Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 83

Awit, Salmo ni Asaph.

83 Oh (A)Dios, huwag kang tumahimik:
Huwag kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagka't (B)narito, ang mga kaaway mo'y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila'y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban sa iyong bayan,
At nangagsanggunian (C)laban sa iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo'y parito, at atin silang (D)ihiwalay sa pagkabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
Sapagka't sila'y nangagsangguniang magkakasama na may isang pagkakaayon;
Laban sa iyo ay nangagtitipanan:
(E)Ang mga tolda ng Edom at ng mga (F)Ismaelita;
Ang Moab at ang mga (G)Agareno;
Ang (H)Gebal, at ang Ammon, at ang (I)Amalec;
Ang Filisteo na kasama ng mga taga Tiro:
Pati ng (J)Asiria ay nalalakip sa kanila;
(K)Kanilang tinulungan ang (L)mga anak ni Lot.
Gumawa ka sa kanila ng gaya (M)sa Madianita;
Gaya (N)kay Sisara, gaya kay Jabin, sa (O)ilog ng Cison:
10 Na nangamatay sa Endor; (P)Sila'y naging parang dumi sa lupa.
11 Gawin mo ang kanilang mga maginoo na gaya (Q)ni Oreb at ni Zeeb;
Oo, lahat nilang mga pangulo ay gaya ni (R)Zeba at ni Zalmuna;
12 Na siyang nagsipagsabi, (S)Kunin natin para sa atin na pinakaari
Ang mga tahanan ng Dios.
13 (T)Oh Dios ko, gawin mo silang parang ipoipong alabok;
(U)Parang dayami sa harap ng hangin.
14 Parang apoy na sumusunog ng gubat,
At parang liyab na nanunupok ng mga bundok;
15 Kaya't habulin mo sila ng iyong bagyo,
At pangilabutin mo sila ng iyong unos.
16 (V)Lipusin mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan;
Upang hanapin nila ang iyong pangalan, Oh Panginoon.
17 Mangapahiya sila at manganglupaypay magpakailan man;
Oo, mangahiya sila at mangalipol:
18 (W)Upang kanilang maalaman na ikaw lamang, na (X)ang pangalan ay JEHOVA,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.

Mga Awit 34

Ang Panginoon ay taga pagbigay at taga pagligtas. (A)Awit ni David; nang siya'y magbago ng kilos sa harap ni Abimelek, na siyang nagpalayas sa kaniya, at siya'y yumaon.

34 Aking pupurihin (B)ang Panginoon sa buong panahon:
Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.
Ang aking kaluluwa ay maghahambog (C)sa Panginoon:
Maririnig ng maamo at masasayahan.
Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon,
At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
(D)Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako,
At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at (E)nangaliwanagan:
At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.
Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon.
At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.
(F)Ang anghel ng Panginoon ay (G)humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya,
At ipinagsasanggalang sila.
(H)Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti:
(I)Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.
Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya:
Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
10 Ang mga (J)batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom.
(K)Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.
11 Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako:
Aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.
12 (L)Sinong tao ang nagnanasa ng buhay,
At umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?
13 Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama.
At ang iyong mga labi (M)sa pagsasalita ng karayaan.
14 (N)Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(O)Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.
15 (P)Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.
16 (Q)Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan,
(R)Upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.
17 Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon,
At iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
18 Ang Panginoon ay malapit (S)sa kanila na may bagbag na puso,
At inililigtas ang mga may pagsisising diwa.
19 (T)Marami ang kadalamhatian ng matuwid;
Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.
20 Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto:
(U)Wala isa man sa mga yaon na nababali.
21 Papatayin ng kasamaan ang masama:
At silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.
22 (V)Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod:
At wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

Mga Awit 85-86

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (O)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (P)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(Q)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(R)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (S)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(T)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(U)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (V)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(W)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(X)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (Y)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (Z)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (AA)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (AB)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (AC)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (AD)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (AE)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (AF)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

1 Samuel 2:27-36

Ang hula laban sa sangbahayan ni Eli.

27 At (A)naparoon ang isang lalake ng Dios kay Eli, at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Napakita ba ako ng hayag sa sangbahayan ng iyong ama, nang sila'y nasa Egipto sa pagkaalipin sa sangbahayan ni Faraon?

28 (C)At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang (D)magsuot ng epod sa harap ko? at (E)ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy?

29 (F)Bakit nga kayo'y tumututol sa aking hain at sa aking handog, na aking iniutos sa aking (G)tahanan, at iyong pinararangalan ang iyong mga anak ng higit kaysa akin, upang kayo'y magpakataba sa mga pinakamainam sa lahat ng mga handog ng Israel na aking bayan?

30 Kaya't sinasabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (H)Aking sinabi nga na ang iyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap ko magpakailan man: nguni't (I)sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa akin; sapagka't yaong mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa akin ay mawawalan ng kabuluhan.

31 Narito, ang mga araw ay (J)dumarating, na aking ihihiwalay ang iyong bisig, at ang bisig ng sangbahayan ng iyong ama, upang huwag magkaroon ng matanda sa iyong sangbahayan.

32 At iyong mamasdan ang kadalamhatian sa aking tahanan, sa buong kayamanan na ibibigay ng Dios sa Israel; (K)at mawawalan ng matanda sa iyong sangbahayan magpakailan man.

33 At ang lalaking iyo, na hindi ko ihihiwalay sa aking dambana, ay magiging upang lunusin ang iyong mga mata at papanglawin ang iyong puso; at ang madlang mararagdag sa iyong sangbahayan ay mamamatay sa kanilang kabataan.

34 At ito ang magiging tanda (L)sa iyo, na darating sa iyong dalawang anak, kay Ophni at kay Phinees: (M)sa isang araw, sila'y kapuwa mamamatay.

35 At (N)ako'y magbabangon para sa akin ng isang tapat na saserdote, na gagawa ng ayon sa nasa aking puso at nasa aking pagiisip: (O)at ipagtatayo ko siya ng panatag na sangbahayan; at siya'y lalakad sa harap (P)ng aking pinahiran ng langis, magpakailan man.

36 At mangyayari, na bawa't isa na naiwan sa iyong sangbahayan, ay paroroon at yuyukod sa kaniya dahil sa isang putol na pilak at sa isang putol na tinapay, at magsasabi, Isinasamo ko sa iyong ilagay mo ako sa isa sa mga katungkulang pagkasaserdote, upang makakain ako ng isang subong tinapay.

Mga Gawa 2:22-36

22 Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: (A)Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Dios sa inyo (B)sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Dios sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya rin ng nalalaman ninyo;

23 Siya, na (C)ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan (D)ay inyong ipinako sa krus at pinatay:

24 Na siya'y binuhay na maguli ng Dios, (E)pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito.

25 Sapagka't sinasabi ni David tungkol sa kaniya,

(F)Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan;
Sapagka't siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong makilos:
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
Pati naman ang aking laman ay mananahan sa pagasa:
27 (G)Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades,
Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinakilala mo sa akin ang mga daan ng buhay;
Pupuspusin mo ako ng kagalakan sa harap ng iyong mukha.

29 Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin (H)ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.

30 Palibhasa nga'y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, (I)na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan;

31 Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, (J)na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan.

32 Ang Jesus na ito'y (K)binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y (L)mga saksi kaming lahat.

33 Palibhasa nga'y pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at (M)tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.

34 Sapagka't hindi umakyat si David sa mga langit; datapuwa't siya rin ang nagsabi,

(N)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa kanan ko,
35 Hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.

36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (O)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.

Lucas 20:41-21:4

41 (A)At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?

42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit,

(B)Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
Maupo ka sa aking kanan,
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.

44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?

45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, (C)na naririnig ng buong bayan,

46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;

47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

21 At siya'y tumunghay, at (D)nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabang-yaman.

At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng (E)dalawang lepta.

At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat.

Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978