Book of Common Prayer
Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.
31 Sa (A)iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
3 (B)Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
(C)Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
4 (D)Hugutin mo ako sa (E)silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
5 (F)Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
6 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan:
(G)Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
7 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob:
Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian:
Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
8 At hindi mo (H)kinulong sa kamay ng kaaway;
(I)Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (J)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (K)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (L)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (M)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (N)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (O)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (P)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (Q)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo:
Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi;
Na nangagsasalita laban sa matuwid (R)ng kalasuwaan,
Ng kapalaluan at paghamak.
19 (S)Oh pagkadakila ng iyong kabutihan,
Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo,
Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao:
(T)Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
21 Purihin ang Panginoon:
Sapagka't (U)ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob (V)sa isang matibay na bayan.
22 (W)Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali,
(X)Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata:
Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik,
Nang ako'y dumaing sa iyo.
23 (Y)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
24 (Z)Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso,
(AA)Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.
35 (A)Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
2 (B)Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
3 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
4 (C)Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 (D)Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
6 Maging madilim nawa, at (E)madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
7 Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng (F)kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
8 (G)Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng (H)kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
9 At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
(I)Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, (J)sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 (K)Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
(L)Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay (M)nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
(N)Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17 Panginoon, hanggang (O)kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
(P)Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 (Q)Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni (R)magkindat man ng mata (S)ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 Oo, (T)Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: (U)Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 Iyong (V)nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, (W)huwag kang lumayo sa akin.
23 (X)Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 (Y)Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: (Z)Aming sinakmal siya.
26 (AA)Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
(AB)Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 (AC)At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
13 At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa (A)mga sungay ng (B)dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,
14 Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos (C)sa malaking ilog ng Eufrates.
15 At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
16 At (D)ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.
17 At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng (E)apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.
18 Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.
19 Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.
20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa (F)mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, (G)at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
21 At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.
38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang (A)Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.
39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na (B)Maria, na (C)naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.
40 Ngunit si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.
41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:
42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978