Book of Common Prayer
Ang panalangin sa pagtangkakal. Awit ni David.
26 Iyong hatulan ako (A)Oh Panginoon, sapagka't ako'y lumakad (B)sa aking pagtatapat:
Ako naman ay (C)tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 (D)Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako'y lumakad sa iyong katotohanan.
4 (E)Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 (F)Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo'y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong (G)kagilagilalas na gawa.
8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni't tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
(H)Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.
Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.
28 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
(A)Bato ko, (B)huwag kang magpakabingi sa akin:
(C)Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
(D)Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
(E)Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay (F)sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
3 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
(G)Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
4 (H)Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
5 Sapagka't (I)ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
6 Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
7 Ang Panginoon ay aking kalakasan at (J)aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y (K)kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo (L)ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.
Kasalanan ng tao at ang pagibig ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni (A)David na lingkod ng Panginoon.
36 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso:
(B)Walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata.
2 (C)Sapagka't siya'y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata,
Na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman.
3 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan:
(D)Iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.
4 Siya'y kumakatha ng (E)kasamaan sa kaniyang higaan;
Siya'y lumagay (F)sa isang daan na hindi mabuti;
Hindi niya kinayayamutan ang kasamaan.
5 Ang iyong kagandahang-loob, (G)Oh Panginoon, ay nasa mga langit:
Ang iyong pagtatapat ay umaabot hanggang sa langit.
6 (H)Ang iyong katuwiran ay gaya ng mga bundok ng Dios:
Ang iyong mga kahatulan ay dakilang kalaliman:
Oh Panginoon, iyong iniingatan (I)ang tao at hayop.
7 (J)Napaka mahalaga ng iyong kagandahang-loob, Oh Dios!
At ang mga anak ng mga tao ay (K)nanganganlong sa ilalim ng iyong mga pakpak.
8 Sila'y nangabubusog ng sagana ng katabaan ng (L)iyong bahay;
At iyong paiinumin sila (M)sa (N)ilog (O)ng iyong kaluguran.
9 (P)Sapagka't nasa iyo ang bukal ng buhay:
(Q)Sa iyong liwanag makakakita kami ng liwanag.
10 Oh, ilagi mo nawa ang iyong kagandahang-loob sa (R)kanila na nangakakakilala sa iyo:
At ang iyong katuwiran sa matuwid sa puso.
11 Huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan,
At huwag nawa akong itaboy ng kamay ng masama.
12 Doo'y nangabuwal ang mga manggagawa ng kasamaan:
Sila'y nangalugmok at hindi makakatindig.
Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.
39 Aking sinabi, (A)Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
2 (B)Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
3 Ang aking puso ay (C)mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
4 Panginoon, (D)ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
5 Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang (E)aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang (F)walang kabuluhan. (Selah)
6 Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
(G)Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
(H)Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
7 At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
(I)Ang aking pagasa ay nasa iyo.
8 Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(J)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
9 (K)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (L)ikaw ang gumawa.
10 (M)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11 Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
(N)Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12 Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
(O)Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
(P)Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na (Q)gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 (R)Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.
Ang panaginip ng hari ay natupad.
28 Lahat ng ito'y sumapit sa haring Nabucodonosor.
29 Sa katapusan ng labing dalawang buwan ay lumalakad siya sa palacio ng hari sa Babilonia.
30 Ang hari ay nagsalita, (A)at nagsabi, Hindi baga ito ang dakilang Babilonia na aking itinayo na pinaka (B)tahanang hari, sa pamamagitan ng lakas ng aking kapangyarihan at sa ikaluluwalhati ng aking kamahalan?
31 Samantalang ang salita ay nasa bibig pa ng hari, ay may isang tinig na nanggaling sa langit, na nagsasabi, Oh haring Nabucodonosor, sa iyo'y sinalita: Ang kaharian ay mahihiwalay sa iyo.
32 At ikaw ay palalayasin (C)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
33 (D)Nang oras ding yaon ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya'y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang (E)kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon.
34 At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko (F)siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka't ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali't saling lahi;
35 At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; (G)at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, (H)Anong ginagawa mo?
36 Sa oras ding yaon ay nanumbalik sa akin ang aking unawa; at sa ikaluluwalhati ng aking kaharian, ay nanumbalik sa akin ang aking kamahalan at kakinangan; at hinanap ako ng aking mga kasangguni at mga mahal na tao; at ako'y natatag sa aking kaharian, at marilag na kadakilaan ay nadagdag sa akin.
37 Ngayo'y akong si Nabucodonosor ay (I)pumupuri, at nagbubunyi, at nagpaparangal sa Hari ng langit; (J)sapagka't ang lahat niyang gawa ay katotohanan, at ang kaniyang mga daan ay kahatulan; at (K)yaong nagsisilakad sa kapalaluan ay kaniyang mapabababa.
7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.
8 (A)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (B)Dios ay pagibig.
9 (C)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (D)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (E)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.
10 Narito ang pagibig, (F)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (G)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.
11 Mga minamahal, (H)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.
12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (I)kung tayo'y nangagiibigan, ang (J)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:
13 Dito'y nakikilala natin na (K)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.
14 At (L)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (M)ng Ama ang Anak upang maging (N)Tagapagligtas ng sanglibutan.
15 Ang (O)sinomang nagpapahayag (P)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.
16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (Q)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.
17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (R)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
18 Walang takot sa pagibig: (S)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.
19 (T)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.
20 Kung sinasabi ng sinoman, (U)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (V)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?
21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.
31 At (A)siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
32 At nangagtaka sila (B)sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.
33 At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,
34 Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? (C)nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
35 At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.
36 At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.
37 At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978