Book of Common Prayer
Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.
97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
2 (B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
4 Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
5 (D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6 Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
7 Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
8 Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
9 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.
Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.
99 Ang Panginoon ay (A)naghahari: manginig ang mga bayan.
(B)Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y (C)banal.
4 Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
5 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo (D)sa harap ng kaniyang tungtungan;
(E)Siya'y banal.
6 (F)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (G)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
7 Siya'y nagsasalita sa kanila (H)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
8 Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(I)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(J)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
9 Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang (K)banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
Awit na pagpapasalamat.
100 Magkaingay kayo na (L)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(M)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(N)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
4 (O)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
5 Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Tinawagan ang Panginoon upang ipaghiganti ang kaniyang bayan.
94 Oh Panginoon, ikaw na (A)Dios na kinauukulan ng panghihiganti,
Ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka.
2 Bumangon ka, (B)ikaw na hukom ng lupa:
Ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila.
3 Panginoon, (C)hanggang kailan ang masama,
Hanggang kailan magtatagumpay ang masama?
4 Sila'y dumadaldal, sila'y nagsasalita na may kapalaluan:
Lahat na manggagawa ng kasamaan ay nangagmamalaki.
5 Kanilang pinagwawaraywaray ang iyong bayan, Oh Panginoon,
At dinadalamhati ang iyong mana.
6 Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa,
At pinapatay ang ulila.
7 At (D)kanilang sinasabi, Ang Panginoo'y hindi makakakita,
Ni pakukundanganan man ng Dios ni Jacob ito.
8 Gunitain ninyo, ninyong mga hangal sa gitna ng bayan:
At ninyong mga mangmang, kailan tayo magiging pantas?
9 (E)Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig?
Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita?
10 (F)Siyang nagpaparusa sa mga bansa, (G)hindi ba siya sasaway,
Sa makatuwid baga'y siyang nagtuturo sa tao ng kaalaman?
11 (H)Nalalaman ng Panginoon ang mga pagiisip ng tao,
Na sila'y pawang walang kabuluhan.
12 (I)Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon,
At tinuturuan mo sa iyong kautusan.
13 Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan,
(J)Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama.
14 (K)Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan,
Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana.
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran:
At susundan ng lahat na matuwid sa puso.
16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?
17 (L)Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.
18 Nang aking sabihin, (M)Ang aking paa ay natitisod;
Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.
19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko
Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa.
20 Makikisama ba sa iyo ang luklukan (N)ng kasamaan,
Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan?
21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid,
At (O)pinarusahan nila ang walang salang dugo.
22 Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog;
At ang Dios ko'y (P)malaking bato na aking kanlungan.
23 At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan,
At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan;
Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (Q)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(R)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (S)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (T)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (U)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (V)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (W)sa ilang:
9 (X)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(Y)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (Z)kapahingahan.
Pinarusahan ang manghihimagsik.
20 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
21 (A)Humiwalay kayo sa gitna ng kapisanang ito, upang aking lipulin sila sa isang sangdali.
22 At sila'y (B)nagpatirapa, at nagsabi, Oh Dios, na (C)Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan?
23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24 Salitain mo sa kapisanan na iyong sabihin, Lumayo kayo sa palibot ng tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram.
25 At si Moises ay tumayo at naparoon kay Dathan at kay Abiram; at ang mga matanda sa Israel ay sumunod sa kaniya.
26 At sinalita ni Moises sa kapisanan na sinasabi, (D)Magsilayo kayo, isinasamo ko sa inyo, sa mga tolda ng masasamang taong ito, at huwag kayong humipo ng anomang bagay nila, baka kayo'y (E)mamatay sa lahat nilang kasalanan.
27 Gayon sila nagsilayo sa tabernakulo ni Core, ni Dathan, at ni Abiram sa lahat ng dako: at si Dathan at si Abiram ay nagsilabas, at nagsitayo sa pintuan ng kanilang mga tolda, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang bata.
28 At sinabi ni Moises, Dito ninyo makikilala na ako'y sinugo ng Panginoon na gawin ang lahat ng mga gawang ito; sapagka't hindi kinatha ng (F)aking sariling pagiisip.
29 Kung ang mga taong ito ay mamatay sa karaniwang kamatayan ng lahat ng tao, o kung sila'y dalawin ayon sa karaniwang pagdalaw sa lahat ng tao; ay hindi nga ako sinugo ng Panginoon.
30 Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng (G)lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, (H)at sila'y ibabang mga buháy sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na (I)minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon.
31 (J)At nangyari, na pagkatapos na masalita niya ang lahat ng salitang ito, na ang lupa na nasa ilalim nila ay bumuka:
32 At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang (K)lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pagaari.
33 Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buháy sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan.
34 At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.
35 At apoy ang (L)lumabas na mula sa Panginoon, at nilamon ang dalawang daan at limang pung lalake na naghandog ng kamangyan.
4 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni (A)Abraham na ating magulang ayon sa laman?
2 Sapagka't kung si Abraham ay (B)inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
3 Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? (C)At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.
4 Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.
5 Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, (D)ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
6 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang (E)walang mga gawa,
7 Na sinasabi,
(F)Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad,
At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
8 Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
9 Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
10 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:
11 At tinanggap niya (G)ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y (H)maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;
12 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli.
23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang (A)isang taong mayaman sa kaharian ng langit.
24 (B)At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.
25 At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas?
26 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't (C)sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.
27 Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, (D)iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin?
28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa (E)pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, (F)kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, (G)upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.
29 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay.
30 Datapuwa't maraming mga una na (H)mangahuhuli; at (I)mga huli na mangauuna.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978