Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Lucas 1:57-80

Isinilang si Juan na Tagapagbawtismo

57 Dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang lalaki.

58 Narinig ng mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang habag niya sa kaniya. At sila ay nakigalak sa kaniya.

59 Nangyari, nang ika-walong araw, sila ay dumating upang tuliin ang sanggol. At siya ay tinatawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama. 60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi: Hindi. Siya ay tatawaging Juan.

61 Sinabi nila sa kaniya: Wala kang kamag-anak na tinawag saganiyang pangalan.

62 Sila ay sumenyas sa ama ng sanggol kung ano ang nais niyang itawag sa kaniya. 63 Pagkahingi niya ng isang masusulatan, sumulat siya nasinasabi: Juan ang kaniyang pangalan. At silang lahat ay namangha.

64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at nakalag ang kaniyang dila at siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos. 65 Natakot ang lahat ng mga naninirahansa kanilang paligid. At ang lahat ng mga bagay na ito ay pinag-usap-usapan sa buong lupain sa burol ng Judea. 66 Isinapuso ng mga nakarinig ang mga bagay na ito. Kanilang sinasabi: Magiging ano kaya ang batang ito? At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya.

Ang Awit ni Zacarias

67 Si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Banal na Espiritu. Nagsalita siyang tulad ng propeta.

68 Sinabi niya: Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel sapagkat dumating siya at tinubos ang kaniyang mga tao. 69 Siya ay nagbangon ng isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ni David na kaniyang lingkod. 70 Ito ay ayon sa kaniyang sinabi sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang pasimula. 71 Kaniyang sinabi na tayo ay ililigtas mula sa ating mga kaaway. Gayundin, mula sa kamay ng lahat ng mga napopoot sa atin. 72 Ito ay upang tuparin ang kaniyang kahabagan sa ating mga magulang at alalahanin ang kaniyang banal na tipan. 73 Ito ang panunumpa na kaniyang sinumpaan sa ating amang si Abraham na ibibigay sa atin. 74 Ginawa niya ito upang tayo ay maglingkod sa kaniya nang walang takot, pagkatapos niya tayong iligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway. 75 Tayo ay maglilingkod sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya habang tayo ay nabubuhay. 76 Ikaw, maliit na bata, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat yayaon ka sa harapan ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan. 77 Ikaw ay yayaon upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao, para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. 78 Ito ay sa pamamagitan ng taos-pusong kahabagan ng ating Diyos, kung saan ang bukang-liwayway mula sa kataasan ay dumating sa atin. 79 Ito ay upang magliwanag sa mga nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan at upang patnubayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.

80 At ang bata ay lumaki at pinalakas sa espiritu. At siya ay nasa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International