Add parallel Print Page Options

17 Samantalang (A)umaahon si Jesus, ay bukod niyang isinama ang labingdalawang alagad, at sa daa'y sinabi niya sa kanila,

18 Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin,

19 At ibibigay siya (B)sa mga Gentil upang siya'y kanilang (C)alimurahin, at hampasin, at ipako sa krus: at (D)sa ikatlong araw siya'y ibabangon.

Read full chapter

31 At (A)isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat (B)ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao.

32 Sapagka't siya'y (C)ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan.

33 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya.

34 At (D)wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi.

Read full chapter