Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Book of Common Prayer

Daily Old and New Testament readings based on the Book of Common Prayer.
Duration: 861 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 103

Awit ni David.

103 Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko:
At lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko,
At huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
(B)Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan;
(C)Na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
(D)Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak:
Na siyang nagpuputong sa iyo ng (E)kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay;
Na anopa't ang (F)iyong kabataan ay nababagong parang agila.
(G)Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa,
At ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
Kaniyang ipinabatid ang (H)kaniyang mga daan kay Moises,
Ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
Ang Panginoon ay puspos (I)ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
(J)Hindi siya makikipagkaalit na palagi;
Ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 (K)Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan,
Ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
11 (L)Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob (M)sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran,
Gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 (N)Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak,
Gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo;
(O)Kaniyang inaalaala na (P)tayo'y alabok.
15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo:
Kung paanong namumukadkad ang (Q)bulaklak sa parang ay gayon siya.
16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam;
At ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya,
At ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa (R)mga anak ng mga anak;
18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan,
At sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19 Itinatag ng Panginoon ang (S)kaniyang luklukan sa mga langit;
At ang (T)kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
20 (U)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya:
Ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita,
Na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya;
(V)Ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
22 (W)Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya,
Sa lahat na dako na kaniyang sakop;
(X)Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.

Mga Awit 111

Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.

111 Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat (A)sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
Ang kaniyang gawa ay (B)karangalan at kamahalan:
At ang (C)kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay (D)mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
Siya'y nagbigay ng (E)pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay (F)katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay (G)tunay.
(H)Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
Siya'y nagsugo ng (I)katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
(J)Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 (K)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.

Mga Awit 114

Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.

114 Nang (A)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (B)mula sa bayang may ibang wika;
(C)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(D)Ang Israel ay kaniyang sakop.
Nakita (E)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
(F)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
(G)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
(H)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.

Isaias 30:18-21

Sa matiyagang paghihintay sa biyaya ng Panginoon lamang matatamo ang kasaganaan.

18 (A)At dahil dito maghihintay ang Panginoon, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo, at kaya't (B)mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kahatulan; (C)mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa kaniya.

19 Sapagka't ang bayan ay (D)tatahan sa Sion sa Jerusalem: ikaw ay hindi na iiyak pa; siya'y tunay na magiging mapagbiyaya sa iyo sa tinig ng iyong daing; pagka kaniyang maririnig, sasagutin ka niya.

20 At bagaman bigyan kayo ng Panginoon ng (E)tinapay ng kasakunaan at ng tubig ng kadalamhatian, gayon may hindi na makukubli pa ang (F)iyong mga tagapagturo, kundi makikita ng iyong mga mata ang iyong mga tagapagturo:

21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.

Mga Gawa 2:36-47

36 Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na (A)Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.

37 Nang marinig nga nila ito, (B)ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?

38 At sinabi sa kanila ni Pedro, (C)Mangagsisi kayo, at (D)mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo (E)sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo (F)ang kaloob ng Espiritu Santo.

39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at (G)sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa (H)malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.

40 At sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya, at nangaral sa kanila, na sinasabi, Magsiligtas kayo sa likong lahing ito.

41 Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon (I)ang may tatlong libong kaluluwa.

42 At sila'y nagsipanatiling matibay (J)sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa (K)pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

43 (L)At ang takot ay dumating sa bawa't kaluluwa: at ginawa ang maraming kababalaghan at tanda sa pamamagitan ng mga apostol.

44 At ang lahat ng mga nagsisampalataya ay (M)nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan;

45 At ipinagbili (N)nila ang kanilang mga pagaari at kayamanan, at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawa't isa.

46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa (O)sa templo, (P)at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may (Q)galak at may katapatan ng puso.

47 (R)Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila (S)ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.

Juan 14:15-31

15 Kung ako'y inyong iniibig, (A)ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

16 At ako'y dadalangin sa Ama, at (B)kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,

17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu (C)ng katotohanan: (D)na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

18 Hindi ko kayo iiwang (E)magisa: ako'y paririto sa inyo.

19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (F)inyong makikita ako: (G)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.

20 (H)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.

21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.

22 Si (I)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?

23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (J)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.

24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.

26 Datapuwa't (K)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (L)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (M)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

27 (N)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (O)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (P)ako'y pasasa Ama: sapagka't (Q)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.

29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.

30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (R)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;

31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (S)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978