Add parallel Print Page Options

20 Nang magkagayo'y (A)lumapit sa kaniya ang ina ng mga anak na lalake ni (B)Zebedeo, na kasama ang kaniyang mga anak na lalake na siya'y sinamba, at may hinihinging isang bagay sa kaniya.

21 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang ibig mo? Sinabi niya sa kaniya, Ipagutos mo na itong aking dalawang anak ay magsiupo, (C)ang isa sa iyong kanan, at ang isa (D)sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.

22 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo (E)ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.

23 Sinabi niya sa kanila, (F)Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.

24 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagalit laban sa dalawang magkapatid.

25 Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, (G)Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

26 Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi (H)ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;

27 At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo:

28 Gayon din naman (I)ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at (J)ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa (K)marami.

Read full chapter