Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
24 Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. 25 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang mga hari ng mga Gentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. 26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. 27 Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. 28 Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. 29 Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo. 30 Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari. Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel.
Copyright © 1998 by Bibles International