Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 148-150

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
(A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
(D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
(F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ang Israel ay pinapagpupuri sa Panginoon.

149 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan (H)sa kapisanan ng mga banal.
(I)Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
(J)Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
(K)Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
(L)Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At (M)tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
Upang magsagawa sa kanila ng hatol na (N)nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.

150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (O)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(P)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
Purihin ninyo siya (Q)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (R)ng mga panugtog na kawad at ng (S)flauta.
Purihin ninyo siya ng mga (T)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
(U)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mga Awit 114-115

Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.

114 Nang (A)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (B)mula sa bayang may ibang wika;
(C)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(D)Ang Israel ay kaniyang sakop.
Nakita (E)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
(F)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
(G)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
(H)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.

Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.

115 Huwag (I)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (J)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
Bakit sasabihin ng mga bansa,
(K)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
(L)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(M)Yari ng mga kamay ng mga tao.
Sila'y may mga bibig, (N)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
(O)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
(P)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (Q)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (R)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (S)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (T)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (U)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (V)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Daniel 4:1-18

Si Nabucodonosor ay nanaginip ng isang kahoy.

Si Nabucodonosor na hari, (A)sa lahat na bayan, bansa, at wika, na nagsisitahan sa buong lupa: (B)Kapayapaa'y managana sa inyo.

Inaakala kong mabuti na ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghan (C)na ginawa sa akin ng Kataastaasang Dios.

Kay dakila ang kaniyang mga tanda! at pagka makapangyarihan ng kaniyang mga kababalaghan! ang kaniyang kaharian ay walang hanggang (D)kaharian, at ang kaniyang kapangyarihan ay sa sali't saling lahi.

Akong si Nabucodonosor ay nagpapahinga sa aking bahay, at gumiginhawa sa aking palasio.

Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; (E)at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.

(F)Kaya't nagpasiya ako na iharap sa akin ang lahat (G)na pantas sa Babilonia, upang kanilang maipaaninaw sa akin ang kahulugan ng panaginip.

Nang magkagayo'y nagsidating ang mga mahiko, ang mga enkantador, ang mga Caldeo, at ang mga manghuhula; at isinaysay ko ang panaginip sa harap nila; nguni't hindi nila maipaaninaw sa akin ang kahulugan niyaon.

Nguni't sa kahulihuliha'y dumating sa harap ko si Daniel, (H)na ang pangala'y Beltsasar, ayon sa pangalan ng aking dios, (I)at siyang kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios: at aking isinaysay ang panaginip sa harap niya, na aking sinasabi,

Oh Beltsasar, na (J)pangulo ng mga mahiko, sapagka't talastas ko na ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasaiyo, at walang lihim na bumabagabag sa iyo, isaysay mo sa akin ang mga pangitain ng aking panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon.

10 Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy (K)sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa.

11 Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa.

12 Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; (L)ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.

13 May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, (M)isang bantay at isang (N)banal ay bumaba mula sa langit.

14 Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, (O)Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan.

15 Gayon ma'y inyong iwan ang tuod ng kaniyang mga ugat sa lupa, na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang; at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa damo sa lupa:

16 Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at (P)mangyaring makapito sa kaniya.

17 Ang hatol ay sa pamamagitan ng pasiya ng (Q)mga bantay, at ang utos ay sa pamamagitan ng salita ng mga banal; (R)upang makilala ng mga may buhay (S)na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay niya ito sa kanino mang kaniyang ibigin, at itinataas niya sa kaniya ang pinakamababa sa mga tao.

18 Akong si Nabucodonosor na hari ay nakakita ng panaginip na ito: at ikaw, Oh Beltsasar, ipahayag ang kahulugan, (T)sapagka't lahat na pantas sa aking kaharian ay hindi makapagpaaninaw sa akin ng kahulugan; nguni't maipaaaninaw mo; sapagka't ang espiritu ng mga banal na dios ay sumasa iyo.

1 Pedro 4:7-11

Nguni't (A)ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: (B)kayo nga'y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:

Na una sa lahat ay (C)maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; (D)sapagka't ang (E)pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:

(F)Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:

10 Na (G)ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting (H)katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

11 Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga (I)aral ng Dios: (J)kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: (K)upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, (L)na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.

Juan 21:15-25

15 Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako (A)ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.

16 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. (B)Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.

17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing (C)makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni't pagtanda mo'y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.

19 Ito nga'y sinalita niya, na ipinaalam (D)kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, (E)Sumunod ka sa akin.

20 Si Pedro, paglingon, ay nakita yaong alagad na (F)iniibig ni Jesus na sumusunod; na siya ring humilig sa kaniyang dibdib sa paghapon, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa iyo'y magkakanulo?

21 Pagkakita nga ni Pedro sa kaniya ay nagsabi kay Jesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?

22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig kong siya'y manatili (G)hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo? sumunod ka sa akin.

23 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng (H)mga kapatid, na ang alagad na yaon ay hindi mamamatay: gayon ma'y hindi sinabi ni Jesus, sa kaniya na hindi siya mamamatay; kundi, Kung ibig kong siya'y manatili hanggang sa ako'y pumarito, ay ano nga sa iyo?

24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito; at (I)nalalaman namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.

25 At mayroon ding (J)iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978