Book of Common Prayer
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
144 Purihin ang Panginoon na (A)aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2 Aking kagandahang-loob, at (B)aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
(C)Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 (D)Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 (E)Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5 Ikiling mo ang iyong mga langit, (F)Oh Panginoon, at bumaba ka:
(G)Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 (H)Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 (I)Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
(J)Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng (K)mga taga ibang lupa;
8 Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9 Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, (L)Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10 Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11 Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12 Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging (M)parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 (N)Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
(O)Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.
Ang pagiingat ng Panginoon sa lahat niyang gawa.
104 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila;
(B)Ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan;
Na siyang naguunat ng mga langit na (C)parang tabing:
3 (D)Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig;
(E)Na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro;
(F)Na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
4 (G)Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya;
(H)Ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa,
Upang huwag makilos magpakailan man,
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan;
Ang tubig ay tumatayo (I)sa itaas ng mga bundok.
7 (J)Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas;
Sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis,
(K)Sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan (L)upang sila'y huwag makaraan;
(M)Upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis;
Nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang;
Nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid,
Sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid:
Ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
14 (N)Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop,
At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao:
Upang siya'y maglabas (O)ng pagkain sa lupa:
15 (P)At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao,
At ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha,
At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog;
Ang mga (Q)sedro sa Libano, (R)na kaniyang itinanim;
17 Na pinamumugaran ng mga ibon:
Tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing;
Ang mga malalaking bato ay kanlungan (S)ng mga coneho.
19 (T)Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon:
Nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi;
Na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
21 (U)Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila,
At hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis,
At nangahihiga sa kanilang mga yungib.
23 Lumalabas ang tao sa (V)kaniyang gawain,
At sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
24 (W)Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa!
Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat:
Ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang,
Na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay,
Ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan:
Nandoon (X)ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
27 (Y)Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo,
Upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila;
Iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
29 (Z)Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag;
(AA)Iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay,
(AB)At nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang;
At iyong binabago ang balat ng lupa.
31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man;
(AC)Magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig:
(AD)Kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
33 (AE)Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay:
Ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay:
Ako'y magagalak sa Panginoon.
35 (AF)Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa,
At mawala nawa ang masama.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang paghahari ng tagapagligtas na magmumula sa Beth-lehem.
5 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel (A)ng isang tungkod.
2 Nguni't ikaw, (B)Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang (C)pinagbuhatan niya ay mula nang una, (D)mula nang walang hanggan.
3 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon (E)ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.
4 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't (F)ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
10 At mangyayari (A)sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, (B)na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:
11 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:
12 At aking ihihiwalay ang mga (C)panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga (D)manghuhula:
13 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;
14 At aking bubunutin ang iyong mga (E)Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.
15 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.
13 Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.
14 At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, (A)May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:
15 (B)Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.
16 Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap (C)ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.
17 Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.
18 Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;
19 Kundi (D)may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling (E)relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
20 At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.
21 Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.
22 At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
23 Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.
24 At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang (F)hindi marapat na siya'y mabuhay pa.
25 Datapuwa't aking nasumpungang siya'y (G)walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't (H)siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
26 Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.
27 Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.
16 At walang taong (A)pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw.
17 Sapagka't walang bagay na natatago, (B)na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
18 Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: (C)sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin.
19 (D)At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao.
20 At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka.
21 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay (E)itong nangakikinig ng salita ng Dios, at ginagawa.
22 (F)Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng (G)dagatdagatan: at sila'y nagsitulak.
23 Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.
24 At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.
25 At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978