Book of Common Prayer
Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.
31 Sa iyo, O Panginoon, ako'y humahanap ng kanlungan;
huwag mong hayaang ako'y mapahiya kailanman;
iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong katuwiran!
2 Ikiling mo ang iyong pandinig sa akin;
iligtas mo ako agad!
Maging batong kanlungan ka nawa sa akin,
isang matibay na muog upang ako'y iligtas.
3 Oo, ikaw ang aking malaking bato at aking tanggulan;
alang-alang sa iyong pangalan ako'y iyong akayin at patnubayan.
4 Alisin mo ako sa bitag na kanilang lihim na inilagay para sa akin;
sapagkat ikaw ang aking kalakasan.
5 Sa(A) iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu,
O Panginoon, tapat na Diyos, tinubos mo ako.
6 Kinapopootan ko ang mga nagpapahalaga sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan,
ngunit nagtitiwala ako sa Panginoon.
7 Ako'y matutuwa at magagalak dahil sa iyong tapat na pag-ibig,
sapagkat nakita mo ang aking kapighatian,
iyong binigyang-pansin ang aking mga kahirapan,
8 at hindi mo ako ibinigay sa kamay ng kaaway;
inilagay mo ang aking mga paa sa dakong malawak.
9 Maawa ka sa akin, O Panginoon, sapagkat ako'y nasa kahirapan;
ang aking mata ay namumugto dahil sa kapanglawan,
gayundin ang aking kaluluwa at katawan.
10 Sapagkat ang aking buhay ay pagod na sa lungkot,
at ang aking mga taon sa paghihimutok;
dahil sa aking kasalanan, lakas ko'y nauubos,
at ang aking mga buto ay nanghihina.
11 Sa lahat kong mga kaaway, ako ang tampulan ng pagkutya,
lalung-lalo na sa aking mga kapwa,
sa aking mga kakilala ay bagay na kinasisindakan,
yaong mga nakakakita sa akin sa lansangan sa aki'y naglalayuan.
12 Ako'y lumipas na sa isip gaya ng isang patay;
ako'y naging gaya ng isang basag na sisidlan.
13 Oo, aking naririnig ang bulungan ng marami—
kakilabutan sa bawat panig!—
habang sila'y magkakasamang nagpapanukala laban sa akin,
habang sila'y nagsasabwatan upang buhay ko'y kunin.
14 Ngunit nagtitiwala ako sa iyo, O Panginoon,
sinasabi ko, “Ikaw ang aking Diyos.”
15 Ang aking mga panahon ay nasa iyong kamay;
iligtas mo ako sa mga umuusig sa akin at sa kamay ng aking mga kaaway!
16 Sa iyong lingkod, mukha mo nawa'y magliwanag,
iligtas mo ako ng iyong pag-ibig na tapat!
17 Huwag mong hayaang malagay ako sa kahihiyan, O Panginoon,
sapagkat sa iyo ako'y nananawagan,
hayaang malagay ang masasama sa kahihiyan,
na magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Mapipi nawa ang mga sinungaling na labi,
na walang pakundangang nagsasalita
laban sa matuwid nang may kapalaluan at paglait.
19 O napakasagana ng kabutihan mo,
na iyong inilaan para sa mga natatakot sa iyo,
at ginawa para doon sa nanganganlong sa iyo,
sa lihim na dako ng iyong harapan, sila'y iyong ikubli!
20 Sa iyong harapan ay palihim mo silang ikinubli
sa mga banta ng mga tao;
ligtas mo silang iniingatan sa lilim ng iyong tirahan
mula sa palaaway na mga dila.
21 Purihin ang Panginoon,
sapagkat kahanga-hanga niyang ipinakita sa akin ang kanyang kagandahang-loob
sa isang lunsod na nakubkob.
22 Tungkol sa akin, sa pagkatakot ay aking sinabi,
“Ako ay inilayo mula sa iyong paningin.”
Gayunma'y pinakinggan mo ang mga tinig ng aking mga daing,
nang ako'y dumaing sa iyo.
23 Ibigin ninyo ang Panginoon, kayong lahat niyang mga banal!
Iniingatan ng Panginoon ang tapat,
ngunit lubos niyang ginagantihan ang gumagawa na may kapalaluan.
24 Kayo'y magpakalakas, at magpakatapang ang inyong puso,
kayong lahat na umaasa sa Panginoon!
Panalangin para sa Saklolo
35 Makipagtunggali ka, O Panginoon, sa kanila na nakikipagtunggali sa akin;
lumaban ka sa kanila na lumalaban sa akin.
2 Humawak ka ng kalasag at ng panangga,
at sa pagtulong sa akin ay tumindig ka!
3 Ihagis mo ang sibat at diyabelin
laban sa mga nagsisihabol sa akin!
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
“Ako'y iyong kaligtasan!”
4 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
sila na umuusig sa aking buhay!
Nawa'y mapaurong at malito sila
na laban sa akin at nagbabalak ng masama!
5 Maging gaya nawa sila ng ipa sa harapan ng hangin,
na ang anghel ng Panginoon ang nagtataboy sa kanila!
6 Nawa'y maging madilim at madulas ang daan nila,
na ang anghel ng Panginoon ang humahabol sa kanila!
7 Sapagkat walang kadahilanang ikinubli nila ang kanilang bitag na sa akin ay laan,
walang kadahilanang naghukay sila para sa aking buhay.
8 Dumating nawa sa kanila nang di namamalayan ang kapahamakan!
At ang patibong na ikinubli nila ang sa kanila'y bumitag;
mahulog nawa sila doon upang mapahamak!
9 Kung gayo'y sa Panginoon magagalak ang aking kaluluwa,
na sa kanyang pagliligtas ay nagpapasaya.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi,
“ Panginoon, sino ang iyong kagaya?
Ikaw na nagliligtas ng mahina
mula sa kanya na totoong malakas kaysa kanya,
ang mahina at nangangailangan mula sa nanamsam sa kanya?
11 Mga saksing may masamang hangarin ay nagtatayuan;
tinatanong nila ako ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 Sa aking kabutihan, iginanti ay kasamaan,
ang aking kaluluwa ay namamanglaw.
13 Ngunit ako, nang sila'y may sakit,
ay nagsuot ako ng damit-sako;
dinalamhati ko ang aking sarili ng pag-aayuno,
Sa dibdib ko'y nanalanging nakayuko ang ulo,
14 ako'y lumakad na tila baga iyon ay aking kaibigan o kapatid,
ako'y humayong gaya ng tumatangis sa kanyang ina
na nakayukong nagluluksa.
15 Ngunit sa aking pagkatisod, sila'y nagtipon na natutuwa,
sila'y nagtipun-tipon laban sa akin,
mga mambubugbog na hindi ko kilala
ang walang hintong nanlait sa akin.
16 Gaya ng mga walang diyos na nanunuya sa pista,
kanilang pinagngangalit sa akin ang mga ngipin nila.
17 Hanggang kailan ka titingin, O Panginoon?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagpinsala,
ang aking buhay mula sa mga leon!
18 At ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapulungan;
sa gitna ng napakaraming tao kita'y papupurihan.
19 Huwag(A) nawang magalak sa akin yaong sinungaling kong mga kaaway;
at huwag nawang ikindat ang mata ng mga napopoot sa akin nang walang kadahilanan.
20 Sapagkat sila'y hindi nagsasalita ng kapayapaan,
kundi laban doon sa mga tahimik sa lupain
ay kumakatha sila ng mga salita ng kabulaanan.
21 Kanilang ibinubuka nang maluwang ang bibig nila laban sa akin;
kanilang sinasabi: “Aha, aha,
nakita iyon ng mga mata namin!”
22 Iyong nakita ito, O Panginoon; huwag kang tumahimik,
O Panginoon, huwag kang lumayo sa akin!
23 Kumilos ka, at gumising ka para sa aking karapatan,
Diyos ko at Panginoon ko, para sa aking ipinaglalaban!
24 Ipagtanggol mo ako, O Panginoon, aking Diyos,
ayon sa iyong katuwiran;
at dahil sa akin huwag mo silang hayaang magkatuwaan!
25 Huwag mo silang hayaang magsabi sa sarili nila,
“Aha, iyan ang aming kagustuhan!”
Huwag silang hayaang magsabi, “Aming nalulon na siya.”
26 Mapahiya nawa sila at malitong magkakasama
silang nagagalak sa aking kapahamakan!
Madamitan nawa sila ng kahihiyan at kawalang-dangal
silang laban sa akin ay nagyayabang!
27 Silang nagnanais na ako'y mapawalang-sala
ay sumigaw sa kagalakan at magsaya,
at sa tuwina'y sabihin,
“Dakila ang Panginoon,
na nalulugod sa kapakanan ng kanyang lingkod!”
28 Kung gayo'y isasaysay ng aking dila ang iyong katuwiran
at ang iyong kapurihan sa buong araw.
Muling Pinasimulan ang Pagsamba
3 Nang sumapit ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nasa mga bayan, ang taong-bayan ay nagtipun-tipon na parang isang tao sa Jerusalem.
2 Nang(A) magkagayo'y tumayo si Jeshua na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na anak ni Shealtiel at ang kanyang mga kamag-anak, at itinayo nila ang dambana ng Diyos ng Israel upang pag-alayan ng mga handog na sinusunog, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na tao ng Diyos.
3 Inilagay(B) nila ang dambana sa lugar nito, sapagkat sila ay natatakot sa mga tao ng mga lupain, at sila'y nag-alay sa ibabaw nito ng mga handog na sinusunog sa Panginoon, mga handog na sinusunog sa umaga at hapon.
4 Kanilang(C) ipinagdiwang ang kapistahan ng mga kubol,[a] gaya ng nasusulat, at nag-alay ng pang-araw-araw na mga handog na sinusunog sa tamang bilang, ayon sa itinakda sa bawat araw,
5 pagkatapos(D) niyon ay ang patuloy na handog na sinusunog, at mga handog sa mga bagong buwan at sa lahat ng takdang kapistahan sa Panginoon, at ang handog ng bawat isa na gumawa ng kusang-loob na handog sa Panginoon.
6 Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, sila ay nagsimulang mag-alay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon. Ngunit ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nailalagay.
Pinasimulan ang Muling Pagtatayo ng Templo
7 Kaya't sila'y nagbigay ng salapi sa mga kantero at sa mga karpintero; at ng pagkain, inumin, at langis sa mga taga-Sidon at sa mga taga-Tiro upang magdala ng mga kahoy na sedro mula sa Lebanon patungo sa dagat, hanggang sa Joppa, ayon sa pahintulot na tinanggap nila buhat kay Ciro na hari ng Persia.
8 Nang ikalawang taon ng kanilang pagdating sa bahay ng Diyos sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, sina Zerubabel na anak ni Shealtiel at si Jeshua na anak ni Jozadak ay nagpasimulang maglingkod, kasama ang iba pa nilang mga kapatid, ang mga pari at mga Levita at silang lahat na dumating sa Jerusalem mula sa pagkabihag. Kanilang hinirang ang mga Levita, mula sa dalawampung taong gulang pataas, upang mamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
9 Si Jeshua at ang kanyang mga anak at mga kamag-anak, si Cadmiel pati ang kanyang mga anak na lalaki, at ang mga anak ni Juda, ay magkasamang namahala sa mga manggagawa sa bahay ng Diyos, kasama ng mga anak ni Henadad at ng mga Levita, at ng kanilang mga anak at mga kamag-anak.
10 Nang(E) ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pari sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, ang mga anak ni Asaf na may mga pompiyang, upang magpuri sa Panginoon, ayon sa mga tagubilin ni David na hari ng Israel.
11 At(F) sila'y nag-awitan sa isa't isa na pinupuri at pinapasalamatan ang Panginoon, “Sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman sa Israel.” Ang buong bayan ay sumigaw nang malakas nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagkat ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na.
12 Ngunit marami sa mga pari at mga Levita, at sa mga puno ng mga sambahayan, na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo, ang umiyak nang malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman marami ang sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan.
13 Dahil dito, hindi makilala ng taong-bayan ang kaibahan ng ingay ng sigaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan, sapagkat ang taong-bayan ay sumigaw nang malakas, at ang ingay ay narinig sa malayo.
10 Kapag(A) si Timoteo ay dumating, sikapin ninyo na wala siyang anumang kinakatakutan sa gitna ninyo, sapagkat siya'y gumagawa ng gawain ng Panginoon, na gaya ko.
11 Sinuman ay huwag humamak sa kanya. Suguin ninyo siya sa kanyang paglalakbay na may kapayapaan upang siya'y makarating sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, pinakiusapan ko siyang mabuti na dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid, subalit hindi pa niya nais na pumariyan ngayon. Ngunit siya'y darating kapag mayroon na siyang pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13 Magmatyag kayo, manindigan kayong matibay sa pananampalataya, magpakalalaki kayo, magpakatatag kayo.
14 Lahat ng inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.
15 Mga(B) kapatid, ngayon ay nakikiusap ako sa inyo. Nalalaman ninyo na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng Acaia, at kanilang itinalaga ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal.
16 Hinihiling ko sa inyo na kayo ay pasakop sa gayong mga tao at sa bawat isa na gumagawang kasama nila.
17 Ako'y natutuwa sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagkat pinaginhawa nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Kaya't magbigay kayo ng pagkilala sa gayong mga tao.
19 Binabati(C) kayo ng mga iglesya sa Asia. Kayo'y buong pusong binabati sa Panginoon nina Aquila at Prisca[a] kasama ng iglesyang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo ng banal na halik.
21 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa aking sariling kamay.
22 Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya. Maranatha.[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Amen.
Paglapastangan sa Espiritu Santo(A)
22 Pagkatapos ay dinala kay Jesus[a] ang isang bulag at pipi na inaalihan ng demonyo, at kanyang pinagaling ito kaya't ang dating pipi ay nakapagsalita at nakakita.
23 At ang lahat ng tao ay namangha at nagsabi, “Ito na kaya ang Anak ni David?”
24 Ngunit(B) nang marinig ito ng mga Fariseo ay sinabi nila, “Ang taong ito'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan lamang ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.”
25 Ngunit nalalaman niya ang mga iniisip nila, at sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak; at ang bawat lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi makakatayo.
26 Kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kanyang sarili; paano ngang makakatayo ang kanyang kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebul ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, sa pamamagitan nino sila pinalalayas ng inyong mga anak? Kaya't sila ang magiging mga hukom ninyo.
28 Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.
29 O paano bang makakapasok ang sinuman sa bahay ng malakas na tao at nakawin ang mga ari-arian nito, kung hindi muna gagapusin ang malakas na tao? At saka pa lamang niya mapagnanakawan ang bahay nito.
30 Ang(C) hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay nagkakalat.
31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipatatawad sa mga tao; ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32 At(D) ang sinumang magsabi ng isang salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin maging sa panahong ito o sa darating.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001