Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 70-71

Sa Pangulong Manunugtog. (A)Awit ni David; upang umalaala.

70 (B)Magmadali ka, Oh Dios, na iligtas mo ako;
Magmadali ka na tulungan mo ako, Oh Panginoon.
Mangapahiya at mangalito sila,
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa:
Mangapatalikod sila at mangadala sa kasiraang puri.
Silang nangaliligaya sa aking kapahamakan.
(C)Mangapatalikod sila dahil sa kanilang kahihiyan.
Silang nangagsasabi, Aha, Aha.
Mangagalak at mangatuwa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo;
At magsabing lagi yaong umiibig ng iyong kaligtasan:
Dakilain ang Dios.
Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
(D)Magmadali ka sa akin, Oh Dios:
Ikaw ay aking katulong at aking tagapagligtas;
Oh Panginoon, huwag kang magluwat.

Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.

71 Sa iyo (E)Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
(F)Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
(G)Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
(H)Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
(I)Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
Sagipin mo ako, (J)Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
Sapagka't ikaw ay (K)aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
(L)Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
(M)Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
Ang bibig ko'y (N)mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
(O)Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10 Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11 Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 (P)Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, (Q)magmadali kang tulungan mo ako.
13 (R)Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14 Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 (S)Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
(T)Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16 Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17 Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18 Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang (U)iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 (V)Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na (W)gumawa ng dakilang mga bagay,
(X)Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 (Y)Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
(Z)Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21 Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22 Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
(AA)Oh ikaw na Banal ng Israel.
23 Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang (AB)kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 (AC)Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
(AD)Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.

Mga Awit 74

Masquil ni Asaph.

74 Oh Dios, bakit mo itinakuwil (A)kami magpakailan man?
Bakit ang iyong galit ay (B)umuusok laban sa mga (C)tupa ng iyong pastulan?
Alalahanin mo ang iyong kapisanan (D)na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng (E)iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
Itaas mo ang iyong mga paa (F)sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
(G)Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
(H)Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
At ngayo'y lahat (I)ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
(J)Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
(K)Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
(L)Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10 Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 (M)Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12 Gayon ma'y ang (N)Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 (O)Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
(P)Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga (Q)buwaya sa mga tubig.
14 Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng (R)leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 (S)Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
(T)Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16 Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17 Iyong (U)inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 (V)Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19 Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa (W)ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 (X)Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 (Y)Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22 Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.

Mga Hukom 4:4-23

Si Debora nga, na propetisa, asawa ni Lapidoth, ay naghukom sa Israel nang panahong yaon.

At siya'y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora, sa pagitan ng (A)Rama at Beth-el, sa lupaing (B)maburol ng Ephraim; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol.

At kaniyang ipinatawag si Barac, na anak ni Abinoam mula sa (C)Cedes-nephtali, at sinabi sa kaniya, Hindi ba ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagutos na sinasabi, Yumaon ka, at pumaroon ka sa bundok ng (D)Tabor, at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon?

At aking isusulong sa iyo sa (E)ilog Cison, si Sisara, na puno sa hukbo ni Jabin, pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan; at aking ibibigay siya sa iyong kamay.

At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni't kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon.

At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma'y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan; sapagka't ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

10 At tinawag ni Barac ang (F)Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes; at doo'y umahon ang sangpung libong lalake na (G)kasunod niya: at si Debora ay umahong kasama niya.

11 Si Heber nga na (H)Cineo ay humiwalay sa mga Cineo, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni (I)Hobab, na biyanan ni Moises, at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim, na nasa siping ng Cedes.

12 At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor.

13 At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo, na siyam na raang karong bakal, at ang buong bayan na kasama niya, mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison.

14 At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: (J)hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.

15 At nilansag ng (K)Panginoon si Sisara, at lahat ng mga karo niya, at ang buong hukbo niya, ng talim ng tabak sa harap ni Barac; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo, at tumakas na tumakbo.

16 Nguni't hinabol ni Barac ang mga karo, at ang hukbo, hanggang sa Haroseth ng mga bansa: at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak; walang lalaking nalabi.

Pinatay ni Jael si Sisara.

17 Gayon ma'y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo; sapagka't may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.

18 At sinalubong ni Jael si Sisara, at sinabi sa kaniya, Lumiko ka, panginoon ko, lumiko ka rito sa akin: huwag kang matakot. At siya'y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya'y tinalukbungan niya ng isang banig.

19 At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka't ako'y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.

20 At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

21 Nang magkagayo'y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda, at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya, at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan, at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka't siya'y nakatulog ng mahimbing; sa gayo'y nanglupaypay siya at namatay.

22 At, narito, sa paraang (L)hinahabol ni Barac si Sisara, ay lumabas si Jael na sinalubong siya, at sinabi sa kaniya: Parito ka, at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap. At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, si Sisara ay nakabulagtang patay, at ang tulos ay nasa kaniyang ulo.

23 Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel.

Mga Gawa 1:15-26

15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),

16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (A)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (B)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.

17 Sapagka't siya'y (C)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (D)ito.

18 (E)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (F)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.

19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (G)Ang parang ng Dugo.)

20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,

(H)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;

at,

(I)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.

21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,

22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (J)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (K)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.

23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.

24 At (L)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,

25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (M)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (N)sa kaniyang sariling kalalagyan.

26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.

Mateo 27:55-66

55 At nangaroroon ang (A)maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, (B)na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:

56 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si (C)Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang (D)ina ng mga anak ni Zebedeo.

57 (E)At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;

58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni (F)Pilato na ibigay yaon.

59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,

60 At (G)inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.

61 At nangaroon si Maria Magdalena, at (H)ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.

62 Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos (I)ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,

63 Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, (J)Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.

64 Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.

65 Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong (K)bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.

66 Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978