Book of Common Prayer
Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. (A)Awit sa mga Pagsampa.
120 Sa aking kahirapan ay (B)dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa (C)Mesech,
Na (D)tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7 Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (E)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 (F)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 (G)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (H)hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (I)lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan (J)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (K)iingatan ang iyong kaluluwa.
8 (L)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (M)sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (N)siksikan:
4 (O)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(P)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 (Q)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 (R)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(S)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(T)Hahanapin ko ang iyong buti.
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (U)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (V)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (W)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(X)Ng duwahagi ng mga (Y)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
124 (Z)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(AA)Sabihin ng Israel ngayon,
2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3 Nilamon nga nila sana (AB)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4 Tinabunan nga sana tayo (AC)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6 Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7 (AD)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8 (AE)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.
Ang Panginoon ay laging sumasa kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
125 Silang nagsisitiwala sa Panginoon
Ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
2 Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem,
Gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
3 Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay (AF)hindi bubuhatin sa (AG)mga matuwid;
Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
4 Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti,
At yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
5 Nguni't sa (AH)nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad,
Ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.
(AI)Kapayapaan nawa ay suma Israel.
Pagpapasalamat dahil sa pagkakabalik mula sa pagkabihag. Awit sa mga Pagsampa
126 Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion,
(AJ)Tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
2 (AK)Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa,
At ang dila natin ng awit:
Nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
Ginawan sila ng Panginoon ng mga (AL)dakilang bagay.
3 Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay;
Na siyang ating ikinatutuwa.
4 Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon,
Na gaya ng mga batis sa Timugan.
5 (AM)Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
6 Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim;
Siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
Ang pananagana ay nagmumula sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni Salomon.
127 Malibang itayo ng Panginoon ang bahay,
Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo:
(AN)Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan,
Walang kabuluhang gumigising ang bantay.
2 Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga,
At magpahingang tanghali,
(AO)At magsikain ng tinapay ng kapagalan:
Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
3 (AP)Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon:
At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
4 Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake,
Gayon ang mga anak ng kabataan.
5 Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon:
Sila'y hindi mapapahiya,
Pagka sila'y (AQ)nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa (AR)pintuang-bayan.
Ang mga salitang laban sa Israel at Juda.
1 Ang Salita ng Panginoon na dumating kay (A)Mikas na Morastita, (B)nang mga kaarawan ni Jotham, ni Achaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, na nakakita ng tungkol sa (C)Samaria at sa Jerusalem.
2 Dinggin ninyong mga bayan, ninyong lahat; dinggin mo, Oh lupa, at ng lahat na nasa iyo: at ang Panginoong Dios ay maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon mula sa kaniyang banal na templo.
3 Sapagka't, narito, ang Panginoo'y lumalabas sa kaniyang dako, at bababa, at yayapak sa mga mataas na dako ng lupa.
4 At ang mga bundok (D)ay mangatutunaw sa ilalim niya, at ang mga libis ay mauupos, na (E)parang pagkit sa harap ng apoy, parang tubig na bumubuhos mula sa isang bundok.
5 Dahil sa pagsalansang ng Jacob ang lahat na ito, at dahil sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Israel, Ano ang pagsalangsang ng Jacob? hindi baga ang (F)Samaria? at ano ang mga (G)mataas na dako ng Juda? di baga ang Jerusalem?
6 Kaya't gagawin ko ang Samaria na parang bunton sa parang, at parang mga pananim sa ubasan; at aking ilalagpak ang mga bato niyaon sa libis, at aking (H)ililitaw ang mga patibayan niyaon.
7 At lahat niyang larawang inanyuan ay pagpuputolputulin, at (I)ang lahat niyang kaupahan ay susupukin sa apoy, at ang lahat niyang diosdiosan ay aking ihahandusay na sira; sapagka't sa kaupahan sa isang patutot ay kaniyang mga pinisan, at sa kaupahan sa isang patutot ay mangauuwi.
Ang darating na kagibaan ay kalungkot-lungkot.
8 Dahil dito tataghoy ako, at mananambitan; ako'y yayaong hinubdan at hubad; ako'y uungal na parang chakal, at mananangis na gaya ng mga avestruz.
9 Sapagka't ang kaniyang mga sugat ay walang kagamutan; sapagka't dumarating hanggang sa Juda; (J)umaabot hanggang sa pintuang-bayan ng aking bansa, hanggang sa Jerusalem.
12 At nang araw na, ay nangagkatipon ang mga Judio, at sila'y nangagpanata sa ilalim ng sumpa, na nagsisipagsabi na hindi sila kakain ni iinom man hanggang sa kanilang mapatay si Pablo.
13 At mahigit sa apat na pu ang mga nagsipanumpa ng ganito.
14 At sila'y nagsiparoon sa mga pangulong saserdote at sa mga matanda, at nangagsabi, Kami ay nangagpanata sa ilalim ng mahigpit na sumpa, na hindi titikim ng anoman hanggang sa mapatay namin si Pablo.
15 Ngayon nga kayo pati ng Sanedrin ay mangagpahiwatig sa pangulong kapitan na siya'y ipapanaog niya sa inyo, na waring ibig ninyong mahatulan ng lalong ganap ang sakdal tungkol sa kaniya: at kami, bago siya dumating ay nangahanda upang siya'y patayin.
16 Datapuwa't ang anak na lalake ng kapatid na babae ni Pablo ay narinig ang tungkol sa kanilang pagbabakay, at siya'y naparoon at pumasok sa kuta at isinaysay kay Pablo.
17 At tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion, at sinabi, Dalhin mo ang binatang ito sa pangulong kapitan; sapagka't siya'y may isang bagay na sasabihin sa kaniya.
18 Kaya't siya'y kinuha, at dinala siya sa pangulong kapitan, at sinabi, Tinawag ako ng bilanggong si Pablo, at ipinamanhik sa aking dalhin ko sa iyo ang binatang ito, na may isang bagay na sasabihin sa iyo.
19 At tinangnan siya ng pangulong kapitan sa kamay, at pagtabi ay lihim na tinanong siya, Ano yaong sasabihin mo sa akin?
20 At sinabi niya, Pinagkasunduan ng mga Judio na sa iyo'y ipamanhik na iyong ipapanaog bukas si Pablo sa (A)Sanedrin, na waring ikaw ay may sisiyasating lalong ganap tungkol sa kaniya.
21 Huwag ka ngang palamuyot sa kanila: sapagka't binabakayan siya ng mahigit na apat na pung katao sa kanila, na nangagsipagpanata (B)sa ilalim ng sumpa, na hindi kakain ni iinom man hanggang sa siya'y kanilang mapatay: at ngayo'y nangahahanda sila, na nangaghihintay ng pangako mo.
22 Kaya't pinaalis ng pangulong kapitan ang binata, na ipinagbilin sa kaniya, Huwag mong sasabihin sa kanino man na ipinahiwatig mo sa akin ang mga bagay na ito.
23 At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa (C)Cesarea, at pitong pung kabayuhan, at dalawang daang sibatan, sa ikatlong oras ng gabi:
24 At pinapaghanda niya sila ng mga hayop, upang mapagsakyan kay Pablo, at siya'y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador.
7 Nang matapos na niya ang lahat ng kaniyang mga pananalita sa mga pakinig ng bayan, ay (A)pumasok siya sa Capernaum.
2 At ang alipin ng isang senturion, na minamahal nito, ay may sakit at malapit nang mamatay.
3 At nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, ay pinaparoon niya sa kaniya ang matatanda sa mga Judio, na ipamanhik sa kaniya, na pumaroon at iligtas ang kaniyang alipin.
4 At nang magsidating sila kay Jesus, ay ipinamanhik nilang mapilit sa kaniya, na sinasabi, Karapatdapat siya na gawin mo sa kaniya ito;
5 Sapagka't iniibig niya ang ating bansa, at ipinagtayo niya tayo ng ating sinagoga.
6 At si Jesus ay sumama sa kanila. At nang siya'y di na lubhang malayo sa bahay, ay nagsugo sa kaniya ang senturion ng mga kaibigan, na nagsisipagsabi sa kaniya, Panginoon, huwag ka nang maligalig, sapagka't di ako karapatdapat na ikaw ay pumasok sa silong ng aking bubungan:
7 Dahil dito'y hindi ko inakalang ako'y karapatdapat man lamang pumariyan sa iyo: datapuwa't sabihin mo ang salita, at gagaling ang aking alipin.
8 Sapagka't ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya'y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya'y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.
9 At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng (B)ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.
10 At pagbalik sa bahay ng mga sinugo, ay kanilang naratnang magaling na ang alipin.
11 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naparoon sa bayan na tinatawag na Nain; at kasama niya ang kaniyang mga alagad, at ang lubhang maraming tao.
12 At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan.
13 At pagkakita sa kaniya ng Panginoon, siya'y kinahabagan niya, at sinabi sa kaniya, Huwag kang tumangis.
14 At siya'y lumapit at hinipo ang kabaong: at ang nangagdadala ay tumigil. At sinabi niya, Binata, sinasabi ko sa iyo, (C)Magbangon ka.
15 At naupo ang patay, at nagpasimulang magsalita. At siya'y ibinigay niya sa kaniyang ina.
16 At sinidlan ng (D)takot ang lahat: at niluluwalhati nila ang Dios, na sinasabi, Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang (E)propeta: at, dinalaw (F)ng Dios ang kaniyang bayan.
17 At kumalat ang balitang ito tungkol sa kaniya sa buong Judea, at sa buong palibotlibot ng lupain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978