Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 83

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
(E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Mga Awit 34

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
(D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
(F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
(H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Mga Awit 85-86

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (O)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (P)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(Q)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(R)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (S)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(T)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(U)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (V)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(W)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(X)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (Y)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (Z)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (AA)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (AB)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (AC)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (AD)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (AE)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (AF)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Mga Bilang 12

Si Miriam ay nagkaketong.

12 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't (A)siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita.

At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? (B)hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At (C)narinig ng Panginoon.

Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.

(D)At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas.

(E)At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas.

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya (F)sa pangitain, na kakausapin ko siya sa (G)panaginip.

(H)Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa (I)aking buong buhay:

(J)Sa kaniya'y makikipagusap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang (K)anyo ng Panginoon ay kaniyang (L)makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?

At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis.

10 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at (M)narito, si Miriam ay (N)nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong.

11 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na (O)huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala.

12 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina.

13 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo.

14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y (P)niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? (Q)kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob.

15 (R)At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

16 At pagkatapos nito ay naglakbay ang bayan mula sa (S)Haseroth, at humantong sa ilang ng Paran.

Roma 2:12-24

12 Sapagka't ang (A)lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan;

13 Sapagka't hindi (B)ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan (C)ay aariing mga ganap;

14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang (D)kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);

16 Sa araw na (E)hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, (F)ayon sa aking evangelio, (G)sa pamamagitan ni Jesucristo.

17 Nguni't kung (H)ikaw na may taglay na pangalang Judio, at (I)nasasalig sa kautusan, at (J)nagmamapuri sa Dios,

18 At (K)nakaaalam ng kaniyang kalooban, at sumasangayon sa mga bagay na magagaling, palibhasa'y tinuruan ka ng kautusan,

19 At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag, ilaw ng mga nasa kadiliman,

20 Tagasaway sa mga di nakaaalam, guro ng mga bata, (L)na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan;

21 Ikaw nga (M)na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

22 Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya, ay nangangalunya ka? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan, ay (N)nanakawan mo ang mga templo?

23 Ikaw na nagmamapuri sa kautusan, sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios?

24 Sapagka't ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo, (O)gaya ng nasusulat.

Mateo 18:10-20

10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (A)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (B)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (C)mukha ng aking Ama na nasa langit.[a](D)(E)

12 Ano ang akala ninyo? (F)kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?

13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.

14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.

15 At (G)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (H)nagwagi ka sa iyong kapatid.

16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang (I)sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.

17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa (J)iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay (K)ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at (L)maniningil ng buwis.

18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na (M)ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin (N)sa kanila ng aking Ama na nasa langit.

20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978