Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 97

Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.

97 Ang Panginoon ay (A)naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
(B)Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
Tumatanglaw (C)ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
(D)Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
Ipinahahayag (E)ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya (F)kayong lahat na mga dios.
Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay (G)kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10 Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, (H)ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila (I)sa kamay ng masama.
11 (J)Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12 Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
(K)At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.

Mga Awit 99

Pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kahabagan sa Israel.

99 Ang Panginoon ay (A)naghahari: manginig ang mga bayan.
(B)Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
Ang Panginoon ay dakila sa Sion; At siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan:
Siya'y (C)banal.
Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan;
Ikaw ay nagtatatag ng karampatan,
Ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo (D)sa harap ng kaniyang tungtungan;
(E)Siya'y banal.
(F)Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, At si (G)Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan;
Sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
Siya'y nagsasalita sa kanila (H)sa haliging ulap:
Kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios;
(I)Ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila,
(J)Bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios,
At magsisamba kayo sa kaniyang (K)banal na bundok;
Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.

Mga Awit 115

Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.

115 Huwag (A)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (B)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
Bakit sasabihin ng mga bansa,
(C)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
(D)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(E)Yari ng mga kamay ng mga tao.
Sila'y may mga bibig, (F)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
(G)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
(H)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (I)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (J)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (K)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (L)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (M)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (N)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Mikas 7:7-15

Ang mga unang kaawaan ng Panginoon ay muling ibibigay.

Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.

Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; (A)pagka ako'y naupo sa kadiliman, (B)ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.

Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, (C)sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: (D)kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.

10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, (E)Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.

11 Kaarawan ng pagtatayo ng (F)iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.

12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.

13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.

14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, (G)ang kawan na iyong mana, (H)na tumatahang magisa, sa (I)gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.

15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan (J)sila ng mga kagilagilalas na bagay.

Mga Gawa 3:1-10

Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik (A)sa templo nang oras ng pananalangin, (B)na ikasiyam.

At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, (C)upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo;

Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap siya ng limos.

At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami.

At kaniyang pinansin sila, na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay.

Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. (D)Sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.

At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong.

At (E)paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios.

At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios:

10 At nangakilala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo; at sila'y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kaniya.

Juan 15:1-11

15 Ako (A)ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.

Ang bawa't sanga (B)na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.

Kayo'y (C)malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.

(D)Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.

Ako ang puno ng ubas, (E)kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at (F)mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.

Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay (G)hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.

Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad.

Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.

10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.

11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang (H)aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang (I)inyong kagalakan ay malubos.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978