Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
12 Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao: Mga lalaking taga-Israel, bakit kayo namamangha sa bagay na ito? Bakit ninyo kami tinititigan na parang nakalakad ang lalaking ito sa pamamagitan ng sarili naming kapangyarihan o ng aming pagkamaka-Diyos? 13 Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, ang Diyos ng mga ninuno natin ay lumuwalhati kay Jesus na kaniyang lingkod. Siya ang inyong ibinigay at inyong ipinagkaila sa harapan ni Pilato na pinasyahan niyang palayain. 14 Ipinagkaila ninyo ang Banal at Matuwid. At hiniling ninyo na ibigay sa inyo ang isang lalaking mamamatay-tao. 15 Ngunit pinatay ninyo ang pinagmulan ng buhay, na siyang ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. Kami ay nagpapatotoo patungkol sa pangyayaring ito. 16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, ang lalaking ito na inyong nakikita at nakikilala ay pinalakas sa kaniyang pangalan. Ang pananampalataya sa pamamagitan niya ang nagbigay sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 Ngayon, mga kapatid na lalaki, alam kong kayo ay gumawa sa kawalang-kaalaman tulad din ng inyong mga pinuno. 18 Sa ganitong paraan tinupad ng Diyos ang inihayag noon sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta. Inihayag nila na ang Mesiyas ay dapat maghirap. At ito ay tinupad niya. 19 Magsisi nga kayo at magbalik-loob para sa pagpawi ng inyong mga kasalanan. Ito ay upang dumating ang mga panahon ng pananariwa mula sa harapan ng Panginoon.
3 Narito, kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Ama na ipinagkaloob sa atin upang tawagin tayong mga anak ng Diyos. Ang dahilan kaya hindi tayo kilala ng sanlibutan ay sapagkat hindi ito nakakakilala sa kaniya. 2 Mga minamahal, ngayon ay mga anak na tayo ng Diyos bagaman hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Ngunit alam natin na kapag mahahayag siya, tayo ay magiging katulad niya sapagkat makikita natin siya kung ano ang anyo niya. 3 Sinumang nagtataglay ng ganitong pag-asa sa kaniya ay dumadalisay sa kaniyang sarili, gaya naman niyang dalisay.
4 Sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din sa kautusan at ang kasalanan ay ang hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos.
5 Nalalaman ninyo na siya ay nahayag upang alisin ang ating mga kasalanan at sa kaniya ay walang kasalanan. 6 Sinumang nananatili sa kaniya ay hindi nagkakasala. Ang sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya o nakakilala sa kaniya.
7 Mga anak, huwag ninyong hayaang iligaw kayo ninuman. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid na gaya niyang matuwid.
Nagpakita si Jesus sa mga Alagad
36 Habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus sa gitna nila. Sinabi niya sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo.
37 Sa kanilang pagkasindak at pagkatakot, inakala nilangnakakita sila ng isang espiritu. 38 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo naguguluhan? Bakit kayo nagkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.
40 Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41 Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak atpagkamangha. Habang sila ay nasa ganitong kalagayan, sinabi niya sa kanila: Mayroon ba kayong anumang makakain dito? 42 Binigyan nila siya ng bahagi ng inihaw na isda at pulot. 43 Pagkakuha niya, kumain siya sa harapan nila.
44 Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
45 Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47 Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48 Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
Copyright © 1998 by Bibles International