Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 100

Awit na pagpapasalamat.

100 Magkaingay kayo na (A)may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon;
Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios;
(B)Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya:
(C)Tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
(D)Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat,
At sa kaniyang looban na may pagpupuri:
Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man;
At ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.

Ezekiel 37:15-28

Ang muling pagsasama ng Juda at Israel.

15 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi:

16 At ikaw, anak ng tao, (A)kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, (B)Sa Juda at sa (C)mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at iyong sulatan: (D)Sa Jose, na siyang tungkod ng (E)Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel na kaniyang mga kasama:

17 At (F)iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang tungkod, upang maging isa sa iyong kamay.

18 At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang kahulugan ng mga ito?

19 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.

20 At ang tungkod na iyong sinusulatan ay hahawakan mo (G)sa harap ng kanilang mga mata.

21 At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, (H)aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain:

22 At gagawin ko (I)silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; (J)at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian;

23 At hindi na naman mapapahamak pa sila (K)ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang pinagkasalanan, at lilinisin ko (L)sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging kanilang Dios.

Si David ang magiging kanilang hari.

24 At ang aking lingkod na si David ay (M)magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.

25 At (N)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (O)magpakailan man: at si David na (P)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

26 Bukod dito'y makikipagtipan ako ng (Q)tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario (R)sa gitna nila magpakailan man.

27 Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

28 At malalaman ng mga bansa na (S)ako ang Panginoon na (T)nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.

Apocalipsis 15:1-4

15 At (A)nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. (B)Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, (C)sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.

At nakita ko ang gaya ng (D)isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, (E)at sa kaniyang larawan, at sa (F)bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, (G)na may mga alpa ng Dios.

At inaawit nila (H)ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at (I)ang awit ng Cordero, na sinasabi,

Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; (J)matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
(K)Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't (L)ikaw lamang ang banal; sapagka't ang (M)lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978