Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 67

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(A)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
(B)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (C)sa lahat ng mga bansa.
(D)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Isinibol (E)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (F)mangatatakot sa kaniya.

Mga Kawikaan 2:6-8

Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(A)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (B)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.

Mga Gawa 16:1-8

16 At siya'y naparoon din naman sa (A)Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang (B)Timoteo, na (C)anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.

Siya'y may mabuting patotoo ng mga kapatid na nangasa Listra at Iconio.

Iniibig ni Pablo na sumama siya sa kaniya; at (D)kaniyang kinuha siya at tinuli dahil sa mga Judio na nangasa mga dakong yaon: sapagka't nalalaman ng lahat na ang kaniyang ama'y Griego.

At sa kanilang pagtahak sa mga bayan, ay ibinigay sa kanila (E)ang mga utos na inilagda ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem, upang kanilang tuparin.

Kaya nga, (F)ang mga iglesia'y pinalakas sa pananampalataya at naragdagan ang bilang araw-araw.

At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at (G)Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;

At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;

At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa (H)Troas.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978