Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 37

Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.

37 Huwag (A)kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
(B)Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
Sapagka't sila'y madaling puputuling (C)gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
(D)Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
Ihabilin mo ang iyong lakad (E)sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
(F)Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, (G)at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
(H)Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
(I)Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, (J)ay mangagmamana sila ng lupain.
10 (K)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(L)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (M)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (N)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (O)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (P)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(Q)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (R)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (S)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (T)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (U)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (V)mangapupugnaw sila.
21 (W)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (X)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (Y)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23 Ang lakad ng tao ay itinatag (Z)ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24 Bagaman siya'y mabuwal, (AA)hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25 Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay (AB)nagpapalimos ng tinapay.
26 (AC)Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 (AD)Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
(AE)At manahan ka magpakailan man.
28 Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
(AF)Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
30 (AG)Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 (AH)Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32 Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33 Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
(AI)Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 (AJ)Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
(AK)Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 (AL)Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36 Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (AM)kapayapaan.
38 Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
(AN)Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39 Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40 At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
(AO)Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.

Daniel 5:13-30

Si Daniel ay ipinatawag.

13 Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na (A)sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama?

14 Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo.

15 At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay.

16 Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: (B)kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.

17 Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na (C)ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.

18 Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, (D)nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:

19 At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, (E)nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.

20 Nguni't nang ang kaniyang puso (F)ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:

21 At siya'y (G)pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang (H)kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin.

22 At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,

23 Kundi ikaw ay nagpakataas laban (I)sa Panginoon ng langit; at (J)kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at (K)iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.

24 Nang magkagayo'y ang bahagi (L)nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.

Ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng sulat.

25 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.

26 Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.

27 TEKEL; ikaw ay (M)tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.

28 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga (N)taga Media at (O)taga Persia.

29 Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at (P)pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian.

30 Nang gabing yaon ay (Q)napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.

1 Juan 5:13-21

13 (A)Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

14 At ito ang nasa ating (B)pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na (C)ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at (D)bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. (E)May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

17 Lahat ng (F)kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; (G)datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.

19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios (H)at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala (I)siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang (J)buhay na walang hanggan.

21 Mga anak ko, (K)mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

Lucas 5:1-11

Nangyari nga, (A)na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;

(B)At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.

At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan (C)buhat sa daong.

At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, (D)Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.

At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay (E)nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.

At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;

At kinawayan nila ang mga (F)kasamahan (G)sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.

Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, (H)Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.

Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:

10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.

11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay (I)iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978