Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 119:49-72

ZAIN.

49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod,
Na doo'y iyong pinaasa ako.
50 Ito'y aking (A)kaaliwan sa aking pagkapighati:
Sapagka't binuhay ako ng (B)iyong salita.
51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin:
Gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon,
At ako'y nagaliw sa sarili.
53 (C)Maalab na galit ang humawak sa akin,
Dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
54 Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit
Sa (D)bahay ng aking pangingibang bayan.
55 (E)Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon,
At sinunod ko ang iyong kautusan.
56 Ito ang tinamo ko,
Sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

CHETH.

57 (F)Ang Panginoon ay aking bahagi:
Aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso:
Magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 (G)Ako'y nagiisip sa aking mga lakad,
At ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad,
Na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama;
Nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 (H)Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo,
Dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo,
At ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno (I)ng iyong kagandahang-loob:
(J)Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.

TETH.

65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod,
Oh Panginoon, (K)ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman;
Sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 (L)Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako;
Nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 (M)Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti;
Ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
69 Ang palalo ay (N)kumatha ng kabulaanan laban sa akin:
Aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
70 (O)Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo;
Nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
71 (P)Mabuti sa akin na ako'y napighati;
Upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
72 Ang kautusan ng iyong bibig ay (Q)lalong mabuti sa akin
Kay sa libong ginto at pilak.

Mga Awit 49

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

49 (A)Dinggin ninyo ito, ninyong lahat na mga bayan;
Pakinggan ninyo, ninyong lahat na nananahan sa daigdig:
(B)Ng mababa at gayon din ng mataas,
Ng mayaman at ng dukha na magkasama.
Ang aking bibig ay magsasalita ng karunungan;
At ang pagbubulay ng aking puso ay magiging sa pagunawa.
(C)Ikikiling ko ang aking panig sa talinghaga:
Ibubuka ko ang aking (D)malabong sabi sa alpa.
Bakit ako matatakot sa mga kaarawan ng kasamaan,
Pagka kinukulong ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
Silang (E)nagsisitiwala sa kanilang kayamanan,
At nangaghahambog sa karamihan ng kanilang mga kayamanan;
Wala sa kaniyang (F)makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid,
Ni (G)magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:
(Sapagka't (H)ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal,
At ito'y naglilikat magpakailan man:)
Upang siya'y mabuhay na lagi,
Upang siya'y (I)huwag makakita ng kabulukan.
10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay (J)nangamamatay,
Ang mangmang at gayon din ang (K)hangal ay nililipol,
(L)At iniiwanan ang kanilang kayamanan sa mga iba.
11 Ang kanilang pagiisip sa loob ay, na ang kanilang mga bahay ay mananatili magpakailan man,
At ang kanilang mga tahanang dako ay sa lahat ng sali't saling lahi;
(M)Tinatawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang sariling mga pangalan.
12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan:
Siya'y gaya ng mga hayop na nangamamatay.
13 Itong kanilang lakad ay (N)kanilang kamangmangan:
Gayon ma'y pagkatapos nila ay sinasangayunan ng mga tao ang kanilang mga kasabihan. (Selah)
14 Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan;
Kamatayan ay magiging pastor sa kanila:
At (O)ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan;
At ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw,
Upang mawalan ng tahanan.
15 Nguni't (P)tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol:
(Q)Sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)
16 Huwag kang matakot pagka may yumaman.
Pagka ang kaluwalhatian ng kaniyang bahay ay lumago:
17 Sapagka't pagka siya'y namatay ay wala siyang dadalhin;
Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.
18 Bagaman habang siya'y nabuhay ay (R)kaniyang pinagpala ang kaniyang kaluluwa,
(At pinupuri ka ng mga tao pagka gumagawa ka ng mabuti sa iyong sarili),
19 Siya'y paroroon sa lahi ng kaniyang mga magulang;
Hindi sila makakakita kailan man ng (S)liwanag.
20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa,
Ay gaya ng mga hayop na namamatay.

Mga Awit 53

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.

53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.

Josue 8:30-35

Ang kautusan ay sinulat at binasa sa bundok ng Ebal.

30 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Josue ng isang dambana ang Panginoon, ang Dios ng Israel, sa (A)bundok ng Ebal,

31 Gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, sa mga anak ni Israel, gaya ng nakasulat sa (B)aklat ng kautusan ni Moises, na isang dambana na hindi hinitsurahang mga bato, na hindi pinagbuhatan ng sinomang tao ng bakal: at kanilang (C)pinaghandugan sa Panginoon ng mga handog na susunugin, at pinaghainan ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

32 At siya'y (D)sumulat doon sa mga bato ng isang salin ng kautusan ni Moises na kaniyang sinulat, sa harap ng mga anak ni Israel.

33 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga (E)pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, (F)na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga (G)taga ibang lupa na gaya rin ng mga tagaroon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni (H)Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.

34 At pagkatapos ay kaniyang (I)binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang (J)pagpapala at ang (K)sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

35 Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng mga (L)babae, at ng mga bata, at ng mga (M)taga ibang lupa na nakikipamayan sa kanila.

Roma 14:13-23

13 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay (A)huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.

14 Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, (B)na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na (C)doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.

15 Sapagka't kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig. (D)Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo.

16 Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan:

17 Sapagka't ang kaharian (E)ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.

18 Sapagka't ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios, at pinatutunayan ng mga tao.

19 Kaya nga (F)sundin ang mga bagay na makapapayapa, at ang mga (G)bagay na makapagpapatibay sa isa't isa.

20 Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang (H)lahat ng mga bagay ay malilinis; (I)gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi.

21 Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati, (J)ni uminom ng alak, ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid.

22 Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios. Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan.

23 Nguni't ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya kumakain sa pananampalataya; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan.

Mateo 26:57-68

57 (A)At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si (B)Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.

58 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.

59 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay;

60 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman (C)maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,

61 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, (D)Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.

62 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?

63 Datapuwa't hindi umimik si (E)Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, (F)Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, (G)ang Anak ng Dios.

64 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay (H)inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.

65 Nang magkagayoy hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan:

66 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, (I)Karapatdapat siya sa kamatayan.

67 Nang magkagayo'y (J)niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,

68 Na nangagsasabi, (K)Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978