Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 4:5-12

Nangyari, kinabukasan, na nagtipun-tipon sa Jerusalemang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga guro ng kautusan. Kasama dito sila Anas na pinakapunong-saserdote, at si Caifas, at si Juan, at si Alexandro, at ang lahat ng mga angkan ng mga pinunong-saserdote. Pagkalagay nila sa kanila sa kalagitnaan, tinanong nila sila: Sa anong kapangyarihan o sa kaninong pangalan ninyo ginawa ito?

Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi sa kanila: Mga pinuno ng mga tao at mga matanda ng Israel, sa araw na ito ay sinisiyasat ninyo kami sa mabuting gawa na ginawa sa lalaking lumpo, kung papaano siya gumaling. 10 Alamin ninyong lahat ito at ng lahat ng mga tao sa Israel: Ang lalaking ito ay nakatayo sa inyong harapan na magaling. Siya ay gumaling sa pamamagitan ng pangalan ni Jesucristo na taga-Nazaret na inyong ipinako sa krus, na ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. 11 Siya ang:

Bato na hinamak ninyo na mga tagapagtayo. Siya ang naging batong-panulok.

12 Wala nang ibang kaligtasan sa kanino man sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ikaliligtas natin.

1 Juan 3:16-24

16 Sa ganitong paraan ay nakilala natin ang pag-ibig ng Diyos sapagkat inialay na ni Jesus ang kaniyang buhay para sa atin. Kaya dapat din naman na ialay natin ang ating mga buhay para sa mga kapatiran. 17 Kung ang sinuman ay may mga pag-aari sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang kapatid na may pangangailangan at ipagkait sa kaniya ang habag, paano mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya? 18 Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita lamang ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng gawa at sa katotohanan. 19 Sa ganitong paraan, nalalaman nating tayo ay mula sa katotohanan at ang ating mga puso ay magkakaron ng katiyakan sa harapan niya. 20 Kapag hinatulan tayo ng ating puso, ang Diyos ay lalong higit kaysa sa ating puso at alam niya ang lahat ng bagay.

21 Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, may kapanatagan tayo sa harap ng Diyos. 22 At anuman ang ating hingin ay ating tatanggapin mula sa kaniya sapagkat sinusunod natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na nakakalugod sa kaniyang paningin. 23 Ito ang kaniyang utos: Sumampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo. Tayo ay mag-ibigan sa isa’t isa ayon sa ibinigay niyang utos sa atin. 24 Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa kaniya at ang Diyos ay nananatili sa kaniya. Sa ganitong paraan ay nalalaman natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Juan 10:11-18

11 Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa. 12 Kapag nakikita ng upahang-lingkod na dumarating ang lobo, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong palayo. Ginagawa niya ito sapagkat hindi siya ang pastol at sila ay hindi sa kaniya. Pagkatapos, ang mga tupa ay sinisila ng lobo at kinakalat. 13 Ang upahang-lingkod ay tumatakbong palayo sapagkat siya ay upahang-lingkod at wala siyang pagmamalasakit sa mga tupa.

14 Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at kilala ako ng aking mga tupa. 15 Kung papaanong nakikilala ako ng Ama ay ganoon din naman, nakikilala ko ang Ama. Iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16 Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa kawang ito. Sila rin ay dapat kong dalhin at diringgin nila ang aking tinig. At magkakaroon ng isang kawan at ng isang pastol. 17 Dahil dito, iniibig ako ng Ama sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito ay makuha kong muli. 18 Walang sinumang makakaagaw nito sa akin. Subalit kusa ko itong iniaalay. Mayroon akong kapama­halaang ialay ito at mayroon akong kapamahalaang kunin itong muli. Ang utos na ito ay tinanggap ko mula sa aking Ama.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International