Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
36 Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.
37 At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.
38 At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.
39 At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.
40 Datapuwa't (A)pinalabas silang lahat ni Pedro, at (B)lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang (C)sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
41 At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag (D)ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.
42 At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon.
43 At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni (E)Simong mangluluto ng balat.
Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.
23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 (G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (A)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (B)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (C)palma sa kanilang mga kamay;
10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,
11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,
12 Na nangagsasabi,
(F)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.
13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (G)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (H)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
16 Sila'y hindi na magugutom pa, (I)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (J)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (K)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
22 At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem:
23 Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa (A)portiko ni Salomon.
24 Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin.
25 Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: (B)ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin.
26 Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa.
27 Dinirinig ng (C)aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin:
28 At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y (D)hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.
29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.
30 Ako at ang Ama ay (E)iisa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978