Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
6 Ngunit ang sinumang maging katitisuran sa isa sa mga maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng malaking gilingang bato ang kaniyang leeg at itapon sa dagat.
Mga Kadahilanan ng Pagkatisod
7 Sa aba ng sangkatauhan dahil sa mga katitisuran. Ito ay sapagkat kailanman ay hindi mawawala ang mga kadahilanan ng pagkatisod.Ngunit sa aba ng taong pinanggalingan ng pagkatisod.
8 Kaya nga, kung ang iyong kamay o ang iyong paa ang makakapagpatisod sa iyo, putulin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay kaysa may dalawang kamay o dalawang paa, ngunit ihahagis naman sa apoy na walang hanggan. 9 Kung ang iyong mata ang makakapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Higit pang mabuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na mayisang mata, kaysa may dalawang mata, ngunit ihahagis naman sa apoy ng impiyerno.
Copyright © 1998 by Bibles International