Book of Common Prayer
(A)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (B)maaga:
Kinauuhawan ka (C)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (D)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (E)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (F)kita habang ako'y nabubuhay:
(G)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (H)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (I)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (J)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (K)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (L)luluwalhati;
Sapagka't (M)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Awit.
98 (A)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(B)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
2 (C)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(D)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
3 (E)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (F)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (G)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(H)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
7 (I)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
8 (J)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
9 Sa harap ng Panginoon, (K)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.
Awit ni David.
103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
3 (B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
4 (D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
5 Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
6 (G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
7 Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
8 Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
9 (J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
Inilahad ang dahilan kung bakit dapat maging masunurin.
11 (A)Kaya't iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at (B)iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.
2 At talastasin ninyo sa araw na ito: sapagka't hindi ko sinasalita sa inyong mga anak na hindi nangakakilala, at hindi nangakakita (C)ng parusa ng Panginoon ninyong Dios (D)ng kaniyang kadakilaan, (E)ng kaniyang makapangyarihang kamay at ng kaniyang unat na bisig,
3 At ng kaniyang mga tanda, at ng kaniyang mga gawa, na kaniyang ginawa sa gitna ng Egipto kay Faraon na hari sa Egipto, at sa kaniyang buong lupain;
4 At ang kaniyang ginawa sa hukbo ng Egipto, sa kanilang mga kabayo, at sa kanilang mga karo; kung paanong (F)tinakpan niya sila ng tubig ng Dagat na Mapula nang kanilang habulin kayo, at kung paanong nilipol sila ng Panginoon sa araw na ito;
5 At kung ano ang kaniyang ginawa sa inyo sa ilang hanggang sa dumating kayo sa dakong ito;
6 At (G)kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel:
7 Nguni't nakita ng inyong mga mata ang lahat ng dakilang gawa ng Panginoon na kaniyang ginawa.
8 Kaya't inyong susundin ang buong utos na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, (H)upang kayo'y lumakas at kayo'y pumasok at ariin ninyo ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin;
9 At (I)upang inyong maparami ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupain (J)na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi (K)na lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
10 Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay;
11 (L)Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit:
12 Lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Dios, (M)at ang mga mata ng Panginoon mong Dios ay nandoong lagi, mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon.
10 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; (A)at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang (B)mukha ay gaya ng araw, at ang (C)kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;
2 At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;
3 At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
4 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, (D)Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
5 At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay (E)itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,
6 At ipinanumpa (F)yaong nabubuhay magpakailan kailan man, (G)na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
8 At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
9 At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, (H)Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.
10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; (I)at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
11 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.
44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (A)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (B)binili ang bukid na yaon.
45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:
46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.
47 (C)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (D)nakahuli ng sarisaring isda:
48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.
49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (E)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,
50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.
52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (F)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.
53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.
54 (G)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (H)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (I)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?
55 (J)Hindi baga ito ang anak ng (K)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (L)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (M)kaniyang mga kapatid?
56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?
57 At siya'y (N)kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, (O)Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.
58 At siya'y (P)hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa (Q)dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978