (H)Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya?
Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit;
Ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya,
At mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 (I)Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya;
Ako'y mamamanhik sa aking hukom.
32 Sapagka't siya'y (A)hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya,
Na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 Walang hukom sa pagitan natin,
Na makapaglagay ng (B)kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod,
At huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya;
Sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.
34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,
Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
35 Kundi (A)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.
36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (B)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (C)(siya'y Panginoon ng lahat)—
37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (D)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;
38 Sa makatuwid baga'y si (E)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (F)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
39 At mga saksi (G)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.
40 Siya'y muling binuhay ng Dios (H)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.
41 (I)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (J)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (K)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.
42 At (L)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (M)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.
43 Siya ang pinatotohanan ng (N)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (O)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.
45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay (P)nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.
46 Sapagka't nangarinig nilang (Q)nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,
47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?
48 At inutusan niya (R)sila na magsipagbautismo (S)sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
37 Nang huling araw nga, na (A)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (B)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.
38 Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, (C)ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
39 Nguni't ito'y sinalita niya tungkol sa (D)Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya sa kaniya: (E)sapagka't hindi pa (F) ipinagkakaloob ang Espiritu; (G)sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.
40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito (H)ang propeta.
41 Sinasabi ng mga iba, (I)Ito nga ang Cristo. Datapuwa't sinasabi ng ilan, (J)Ano, sa Galilea baga manggagaling ang Cristo?
42 Hindi baga sinabi ng kasulatan (K)na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa (L)Bet-lehem, ang nayong (M)kinaroonan ni David?
43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya.
44 At ibig ng ilan sa kanila na siya'y hulihin; datapuwa't walang taong sumunggab sa kaniya.
45 Nagsidating nga ang (N)mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala?
46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.
47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?
48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo?
49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.
50 Sinabi sa kanila ni (O)Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),
51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, (P)malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?
52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978