Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 75-76

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.

75 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay (A)malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga (B)haligi niyaon. (Selah)
Aking sinabi sa (C)hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may (D)matigas na ulo.
Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
Kundi ang (E)Dios ay siyang hukom:
(F)Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
Sapagka't (G)sa kamay ng Panginoon ay may (H)isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 (I)Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't (J)ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.

76 Sa Juda (K)ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
(L)Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
Maluwalhati ka at marilag, (M)Mula sa mga bundok na hulihan.
Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y (N)nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
(O)Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At (P)sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 (Q)Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 (R)Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, (S)yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12 Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.

Mga Awit 23

Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.

23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
(G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.

Mga Awit 27

Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.

27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
(C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
(D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Nang iyong sabihin, (I)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
(J)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (K)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (L)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (M)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (N)nagsibangon laban sa akin,
At ang (O)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(P)Sa lupain ng may buhay.
14 (Q)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.

Mga Bilang 3:1-13

Mga saserdote at Levita ay itinangi upang maglingkod sa santuario.

At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, (A)at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga (B)saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.

(C)At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

(D)Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.

At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang (E)paglilingkod sa tabernakulo.

At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

(F)At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.

10 At iyong ihahalal si (G)Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: (H)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

11 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

12 At tungkol sa akin, narito, (I)aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:

13 Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa (J)akin; (K)sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon.

Galacia 6:11-18

11 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo (A)ng aking sariling kamay.

12 Yaong (B)lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, (C)ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang (D)pagusigin dahil sa krus ni Cristo.

13 Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman.

14 Datapuwa't malayo nawa sa akin ang (E)pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay (F)napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.

15 Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi (G)ang bagong nilalang.

16 At ang lahat (H)na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, (I)kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa (J)Israel ng Dios.

17 Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan (K)ang mga tanda ni Jesus.

18 Mga kapatid, (L)ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.

Mateo 17:1-13

17 At (A)pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si (B)Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:

At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.

At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.

At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.

Samantalang nagsasalita pa siya, (C)narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, (D)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.

At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at (E)huwag kayong mangatakot.

At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.

(F)At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos (G)sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.

10 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, (H)Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?

11 At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at (I)isasauli ang lahat ng mga bagay:

12 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, (J)kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.

13 Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978