Book of Common Prayer
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.
149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (H)sa kapisanan ng mga banal.
2 (I)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 (J)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(K)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(L)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (M)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (N)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (O)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(P)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya (Q)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (R)ng mga panugtog na kawad at ng (S)flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga (T)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 (U)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.
114 Nang (A)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (B)mula sa bayang may ibang wika;
2 (C)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(D)Ang Israel ay kaniyang sakop.
3 Nakita (E)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
4 (F)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
5 (G)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6 Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
7 Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
8 (H)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.
115 Huwag (I)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (J)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
2 Bakit sasabihin ng mga bansa,
(K)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
3 Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
4 (L)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(M)Yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila'y may mga bibig, (N)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 (O)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
9 (P)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (Q)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (R)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (S)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (T)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (U)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (V)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang utos ng Panginoon kay Josue.
1 Nangyari nga pagkamatay ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ang Panginoon ay nagsalita kay Josue na anak ni Nun na (A)tagapangasiwa ni Moises, na sinasabi,
2 (B)Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel.
3 (C)Bawa't dakong tuntungan ng talampakan ng inyong paa, ay naibigay ko na sa inyo, gaya ng sinalita ko kay Moises.
4 (D)Mula sa ilang, at ang Libanong ito, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates, buong lupain ng mga Hetheo, at hanggang sa malaking dagat sa dakong nilulubugan ng araw, ay magiging inyong hangganan.
5 (E)Walang makatatayong sinomang tao sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: (F)kung paanong ako'y suma kay Moises, ay gayon ako (G)sasa iyo: (H)hindi kita iiwan ni pababayaan kita.
6 (I)Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.
7 Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: (J)huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.
8 Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, (K)kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
9 (L)Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; (M)huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.
Naghanda si Josue sa pagtawid sa Jordan.
10 Nang magkagayo'y nagutos si Josue sa (N)mga pinunong bayan, na sinasabi,
11 Kayo'y magdaan sa gitna ng kampamento, at magutos sa bayan, na sabihin, Maghanda kayo ng baon; sapagka't (O)sa loob ng tatlong araw ay tatawid kayo sa Jordang ito, upang yumaong ariin ang lupain, na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios upang ariin.
12 At sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, ay nagsalita si Josue, na sinasabi,
13 Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, (P)na sinasabi, Binibigyan kayo ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios, at ibibigay sa inyo ang lupaing ito.
14 Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni't kayo'y tatawid na may sandata (Q)sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;
15 Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, (R)at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo'y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.
16 At sila'y sumagot kay Josue, na sinasabi, Lahat ng iyong iniutos sa amin ay aming gagawin, at saan mo man kami suguin ay paroroon kami.
17 Kung paanong aming dininig si Moises sa lahat ng mga bagay, ay gayon ka namin didinggin: sumaiyo lamang ang Panginoon mong Dios, na gaya (S)kay Moises.
18 Sinomang (T)manghihimagsik laban sa iyong utos, at hindi makikinig ng iyong mga salita sa lahat ng iyong iniuutos sa kaniya, ay ipapapatay: magpakalakas ka lamang (U)at magpakatapang na mabuti.
3 At nang matanaw namin ang Chipre, na maiiwan namin sa dakong kaliwa ay nagsilayag kaming hanggang sa (A)Siria, at nagsidaong sa Tiro; sapagka't ilulunsad doon ng daong ang kaniyang lulan.
4 At nang masumpungan ang mga alagad, ay nangatira kami doong pitong araw: at sinabi ng mga ito kay Pablo na (B)sa pamamagitan ng Espiritu, na huwag siyang tutungtong sa Jerusalem.
5 At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (C)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
6 At nagsilulan kami sa daong, datapuwa't sila'y muling nagsiuwi sa bahay.
7 At nang aming matapos ang paglalayag buhat sa Tiro, ay nagsidating kami sa Tolemaida; at kami'y nagsibati sa mga kapatid, at kami'y nagsitahan sa kanilang isang araw.
8 At nang kinabukasan ay nagsialis kami, at nagsidating sa (D)Cesarea: at sa pagpasok namin sa bahay ni (E)Felipe na evangelista, na isa sa pito, ay nagsitahan kaming kasama niya.
9 Ang tao ngang ito'y may apat na anak na binibini, (F)na nagsisipanghula.
10 At sa pagtira namin doong ilang araw, ay dumating na galing sa Judea ang isang propeta, na nagngangalang (G)Agabo.
11 At paglapit sa amin, at pagkakuha ng (H)pamigkis ni Pablo, ay ginapos niya ang kaniyang sariling mga paa't kamay, at sinabi, Ganito ang sabi ng Espiritu Santo, (I)Ganitong gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y kanilang ibibigay sa mga kamay ng mga Gentil.
12 At nang marinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayon din ang nangaroroon doon ay nagsipamanhik sa kaniya na huwag ng umahon sa Jerusalem.
13 Nang magkagayo'y sumagot si Pablo, (J)Anong ginagawa ninyo, na nagsisitangis at dinudurog ang aking puso? sapagka't ako'y nahahanda na hindi lamang gapusin, kundi mamatay rin naman sa Jerusalem dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus.
14 At nang hindi siya pahikayat ay nagsitigil kami, na nagsisipagsabi, Mangyari ang kalooban ng Panginoon.
15 At pagkatapos ng mga araw na ito ay binuhat namin ang aming daladalahan at nagsiahon kami sa Jerusalem.
21 (A)At nagsipasok sila sa Capernaum; at pagdaka'y pumasok siya sa sinagoga nang araw ng sabbath at nagtuturo.
22 At nangagtaka sila (B)sa kaniyang aral: sapagka't sila'y tinuturuan niyang tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng mga eskriba.
23 At pagdaka'y may isang tao sa kanilang sinagoga na may isang karumaldumal na espiritu; at siya'y sumigaw,
24 Na nagsasabi, (C)Anong pakialam namin sa iyo, Jesus ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y puksain? Nakikilala kita kung sino ka, ang Banal ng Dios.
25 At sinaway siya ni Jesus, na nagsasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya.
26 At ang karumaldumal na espiritu, nang (D)mapangatal niya siya at makapagsisigaw ng malakas na tinig, ay lumabas sa kaniya.
27 At silang lahat ay nangagtaka, ano pa't sila-sila rin ay nangagtatanungan, na sinasabi, Ano kaya ito? isang bagong aral yata! may kapamahalaang naguutos pati sa mga karumaldumal na espiritu, at siya'y tinatalima nila.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978