Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 89

Masquil ni (A)Ethan na Azrahita.

89 Aking aawitin ang (B)kagandahang-loob ng Panginoon magpakailan man:
Aking ipababatid ng aking bibig ang iyong pagtatapat sa lahat ng sali't saling lahi.
Sapagka't aking sinabi, Kaawaan ay matatayo magpakailan man:
Ang pagtatapat mo'y iyong itatatag sa mga kalangitlangitan.
Ako'y nakipagtipan sa aking hirang,
(C)Aking isinumpa kay David na aking lingkod;
Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man,
At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng (D)sali't saling lahi. (Selah)
At (E)pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;
Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng (F)mga banal.
Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?
Sino sa gitna (G)ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,
At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
(H)Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?
At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
(I)Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:
Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
10 (J)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
11 Ang langit ay (K)iyo, ang lupa ay iyo rin:
Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong (L)itinatag,
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;
Ang (M)Tabor at ang (N)Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:
Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
14 (O)Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:
(P)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad (Q)ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:
At sa iyong lingap ay matataas ang (R)aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
At ang aming hari ay (S)sa Banal ng Israel.
19 (T)Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,
At iyong sinabi, Aking (U)ipinagkatiwala ang saklolo sa isang (V)makapangyarihan;
Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 (W)Aking nasumpungan si David na aking lingkod;
Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay;
Palakasin naman siya ng aking bisig.
22 (X)Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;
Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,
At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;
At sa pangalan ko'y (Y)matataas ang kaniyang sungay.
25 (Z)Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,
At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, (AA)Ikaw ay Ama ko,
Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang (AB)panganay ko,
Na pinakamataas (AC)sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,
At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (AD)parang mga araw ng langit.
30 (AE)Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,
At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,
At hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,
At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,
Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako (AF)sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (AG)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (AH)saksi sa langit. (Selah)
38 Nguni't iyong (AI)itinakuwil at tinanggihan,
Ikaw ay napoot sa iyong pinahiran ng langis.
39 Iyong kinayamutan ang tipan ng iyong lingkod:
(AJ)Iyong nilapastangan ang kaniyang putong sa pagtatapon sa lupa.
40 (AK)Iyong ibinuwal ang lahat niyang mga bakod:
Iyong dinala sa pagkaguho ang kaniyang mga katibayan.
41 Lahat na nagsisidaan sa lansangan ay nagsisisamsam sa kaniya.
(AL)Siya'y naging kadustaan sa kaniyang mga kalapit.
42 Iyong itinaas ang kanan ng kaniyang mga kaaway;
Iyong pinagalak ang lahat niyang mga kaaway.
43 Oo, iyong ibinaligtad ang talim ng kaniyang tabak,
At hindi mo itinayo siya sa pakikibaka.
44 Iyong pinapaglikat ang kaniyang kakinangan.
At iyong ibinagsak ang kaniyang luklukan sa lupa.
45 (AM)Iyong pinaikli ang mga kaarawan ng kaniyang kabinataan:
Iyong tinakpan siya ng kahihiyan. (Selah)
46 (AN)Hanggang kailan, Oh Panginoon, magkukubli ka magpakailan man?
Hanggang kailan magniningas ang iyong poot na parang apoy?
47 (AO)Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon:
Sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.
48 Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan,
Na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah)
49 Panginoon, saan nandoon ang iyong dating mga kagandahang-loob,
(AP)Na iyong isinumpa kay David sa iyong pagtatapat?
50 (AQ)Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod;
Kung paanong taglay ko (AR)sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;
51 Na idinusta ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon,
Na kanilang idinusta sa (AS)mga bakas ng iyong pinahiran ng langis.
52 (AT)Purihin ang Panginoon, magpakailan man.
Siya nawa, at Siya nawa.

Isaias 63:1-6

Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.

63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (A)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.

Bakit ka mapula sa (B)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?

Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (C)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

Sapagka't ang kaarawan (D)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (E)aking mga tinubos ay dumating.

At ako'y lumingap, at (F)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (G)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.

At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.

1 Timoteo 1:1-17

Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)ayon sa utos ng (B)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (C)ating pagasa;

Kay (D)Timoteo na aking (E)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.

Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (F)na huwag magsipagturo ng ibang aral,

Ni huwag makinig (G)sa mga katha at sa mga (H)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (I)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

Nguni't (J)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (K)puso at sa (L)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:

Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;

Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.

(M)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (N)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

10 Dahil sa (O)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (P)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (Q)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (R)sa mabuting aral;

11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (S)na ipinagkatiwala sa akin.

12 Nagpapasalamat (T)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;

13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (U)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (V)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (W)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;

14 At totoong sumagana (X)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.

15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (Y)na si (Z)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (AA)sa mga ito;

16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.

17 Ngayon (AB)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (AC)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.

Marcos 11:1-11

11 At (A)nang malapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at sa (B)Betania, sa bundok ng mga Olivo ay sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad,

At sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo: at pagkapasok ninyo roon, ay masusumpungan ninyo ang isang nakataling batang asno, (C)na hindi pa nasasakyan ng sinomang tao; inyong kalagin siya, at dalhin ninyo siya rito.

At kung may magsabi sa inyo, Bakit ninyo ginagawa ito? sabihin ninyo, Kinakailangan siya ng Panginoon; at pagdaka'y ipadadala niya siya rito.

At sila'y nagsiyaon, at kanilang nasumpungan ang batang asno na nakatali sa pintuan sa labas ng lansangan; at siya'y kanilang kinalag.

At ilan sa nangakatayo roon ay nangagsabi sa kanila, Ano ang ginagawa ninyo na inyong kinakalag ang batang asno?

At sinabi nila sa kanila ayon sa sinabi ni Jesus: at pinabayaan nilang sila'y magsialis.

At (D)dinala nila ang batang asno kay Jesus, at inilagay nila sa ibabaw ng batang asno ang kanilang mga damit; at ito'y sinakyan ni Jesus.

At marami ang nagsisipaglatag ng kanilang mga damit sa daan; at ang mga iba'y ng mga sanga, na kanilang pinutol sa mga parang.

At ang nangasa unahan, at ang nagsisisunod, ay nangagsisigawan, (E)Hosanna; Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon:

10 Mapalad ang kahariang pumaparito, ang kaharian ng ating amang si David: Hosanna sa kataastaasan.

11 At (F)pumasok siya sa Jerusalem, sa templo; at nang malingap niya sa palibotlibot ang lahat ng mga bagay, at palibhasa'y hapon na, ay pumaroon siya sa Betania na kasama ang labingdalawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978