Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 41

Ang mangaawit ay may sakit. May mga kaaway at bulaang kaibigan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

41 (A)Mapalad siya na (B)nagpapakundangan sa dukha:
(C)Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon,
At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa;
(D)At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina:
Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin:
(E)Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi,
Kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
At kung siya'y pumaritong tingnang ako (F)siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan;
Ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili;
Pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin:
Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya;
At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
(G)Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan,
Na kumain ng aking tinapay,
Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako,
Upang aking magantihan sila.
11 Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin,
Sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12 At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako (H)sa aking pagtatapat,
At (I)inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 (J)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan.
(K)Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Awit 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
(C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
(H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.

Mga Awit 44

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.

44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
(B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
(C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
(F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (K)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (L)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (M)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (N)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (O)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (P)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(Q)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(R)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (S)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(T)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (U)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (V)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(W)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (X)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (Y)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (Z)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (AA)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Eclesiastes 2:1-15

Ang pagkawalang kabuluhan ng tinatangkilik, karunungan, at ng lahat na gawa.

Sinabi (A)ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.

Aking sinabi tungkol (B)sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?

Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, (C)pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.

Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; (D)nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga:

Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

(E)Ako'y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pagaari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem:

(F)Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga (G)lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya'y totoong marami.

Sa gayo'y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay (H)namamalagi sa akin.

10 At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka't nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at (I)ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain.

11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, (J)lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at (K)walang pakinabang sa ilalim ng araw.

12 At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, (L)at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.

13 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.

14 (M)Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na (N)isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat.

15 Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging (O)lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan.

Galacia 1:1-17

Si Pablo, na Apostol ((A)hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi (B)sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, (C)na siyang sa kaniya'y muling bumuhay),

At ang lahat ng mga kapatid (D)na mga kasama ko, sa mga iglesia ng (E)Galacia:

Sumainyo nawa ang biyaya (F)at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo,

Na siyang (G)nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas (H)dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:

Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio (I)buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;

Na ito'y hindi ibang evangelio: (J)kundi mayroong ilan (K)na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.

Datapuwa't kahima't kami, o (L)isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.

Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay (M)matakuwil.

10 Sapagka't (N)ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.

11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa (O)evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.

12 Sapagka't (P)hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap (Q)sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.

13 Sapagka't inyong nabalitaan ang (R)aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig (S)na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:

14 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, (T)palibhasa'y totoong masikap ako (U)sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang.

15 Nguni't nang magalingin ng Dios (V)na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at (W)ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,

16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, (X)upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:

17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa (Y)Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.

Mateo 13:44-52

44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (A)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (B)binili ang bukid na yaon.

45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:

46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.

47 (C)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (D)nakahuli ng sarisaring isda:

48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.

49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (E)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,

50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.

52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (F)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978