Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
BETH.
9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan?
Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
10 Hinanap kita ng aking buong puso:
Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
11 Ang salita mo'y aking iningatan (A)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
12 Mapalad ka, Oh Panginoon:
(B)Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
13 Aking ipinahayag ng aking mga labi
Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
14 (C)Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo,
Na gaya ng lahat na kayamanan.
15 Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin,
At gagalang sa iyong mga daan.
16 (D)Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan:
Hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Tungkol sa panata.
21 (A)Pagka ikaw ay magpapanata ng isang panata sa Panginoon mong Dios, ay huwag kang magluluwat ng pagtupad: sapagka't walang pagsalang uusisain sa iyo ng Panginoon mong Dios; at magiging kasalanan sa iyo.
22 Nguni't kung ikaw ay magbawang manata, ay hindi magiging kasalanan, sa iyo:
23 Ang nabuka sa iyong mga labi ay (B)iyong gaganapin at gagawin; ayon sa iyong ipinanata sa Panginoon mong Dios, na isang kusang handog, na ipinangako mo ng iyong bibig.
24 Pagka ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapuwa, ay (C)makakakain ka nga ng mga ubas sa iyong kagustuhan hanggang sa ikaw ay mabusog; nguni't huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan.
25 Pagka ikaw ay pumasok sa nangakatayong trigo ng iyong kapuwa, ay makikitil mo nga ng iyong kamay ang mga uhay; nguni't huwag mong gagalawin ng karit ang nakatayong trigo ng iyong kapuwa.
Batas tungkol sa paghihiwalay; Bayad sa kaupahan; Maling paghatol.
24 Pagka ang (D)isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
2 At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.
3 At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;
4 (E)Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
10 Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla.
11 Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo.
12 At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya:
13 (A)Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at (B)pagpalain ka: at (C)magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.
14 (D)Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
15 Sa kaniyang kaarawan ay (E)ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); (F)baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.
2 Mga kapatid ko, (A)yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon (B)ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.
2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;
3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;
4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?
5 Dinggin ninyo, mga minamahal kong kapatid; (C)hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging (D)mayayaman sa pananampalataya, at mga (E)tagapagmana (F)ng kahariang (G)ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya?
6 Nguni't (H)inyong niwalang-puri ang dukha. Hindi baga kayo'y pinahihirapan ng mayayaman, (I)at sila rin ang kumakaladkad sa inyo sa harapan ng mga hukuman?
7 Hindi baga (J)nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y (K)itinatawag?
8 Gayon man kung inyong ganapin (L)ang kautusang hari, ayon sa kasulatan, (M)Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili, ay nagsisigawa kayo ng mabuti:
9 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
10 Sapagka't ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma'y natitisod sa isa, (N)ay nagiging makasalanan sa lahat.
11 Sapagka't ang nagsabi, (O)Huwag kang mangalunya, ay nagsabi, naman, Huwag kang pumatay. Ngayon, kung ikaw ay hindi nangangalunya, nguni't pumapatay ka, ay nagiging suwail ka sa kautusan.
12 Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan (P)ng kautusan ng kalayaan.
13 Sapagka't ang (Q)paghuhukom ay walang awa doon sa hindi nagpakita ng awa: ang awa ay lumuluwalhati laban sa paghuhukom.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978