Add parallel Print Page Options

38 (A)At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: (B)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

Read full chapter

11 At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.

Read full chapter

15 At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.

Read full chapter

24 Ito ang nauukol sa mga Levita: (A)mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.

Read full chapter

26 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, (A)upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.

Read full chapter