Book of Common Prayer
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.
75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (A)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (B)haligi niyaon. (Selah)
4 Aking sinabi sa (C)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (D)matigas na ulo.
6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
7 Kundi ang (E)Dios ay siyang hukom:
(F)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8 Sapagka't (G)sa kamay ng Panginoon ay may (H)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (I)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (J)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.
76 Sa Juda (K)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2 Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 (L)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4 Maluwalhati ka at marilag, (M)Mula sa mga bundok na hulihan.
5 Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (N)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 (O)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (P)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8 Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9 Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (Q)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (R)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (S)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.
23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 (G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 (C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 (D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 (G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6 At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, (I)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 (J)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (K)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (L)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (M)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (N)nagsibangon laban sa akin,
At ang (O)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(P)Sa lupain ng may buhay.
14 (Q)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
19 Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban;
Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan,
Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo:
Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit,
Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 (A)Tinangay sila ng ilog Cison,
Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison.
Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo,
Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon,
Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya;
(B)Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong (C)sa Panginoon,
Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Pagpalain sa lahat ng babae si Jael,
Ang asawa ni Heber na Cineo,
Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 (D)Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas;
Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos,
At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa;
At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo,
Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok:
Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal.
Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw;
Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia:
Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating?
Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya,
Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam?
Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake;
Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay,
Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda,
Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran,
Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 (E)Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon:
Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay (F)maging parang araw (G)pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan.
(H)At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.
22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (A)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (B)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;
23 Siya, na (C)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (D)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:
24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, (E)pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.
25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,
(F)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (G)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.
29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (H)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (I)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;
31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (J)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.
32 Ang Jesus na ito'y (K)binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y (L)mga saksi kaming lahat.
33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at (M)tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi,
(N)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.
36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (O)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
11 Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa (A)mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.
12 At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,
13 Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.
14 At kung ito'y dumating sa tainga (B)ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.
15 Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili (C)hanggang sa mga araw na ito.
16 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok (D)na sa kanila'y itinuro ni Jesus.
17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, (E)Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.
19 (F)Dahil dito magsiyaon nga kayo, (G)at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at (H)narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978