Book of Common Prayer
Pagbubulaybulay at panalangin tungkol sa kautusan ng Dios.
ALEPH.
119 Mapalad silang (A)sakdal sa lakad,
Na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
2 Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo,
Na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
3 (B)Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan;
Sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
4 Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo,
Upang aming sunding masikap.
5 Oh matatag nawa ang aking mga daan,
Upang sundin ang mga palatuntunan mo!
6 (C)Hindi nga ako mapapahiya,
Pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
7 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso,
Pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
8 Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo:
Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
BETH.
9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (D)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(E)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (F)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (G)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
GIMEL.
17 (H)Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay;
Sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
18 Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita
Ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
19 (I)Ako'y nakikipamayan sa lupa:
Huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
20 (J)Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik.
Na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
21 Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa,
Na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
22 Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan;
(K)Sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
23 Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin;
Nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
24 (L)Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran.
At aking mga tagapayo.
Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.
12 Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay (A)nalilipol;
Sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
2 Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:
(B)Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,
Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;
Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,
(C)Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;
Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
6 (D)Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;
Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,
Na makapitong dinalisay.
7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,
Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
8 Ang masama ay naggala saa't saan man.
Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
13 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
(E)Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
(F)Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;
4 (G)Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako'y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak (H)pagka ako'y nakilos.
5 Nguni't ako'y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako'y aawit sa Panginoon,
(I)Sapagka't ginawan niya ako ng sagana.
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
14 (J)Ang (K)mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
(L)Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2 Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
(M)Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3 Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 (N)Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
(O)Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
(P)At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5 Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6 Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang (Q)kanlungan.
7 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling (R)sa Sion!
Kung (S)ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Inilarawan ni Job ang kaniyang pagkasawi.
6 Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.
7 Wala bang (A)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (B)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga (C)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
4 (D)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
5 Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (E)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
6 Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (F)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
7 Oh (G)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
8 Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (H)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (I)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (J)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (K)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(L)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (M)walang kabuluhan.
17 (N)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (O)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (P)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (Q)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.
10 At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
2 Isang taong masipag sa kabanalan (A)at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.
3 Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang (B)isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.
4 At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa (C)pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga (D)paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.
5 At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa (E)Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;
6 Siya'y nanunuluyan sa isa na (F)Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat.
7 At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;
8 At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe.
9 Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si (G)Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;
10 At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay (H)nawalan siya ng diwa;
11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
12 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; (I)sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, (J)Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
7 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Jesus sa Galilea: (A)sapagka't ayaw siyang maglakad sa Judea, (B)dahil sa pinagsisikapan ng mga Judio na siya'y patayin.
2 Malapit na nga (C)ang pista ng mga Judio, ang pista ng mga tabernakulo.
3 (D)Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa.
4 Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan.
5 Sapagka't kahit ang kaniyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya sa kaniya.
6 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, (E)Hindi pa dumarating ang aking panahon; datapuwa't ang inyong panahon ay laging nahahanda.
7 Hindi mangyayaring kayo'y kapootan (F)ng sanglibutan; nguni't ako'y kinapopootan, sapagka't siya'y aking pinatototohanang masasama ang kaniyang mga gawa.
8 Mangagsiahon kayo sa pista: ako'y hindi aahon sa pistang ito; sapagka't hindi pa nagaganap ang aking panahon.
9 At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito, ay nanahan pa siya sa Galilea.
10 Datapuwa't nang mangakaahon na ang kaniyang mga kapatid sa pista, saka naman siya umahon, hindi sa hayag, kundi waring sa lihim.
11 (G)Hinahanap nga siya ng mga Judio sa pista, at kanilang sinasabi, Saan naroon siya?
12 At nagkaroon ng maraming bulongbulungan tungkol sa kaniya ang karamihan: sinasabi ng ilan, Siya'y taong mabuti; sinasabi (H)ng mga iba, Hindi gayon, kundi inililigaw niya ang karamihan.
13 Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya (I)dahil sa takot sa mga Judio.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978