Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Umawit ng Papuri si Maria
46 Sinabi(A) ni Maria,
47 “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas.
48 Sapagkat(B) nilingap niya ang abang kalagayan ng kanyang alipin.
Sapagkat tiyak na mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng salinlahi.
49 Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa para sa akin ng mga dakilang bagay
at banal ang kanyang pangalan.
50 Ang kanyang awa ay sa mga natatakot sa kanya
sa lahat ng sali't-saling lahi.
51 Siya'y nagpakita ng lakas sa pamamagitan ng kanyang bisig;
pinagwatak-watak niya ang mga palalo sa mga haka ng kanilang puso.
52 Ibinaba(C) niya ang mga makapangyarihan sa kanilang mga trono,
at itinaas ang mga may abang kalagayan.
53 Ang mga gutom ay binusog niya ng mabubuting bagay,
at ang mayayaman ay pinaalis niya na walang dalang anuman.
54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang alipin,
bilang pag-alaala sa kanyang kahabagan.
55 Tulad(D) nang sinabi niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang binhi magpakailanman.”
Ang Mabiyayang Paghahari ng Panginoon
17 Makikita ng iyong mga mata ang hari sa kanyang kagandahan;
matatanaw nila ang lupaing nasa malayong lugar.
18 Gugunitain ng iyong isipan ang kakilabutan:
“Nasaan siya na eskriba,
nasaan siya na tumitimbang?
Nasaan siya na bumibilang ng mga muog?”
19 Hindi mo makikita ang mabagsik na bayan,
ang bayan na may malabong pananalita na hindi mo maunawaan,
nauutal sa wika na hindi mo maiintindihan.
20 Narito ang Zion, ang lunsod ng ating mga takdang kapistahan!
Makikita ng iyong mga mata ang Jerusalem,
isang tahimik na tahanan, isang tolda na hindi makikilos,
na ang mga tulos ay hindi mabubunot kailanman,
o mapapatid man ang alinman sa mga tali niyon.
21 Kundi doon ang kamahalan ng Panginoon, ay maglalagay para sa atin,
isang dako ng maluluwang na ilog at batis;
na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod,
o daraanan man ng malalaking sasakyang-dagat.
22 Sapagkat ang Panginoon ang ating hukom, ang Panginoon ang ating tagapagbigay ng kautusan,
ang Panginoon ay ating hari; tayo'y kanyang ililigtas.
Ang Pagdating ni Jesus
6 At sinabi niya sa akin, “Ang mga salitang ito'y tapat at tunay. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kanyang anghel upang ipakita sa kanyang mga alipin ang mga bagay na kailangang mangyari kaagad.
7 Ako'y malapit nang dumating![a] Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng propesiya ng aklat na ito.”
Mga Babala at Basbas
18 Aking(A) binabalaan ang bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga ito, idaragdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito,
19 at kung ang sinuman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punungkahoy ng buhay at sa banal na lunsod, na nakasulat sa aklat na ito.
20 Ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, ako'y malapit nang dumating.”[a] Amen. Pumarito ka Panginoong Jesus!
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001