Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 41

Ang mangaawit ay may sakit. May mga kaaway at bulaang kaibigan. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

41 (A)Mapalad siya na (B)nagpapakundangan sa dukha:
(C)Ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
Pananatilihin siya, at iingatan siyang buháy ng Panginoon,
At siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa;
(D)At huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina:
Iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin:
(E)Pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi,
Kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
At kung siya'y pumaritong tingnang ako (F)siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan;
Ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili;
Pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin:
Laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya;
At ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
(G)Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan,
Na kumain ng aking tinapay,
Nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako,
Upang aking magantihan sila.
11 Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin,
Sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12 At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako (H)sa aking pagtatapat,
At (I)inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
13 (J)Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel,
Mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan.
(K)Siya nawa, at Siya nawa.

Mga Awit 52

Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si (A)Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.

52 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh (B)makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
(C)Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na (D)pangahit, na gumagawang may karayaan.
Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
(E)At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At (F)bubunutin ka niya sa (G)lupain ng may buhay. (Selah)
(H)Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
(I)At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi (J)tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
Nguni't tungkol sa akin, (K)ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan (L)sapagka't mabuti, sa harapan ng (M)iyong mga banal.

Mga Awit 44

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.

44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
(B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
(C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
(F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (K)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (L)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (M)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (N)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (O)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (P)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(Q)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(R)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (S)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(T)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (U)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (V)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(W)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (X)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (Y)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (Z)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (AA)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Deuteronomio 11:13-19

13 At mangyayari, na kung inyong didingging maigi ang aking mga utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, na (A)ibigin ang Panginoon ninyong Dios at siya'y paglingkuran ng buo ninyong puso, at ang buo ninyong kaluluwa,

14 Ay (B)ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, (C)ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.

15 (D)At aking bibigyan ng damo ang iyong mga hayop sa iyong mga bukid, at ikaw ay kakain at mabubusog.

16 Mangagingat kayo, (E)baka ang inyong puso ay madaya, at kayo'y maligaw, at maglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila;

17 At ang galit ng Panginoon ay magalab laban sa inyo, at (F)kaniyang sarhan ang langit, upang huwag magkaroon ng ulan, at ang lupa'y huwag magbigay ng kaniyang bunga; at (G)kayo'y malipol na madali sa mabuting lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon.

Ipinayo ang pagaaral ng kautusan.

18 Kaya't (H)inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at (I)inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo.

19 (J)At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon.

2 Corinto 5:11-6:2

11 Yamang nalalaman nga (A)ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag (B)sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi.

12 Hindi namin ipinagkakapuring (C)muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan (D)na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.

13 Sapagka't (E)kung kami ay maging mga ulol, ay para sa Dios; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip, ay para sa inyo.

14 Sapagka't ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin; sapagka't ipinasisiya namin ang ganito, na (F)kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, kung gayo'y lahat ay nangamatay;

15 At siya'y namatay dahil sa lahat, (G)upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay.

16 Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala (H)ang sinoman (I)ayon sa laman: bagama't nakilala namin si Cristo ayon sa laman, nguni't sa ngayo'y hindi na namin nakikilala siyang gayon.

17 Kaya't kung ang sinoman ay na (J)kay Cristo, (K)siya'y bagong nilalang: (L)ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.

18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, (M)na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa (N)pagkakasundo;

19 Sa makatuwid baga'y, na ang (O)Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.

20 (P)Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, (Q)na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios.

21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan (R)ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y (S)katuwiran ng Dios.

At yamang (T)kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo (U)na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan

(Sapagka't sinasabi niya,

(V)Sa panahong ukol kita'y pinakinggan,
At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan:

Narito, ngayon (W)ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):

Lucas 17:1-10

17 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad (A)Hindi mangyayari na di dumating ang mga kadahilanan ng pagkakatisod; datapuwa't sa aba niyaong pinanggalingan.

Mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato, at siya'y ihagis sa dagat, kay sa siya'y magpatisod sa isa sa maliliit na ito.

Mangagingat kayo sa inyong sarili: (B)kung magkasala ang iyong kapatid, (C)sawayin mo siya; at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.

At kung siya'y (D)makapitong magkasala sa isang araw laban sa iyo, at makapitong magbalik sa iyo na sasabihin, Pinagsisisihan ko; patawarin mo siya.

At sinabi (E)ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

At sinabi ng Panginoon, (F)Kung mangagkaroon kayo ng pananampalataya na kasing laki ng isang butil ng binhi ng mostasa, sasabihin ninyo sa puno ng sikomorong ito, Mabunot ka, at matanim ka sa dagat; at kayo'y tatalimahin.

Datapuwa't sino sa inyo, ang may isang aliping nagaararo o nagaalaga ng mga tupa, na pagbabalik niyang galing sa bukid ay magsasabi sa kaniya, Parito ka agad at maupo ka sa dulang ng pagkain;

At hindi sasabihin sa kaniya, Ipaghanda mo ako ng mahahapunan, at magbigkis ka, at paglingkuran mo ako, hanggang sa ako'y makakain at makainom; at saka ka kumain at uminom?

Nagpapasalamat baga siya sa alipin sapagka't ginawa ang iniutos sa kaniya?

10 Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978