Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang karangalan ng Panginoon.
93 Ang Panginoon ay (A)naghahari; (B)siya'y nananamit ng karilagan;
Ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; (C)siya'y nagbigkis niyaon:
Ang sanglibutan naman ay (D)natatag, na hindi mababago.
2 (E)Ang luklukan mo'y natatag ng una:
Ikaw ay mula sa walang pasimula.
3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon,
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong;
Ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.
4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig,
Malalakas na hampas ng alon sa dagat,
(F)Ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.
5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay:
Ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay,
Oh Panginoon, magpakailan man.
Si Asa ay gumawa ng pagbabago sa pagsamba.
15 At (A)ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:
2 At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: (B)at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't (C)kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo.
3 (D)Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay (E)at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:
4 Nguni't nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at hinanap nila siya, siya'y nasumpungan nila.
5 At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas, o sa kaniya na pumasok, kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain.
6 At sila'y nagkapangkatpangkat, bansa laban sa bansa, at bayan laban sa bayan: sapagka't niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian.
7 Nguni't mangagpakalakas kayo, at huwag manglata ang inyong mga kamay; sapagka't ang inyong mga gawa ay gagantihin.
8 At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at (F)inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, (G)at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa (H)harap ng portiko ng Panginoon.
9 At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga (I)nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya.
10 Sa gayo'y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa.
11 At sila'y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, (J)sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa.
12 (K)At sila'y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, ng kanilang buong puso, at ng kanilang buong kaluluwa.
13 At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay (L)papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae.
14 At sila'y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga (M)pakakak, at may mga patunog.
15 At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa: sapagka't sila'y nagsisumpa ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang nasa; at siya'y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.
15 At ang nakikipagusap sa akin ay (A)may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.
16 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
17 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.
18 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
19 Ang mga pinagsasaligan ng kuta (B)ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.
21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; (C)at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.
22 At hindi ako nakakita ng templo doon: (D)sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978