Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.
67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(A)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
2 (B)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (C)sa lahat ng mga bansa.
3 (D)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
4 Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
6 Isinibol (E)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
7 Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (F)mangatatakot sa kaniya.
Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.
2 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(A)At tataglayin mo ang aking mga utos;
2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4 (B)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
36 At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid (A)sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.
37 At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si (B)Juan, na tinatawag na Marcos.
38 Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila (C)ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.
39 At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni (D)Bernabe si Marcos, at lumayag sa (E)Chipre:
40 Datapuwa't hinirang ni Pablo si (F)Silas, at yumaon, na sila'y (G)ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.
41 At kaniyang tinahak ang (H)Siria at Cilicia, (I)na pinagtitibay ang mga iglesia.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978