Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 88

Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni (A)Heman na (B)Ezrahita.

88 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,
Ako'y dumaing (C)araw at gabi sa harap mo:
Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,
At ang aking buhay ay (D)nalalapit sa Sheol,
(E)Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;
Ako'y parang taong walang lakas:
Nakahagis sa gitna ng mga patay,
Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,
Na (F)hindi mo na inaalaala; At sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa mga (G)madilim na dako, sa mga (H)kalaliman.
Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,
At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
(I)Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;
Iyong ginawa akong (J)kasuklamsuklam sa kanila:
Ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:
Ako'y tumawag (K)araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,
Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?
Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?
O ang iyong pagtatapat sa (L)Kagibaan?
12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa (M)dilim?
At ang katuwiran mo sa lupain ng (N)pagkalimot?
13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,
At (O)sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?
Bakit mo (P)ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:
Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;
Inihiwalay ako (Q)ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;
(R)Kinubkob ako nilang magkakasama.
18 Mangliligaw at kaibigan ay (S)inilayo mo sa akin,
At ang aking kakilala ay sa (T)dilim.

Mga Awit 91-92

Ang katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon.

91 Siyang (A)tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan.
Ay mananatili (B)sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, Siya'y aking kanlungan at aking katibayan,
Ang Dios ko na (C)siyang aking tinitiwalaan.
Sapagka't kaniyang ililigtas (D)ka sa silo ng paninilo,
At sa mapamuksang salot.
Kaniyang tatakpan ka (E)ng kaniyang mga bagwis,
At sa (F)ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka:
Ang kaniyang katotohanan (G)ay kalasag at baluti.
(H)Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi,
Ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman,
(I)Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping,
At sangpung libo sa iyong kanan;
Nguni't hindi lalapit sa iyo.
(J)Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata,
At iyong makikita ang ganti sa masama.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan!
Iyong ginawa ang Kataastaasan na (K)iyong tahanan;
10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo,
Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
11 (L)Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo,
Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
12 Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay,
(M)Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong:
Ang batang leon at ang ahas (N)ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14 Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya:
Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't (O)kaniyang naalaman ang pangalan ko.
15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya;
Ako'y (P)sasa kaniya sa kabagabagan:
Aking ililigtas siya, at pararangalan (Q)siya.
16 Aking bubusugin siya (R)ng mahabang buhay,
At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Salmo, Awit sa araw ng sabbath.

92 Isang mabuting bagay (S)ang magpapasalamat sa Panginoon,
At umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang (T)magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga,
At ng iyong pagtatapat gabigabi.
(U)Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio;
Na may dakilang tunog na alpa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa:
Ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
(V)Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon!
Ang iyong mga pagiisip ay (W)totoong malalim.
(X)Ang taong hangal ay hindi nakakaalam;
Ni nauunawa man ito ng mangmang.
Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo,
At pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan;
Ay upang mangalipol sila magpakailan man:
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
Sapagka't, narito, (Y)ang mga kaaway mo, Oh Panginoon,
Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol;
Lahat ng mga (Z)manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
10 Nguni't ang sungay ko'y (AA)iyong pinataas na parang sungay ng (AB)mailap na toro:
(AC)Ako'y napahiran ng bagong langis.
11 (AD)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (AE)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (AF)cedro sa Libano.
13 (AG)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
14 Sila'y mangagbubunga sa katandaan;
Sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
15 Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid;
Siya'y (AH)aking malaking bato, (AI)at walang kalikuan sa kaniya.

Isaias 61:1-9

Ang pagkakataas ng mga nagbabata.

61 Ang (A)Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; (B)sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang (C)ipangaral ang mabubuting balita sa mga (D)maamo; kaniyang sinugo ako upang (E)magpagaling ng mga bagbag na puso, (F)upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;

(G)Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at (H)ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; (I)upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, (J)upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng (K)langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga (L)punong kahoy ng katuwiran, na (M)pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.

(N)At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.

At ang mga taga ibang lupa (O)ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.

(P)Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: (Q)kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.

Kahalili ng (R)inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.

Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, (S)aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.

(T)At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.

2 Timoteo 3

Datapuwa't alamin mo ito, (A)na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,

Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,

Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;

(B)Na may (C)anyo ng kabanalan, datapuwa't (D)tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,

Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating (E)sa pagkaalam ng katotohanan.

At kung paanong (F)si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, ay gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, (G)mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya.

Nguni't sila'y hindi mangagpapatuloy: sapagka't mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan, (H)gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon.

10 Nguni't sinunod mo (I)ang aking aral, ugali, (J)akala, (K)pananampalataya, pagpapahinuhod, pagibig, pagtitiis,

11 Mga paguusig, mga pagbabata; anomang mga bagay ang nangyari sa akin (L)sa Antioquia, sa (M)Iconio, sa (N)Listra; anomang mga paguusig ang tiniis ko: at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon.

12 Oo, at (O)lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.

13 Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.

14 Datapuwa't (P)manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan;

15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman (Q)ang mga banal na kasulatan (R)na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

16 Ang lahat ng mga kasulatan (S)na kinasihan ng Dios ay (T)mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

17 Upang ang tao (U)ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Marcos 10:32-45

32 At (A)sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila (B)si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari,

33 Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil:

34 At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli.

35 (C)At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya'y nagsisipagsabi, Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo.

36 At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin?

37 At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.

38 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?

39 At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;

40 Datapuwa't ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.

41 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan.

42 At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, (D)Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

43 Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;

44 At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

45 Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978