Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Juan 2:18-25

Babala Laban sa mga Anticristo

18 Munting mga anak, ito na ang huling oras. Gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo. Kahit ngayon ay marami nang anticristo kaya nalalaman natin na ito na ang huling oras.

19 Humiwalay sila sa atin subalit hindi sila kabilang sa atin sapagkat kung talagang kabilang sila sa atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang mahayag na silang lahat ay hindi kabilang sa atin.

20 Ngunit kayo ay pinagkalooban niyaong Banal at nalalaman ninyo ang lahat ng bagay. 21 Sinulatan ko kayo hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan kundi dahil sa alam na ninyo ito. Alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan. 22 Sino ang sinungaling? Siya na tumatangging si Jesus ang Mesiyas. Ang tumatanggi sa Ama at sa Anak, siya ay anticristo. 23 Ang bawat isang tumatanggi sa Anak ay wala rin naman sa kaniya ang Ama. 24 Kaya nga, ang mga bagay na inyong narinig buhat pa sa pasimula ay manatili nga sa inyo. Kung ang inyong narinig buhat pa sa pasimula ay nananatili sa inyo ay mananatili rin kayo sa Anak at sa Ama.

25 Ang pangakong ipinangako niya sa atin ay ito, ang buhay na walang hanggan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International