Add parallel Print Page Options

At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay (A)nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,

Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; (B)na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.

Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.

Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.

At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.

Read full chapter