Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 34

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
(D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
(F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
(H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Jeremias 16:14-21

14 Kaya't, narito, ang mga araw ay (A)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na sasabihin pa, (B)Buháy ang Panginoon, na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto;

15 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel (C)mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At (D)akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang.

16 Narito, ipasusundo ko ang (E)maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga (F)bitak ng mga malaking bato.

17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.

18 At akin munang (G)gagantihin (H)ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't (I)kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.

19 Oh Panginoon, (J)aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na (K)hindi mapapakinabangan.

20 Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios (L)na hindi mga dios?

21 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang (M)aking pangalan ay (N)Jehova.

Marcos 1:14-20

14 (A)Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral (B)ang evangelio ng Dios,

15 At sinasabi, Naganap na (C)ang panahon, at malapit na (D)ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

16 At (E)pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea, ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.

17 At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.

18 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.

19 At paglakad sa dako pa roon ng kaunti, ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid, na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat.

20 At pagdaka'y kaniyang tinawag sila: at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan, at nagsisunod sa kaniya.

Mga Awit 33

Papuri sa Lumalang at sa tagaingat.

33 Mangagalak kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga matuwid:
Pagpuri ay maganda (B)sa ganang matuwid.
Kayo'y mangagpasamalat sa Panginoon na may alpa:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.
(C)Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit;
Magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.
Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid;
At lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.
(D)Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan:
Ang lupa ay puno (E)ng kagandahang-loob ng Panginoon.
(F)Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;
At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
(G)Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton:
Inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.
Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon:
Magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.
Sapagka't (H)siya'y nagsalita, at nangyari;
Siya'y nagutos, at tumayong matatag.
10 (I)Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa:
Kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.
11 Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man,
Ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.
12 (J)Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon;
Ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.
13 Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit;
Kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;
14 Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya
Sa lahat na nangananahan sa lupa;
15 Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat,
Na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.
16 (K)Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo:
Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.
17 Ang kabayo ay (L)walang kabuluhang bagay sa pagliligtas:
Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
18 (M)Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;
19 Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan,
At (N)upang ingatan silang buháy sa kagutom.
20 Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon:
(O)Siya'y aming saklolo at aming kalasag.
21 Sapagka't ang aming puso ay magagalak (P)sa kaniya,
Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Ayon sa aming pagasa sa iyo.

Mateo 10:16-32

16 Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: (A)mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.

17 Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga (B)Sanedrin at kayo'y hahampasin (C)sa kanilang mga sinagoga;

18 Oo at (D)kayo'y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga Gentil.

19 Datapuwa't pagka kayo'y ibinigay nila, (E)huwag ninyong ikabalisa kung paano o kung ano ang inyong sasabihin: (F)sapagka't sa oras na yaon ay ipagkakaloob sa inyo ang inyong sasabihin.

20 Sapagka't (G)hindi kayo ang mangagsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang sa inyo'y magsasalita.

21 At ibibigay (H)ng kapatid ang kapatid sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak: at mangaghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang, at sila'y ipapapatay.

22 (I)At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

23 Datapuwa't (J)pagka kayo'y pinagusig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan: sapagka't sa katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo matatapos libutin ang mga bayan ng Israel, (K)hanggang sa pumarito ang Anak ng tao.

24 (L)Hindi mataas ang alagad sa kaniyang guro, ni hindi rin mataas ang alila sa kaniyang panginoon.

25 Sukat na sa alagad ang maging katulad ng kaniyang guro, at sa alila ang maging katulad ng kaniyang panginoon. Kung pinanganlan nilang Beelzebub (M)ang panginoon ng sangbahayan, gaano pa kaya ang mga kasangbahay niya!

26 Huwag nga ninyo silang katakutan: (N)sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.

28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa (O)impierno.

29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:

30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.

31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

32 Kaya't ang bawa't kumikilala (P)sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman (Q)siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978