Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ni David.
26 Pawalang-sala mo ako, O Panginoon,
sapagkat ako'y lumakad sa aking katapatan,
at ako'y nagtiwala sa Panginoon nang walang pag-aalinlangan.
2 Siyasatin mo ako, O Panginoon, at ako'y subukin,
ang aking puso at isipan ay iyong suriin.
3 Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay nasa harapan ng aking mga mata,
at ako'y lumalakad na may katapatan sa iyo.
4 Hindi ako umuupong kasama ng mga sinungaling na tao;
ni sa mga mapagkunwari ay nakikisama ako.
5 Kinapopootan ko ang pangkat ng mga gumagawa ng kasamaan,
at hindi ako uupong kasama ng tampalasan.
6 Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala;
at magtutungo ako, O Panginoon, sa iyong dambana,
7 na umaawit nang malakas ng awit ng pasasalamat,
at ang iyong kahanga-hangang mga gawa ay ibinabalitang lahat.
8 O Panginoon, mahal ko ang bahay na iyong tinatahanan
at ang dakong tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong kunin ang aking kaluluwa kasama ng mga makasalanan,
ni ang aking buhay na kasama ng mga taong sa dugo ay uhaw,
10 mga taong masasamang gawa ang nasa kanilang mga kamay,
na ang kanilang kanang kamay ay punô ng mga lagay.
11 Ngunit sa ganang akin ay lalakad ako sa aking katapatan;
tubusin mo ako, at kahabagan.
12 Sa isang patag na lupa ang paa ko'y nakatuntong,
sa malaking kapulungan ay pupurihin ko ang Panginoon.
Nagreklamo si Job sa Diyos
7 “Wala bang mahirap na paglilingkod ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kanyang mga araw ay gaya ng mga araw ng isang taong upahan?
2 Gaya ng alipin na naghahangad ng lilim,
at gaya ng upahang manggagawa na sa kanyang sahod ay tumitingin,
3 gayon ako pinaglaanan ng mga buwan na walang kabuluhan,
at itinakda sa akin ang mga gabi ng kalungkutan.
4 Kapag ako'y nahihiga, aking sinasabi, ‘Kailan ako babangon?’
Ngunit mahaba ang gabi,
at ako'y pabali-baligtad hanggang sa pagbubukang-liwayway.
5 Ang aking laman ay nadaramtan ng mga uod at ng libag;
tumitigas ang aking balat, pagkatapos ay namumutok.
6 Ang aking mga araw ay matulin kaysa panghabi ng manghahabi,
at nagwawakas na walang pag-asa.
7 “Alalahanin mo na ang aking buhay ay isang hininga;
hindi na muling makakakita ng mabuti ang aking mata.
8 Ang mata niyang nakatingin sa akin ay hindi na ako muling makikita;
habang ang iyong mga mata ay nakatuon sa akin, ako ay maglalaho.
9 Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
gayon hindi na aahon pa ang taong sa Sheol ay bumababa.
10 Hindi na siya babalik pa sa kanyang bahay,
ni hindi na siya makikilala ng kanyang lugar.
11 “Kaya't hindi ko pipigilan ang aking bibig;
ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking espiritu;
ako'y dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y dagat, o dambuhala sa dagat,
upang maglagay ka ng bantay sa akin?
13 Kapag sinasabi ko, ‘Aaliwin ako ng aking tulugan,
pagagaanin ng aking higaan ang aking pagdaramdam.’
14 Kung magkagayo'y tinatakot mo ako ng mga panaginip,
at sinisindak ako ng mga pangitain,
15 anupa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkabigti
at ang kamatayan kaysa aking mga buto.
16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay; ayaw kong mabuhay magpakailanman.
Hayaan mo akong mag-isa, sapagkat ang aking mga araw ay parang isang hininga.
17 Ano(A) ang tao, na itinuturing mong dakila,
at iyong itinutuon ang iyong isip sa kanya,
18 at iyong dinadalaw siya tuwing umaga,
at sinusubok siya sa tuwi-tuwina?
19 Gaano katagal mo akong hindi titingnan
ni babayaan akong nag-iisa hanggang sa malunok ko ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, O ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit ginawa mo akong iyong tudlaan?
Bakit ako'y naging iyong pasan?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang,
at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagkat ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
ako'y hahanapin mo ngunit ako'y hindi matatagpuan.”
Ang Kautusan at ang Kaharian ng Diyos(A)
14 Narinig ng mga Fariseo na pawang maibigin sa salapi ang lahat ng mga bagay na ito at kanilang tinuya si Jesus.[a]
15 At sinabi niya sa kanila, “Kayo ang mga nagmamatuwid sa inyong sarili sa paningin ng mga tao, subalit nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso. Sapagkat ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos.
16 “Ang(B) kautusan at ang mga propeta ay hanggang kay Juan; mula noon, ang magandang balita ng kaharian ng Diyos ay ipinangangaral, at ang bawat isa ay sapilitang pumapasok doon.[b]
17 Ngunit(C) mas madali pa para sa langit at lupa na lumipas, kaysa maalis ang isang kudlit sa kautusan.
18 “Ang(D) bawat humihiwalay sa kanyang asawang babae at nag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang nag-aasawa sa babaing hiniwalayan ng kanyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001